Animal Love

 

Paano sinusukat ang pag-ibig?

Naalala niyo yung lesson sa mga bagay na measurable at immeasurable?

Meron daw mga bagay na kaya nating sukatin o i-quantify tulad ng time, length, mass, electric current, temperature, luminous intensity at volume. Yan ang basic quantity ng measurement kung naaalala niyo pa ang math at science lesson natin noong nag-aaral pa tayo. Tinuruan tayo kung paano gamitin ang bawat isa sa dapat nitong paggamitan. Paulit-ulit tayong pinatitingin sa kamay ng relo para malaman kung marunong na ba talaga tayong tumingin ng oras. Pinasakit din ang ulo natin noong tinuruan tayong mag-convert papunta sa ibang unit. At ang iba, hanggang ngayon, hindi pa rin alam kung ilang feet meron sa isang yarda.

At syempre, may mga bagay daw na hindi kayang sukatin o bilangin. Halimbawa ay ang kabaitan, kagandahan, pag-ibig at marami pang iba. Pwede mo lang sabihin na “mas mabait siya kesa kay…” pero di mo pwedeng sabihin na ang kabaitan ng batang ito ay 145,007. Pwede nating mailarawan pero di natin mabibilang.

Nagkakaroon ng problema kadalasan sa buhay natin pag sinusukat natin ang mga bagay na hindi naman dapat. Minsan, ang pagmeasure nila sa immeasurable ang nagiging basehan nila sa pagdedesisyon.

Gaano ka na kabigat?

Sagot: 73.5 kg.

Gaano ka na katangkad?

Sagot: 176 cm.

Gaano mo ako kamahal?

Sagot: …

——————————————-

Time

Kung basehan ang tagal ng pagsasama para masukat ang pagmamahal, posasan ninyo ang tig-isa niyong kamay at magsama kayo habang buhay at wag nang maghiwalay. Hindi rin basehan ang daysary, monthsary, anniversary para masukat ang pagmamahal. Minsan kung sino pa yung akala mong magkakatuluyan na ay nagkakahiwalay pa. At madalas, kung kelan nagkatuluyan, doon pa naghihiwalay. Basehan ba ang edad sa mga tunay na nagmamahalan? Sinong nagpauso na dapat laging mas matanda ang lalaki kesa sa babae? Sinong nagsabing hindi pwede magmahalan ang may agwat na 15 taon? Kung edad ang basehan mo para umibig, pumunta ka NSO at humingi ng listahan ng mga listahan ng mga kasabayan mong pinanganak at doon ka maghanap ng mamahalin mo.

Length

Kung basehan ang tangkad para masukat ang pagmamahal, mag hanap ka ng Yao Ming. Kung basehan ang sukat ng paa para sa pagmamahal, paoperahan mo na lang. Kung 36-28-36 na vital statistic ang sukatan mo ng pagmamahal, maliwanag na hindi na nagmamahalan ang tatay at nanay mo. Kung lapit ng distansiya ang sukatan ng pagmamahal, walang matitirang pag-ibig ang mga OFW. Pero ba`t may mga OFW na malayo sa pamilya na kung bibilangin ay lampas pa sa kalahati ng edad nila ang tinagal sa abroad pero pag-uwi sa pinas ay tapat pa ring nagmamahalan? Ba`t merong sumakabilang buhay na ang minamahal nila, pero hindi nagbabago ang pag-ibig?

Mass

Hindi ba pwedeng magmahal ang chubby sa ting-ting? E kung ang chubby ay sumeksi at si ting-ting ay nagkalaman, pwede na ba? E kung si seksi ay chumabby, dapat na bang hiwalayan? Dapat bang sukatan ang timbang o ang bilbil at abs sa tiyan?

Volume

Kung sukatan ang dami ng pera para sa tunay na pagmamahal, 5% lang ng tao ang nagmamahal ng totoo. Sana hindi sukatan ang kapal ng photo album ninyong magkasamang dalawa. Hindi sana sukatan ang like sa post at picture sa FB ng mahal mo. Hindi sana maging basehan ng tunay na pagmamahal ang chocolate, burger at fries na dinadala sayo tuwing sinusundo ka. Hindi rin sana maging basehan ang dami ng rosas at love letter na naibigay sayo sa buong taon ng pagsasama ninyo.

Electric Current

Basehan ba ang “Spark” sa tunay na pagmamahal? Marami na atang nabiktima yang spark na yan. Marami na rin ang nag-aabang niyan na tumanda na lang na dalaga. Marami na rin naman ang nakadama niyan pero hindi nagkatuluyan hanggang dulo. E paano kung noong una ay kinikilig ka pa pero unti-unti ng nawawala, kailangan mo nanaman bang maghanap ng iba para kiligin ulit? Baka minsan, sa sobrang payapa ng relasyon, nasasabi ng iba na bumoboring at nagsasawa na. Hindi na naaappreciate yung peacefulness at pagmamahal dahil napapalibutan na sila nun. Tapos pag naghiwalay, tsaka magsisisi.

Temperature

Basehan ba ng tunay na pagmamahal sa pagiging `HOT` ng GF mo? Dapat bang artistahin lang ang pwedeng makahalikan mo sa altar? Dapat ba lagi kayong magkasamang manood ng sine at may date linggo-linggo sa SM at Trinoma para mapanatiling mainit ang pagmamahalan ninyong dalawa? Baka nakakalimutan ninyo na ang pag-aasawa ay hindi basta-basta sinusubo na pag napaso ay iluluwa na lang basta. May mga tao ring natural na hindi showy sa emosyon pero totoong nagmamahal.

Luminous Intensity

Basehan ba ang kalinawagan ng future mo ng pagmamahal? Sigurado ka bang tapat na mamahalin kung mapapangasawa mo ang boss mo na may-ari ng haciendang pinagsasakahan mo? Sigurado ka ba na hindi ka sasaktan ng amerikanong naka-chat mo at nag-i-love you sayo na nakilala mo sa FB? Mas sasaya ba ang buhay mo kung yung doktor mong manliligaw ang pipiliin mo kesa sa tricycle driver na matagal ng umiibig sayo? Sa panahon ba ngayon, prayoridad na ba talaga ang pagiging praktikal o wise sa pagpili ng mapapangasawa habang buhay? Hindi na ba pwedeng mahalin ang taong walang maipagmamalaki kundi ang inibig mo siya? Ba`t may mga mag-asawa pang naghihiwalay? At ba`t may mga mahirap na magkasamang tumanda at naitawid ang kanilang buhay sa pagtitiyaga?

——————————————

 

Gaano kita kamahal? Lumabas ka ng bahay mo at tumingin ka sa taas kung walang ulap.. Anong nakikita mo? Langit? Oo tama pero actually ozone layer ang nandyan pero di mo lang makita. Alam mo bang imposibleng magkaroon ng living creatures sa mundo natin kung wala yang ozone layer na yan dahil sa radiation? Ganyan kita kamahal e.. Imposibleng magkaroon pa ng buhay at kulay ang mundo ko kung tuluyan kang mabubutas, masisira at mawawala sa akin. Isang ngiti mo nga lang ay gumaganda na ang sira kong umaga. Pag kausap kita, hindi ko na nga namamalayan ang oras dahil sa tuwa. Wala akong pakialam kung malaki ang agwat ng edad natin. Wala akong pakialam kung umaga na dyan at gabi na dito. Hindi ako magbabago kahit tumaba ka at magkaroon ng kurikong sa mukha. Wala akong pakialam sa sinasabi ng iba e. Hindi ko masukat kung gaano kita kamahal. Hayaan mo na lang na samahan kitang tumanda at baka himalang malaman natin ang sagot sa tanong na yan.

 

Ngayon alam mo na ang isasagot mo kung sakaling gusto niya malaman kung gaano mo siya kamahal.

 

-Metaporista

 

Mukhang namamatay na ang industriya ng pagpipinta. Dahil nga ba hightech na tayo ngayon at nakadepende na lang ang “Art” sa ma-hightech at digital na paraan? Camera na lang ba ang bahala na magpakita sa atin ng ganda ng kapaligiran? Photoshop at Paint na lang ba ang magiging sketch pad natin at hindi na natin kailangan ng Crayola, Cray Pas, Water Color at Acrylic Paint? Kamusta na ang industriya ng pagpipinta? Hindi na ba masusundan si Jao Mapa?

Baka nakalimutan mo na ang lumikha ng Spolarium at Markang demonyo?

 

Balikan natin ang mga sikat na pintor natin at ang kanilang mga obra.

 ===============================================

Abad, Pacita

(1946-2004)

www.pacitaabad.com

Image

Image

“Anilao at its Best”

Image

“Ati-Atihan”

Image

“Filipina: A Racial Identity Crisis”

Image

“LA Liberty”

Image

“Pacita Sailing”

Image

“Sampaguita Girl”

 ===============================================

 Abellana, Martino

 (1914-1988)

boykiamko.multiply.com

Image

 

Image

Image

Image

Image

 

 ===============================================

 Alculaz, Federico Aguilar

(1932-2011)

federicoaguilaralcuaz.com

Image

Image

Image

Image

ImageImage

Image

 

 ===============================================

Amorsolo, Fernando

(1892-1972)

pinterest.com/elizf

Image

Fernando Amorsolo

Image

“Burning of Idols”

Image

“El Ciego”

Image

“Bontoc Igorrotes”

Image

“Planting Rice”

Image

“Prinsesa Urduja”

Image

Markang Demonyo

===============================================

Amorsolo, Pablo

(1898-1945)

Image

“Piro”

Image

“Limpia Botas”

Image

“Fruit Vendor”

===============================================

Ancheta, Isidro

(1882-1946)

tripwow.tripadvisor.com

Image

Ancheta, Isidro

Image

“Reclining Woman”

Image

“Oil on Masonite”

Image

Image

===============================================

Marcel, Antonio

(1965-Present)

artesdelasfilipinas.com

Image

Marcel, Antonio

Image

“Act IV”

Image

Image

Image

===============================================

Cabrera, Benedicto

(1942-Present)

www.arcadja.com

Image

Cabrera, Benedicto

Image

“Three Graces”

Image

“Sabel in Blue”

Image

Yellow Confetti

===============================================

De la Rosa, Fabian

(1869-1937)

www.geringerart.com

Image

Fabian De la Rosa

Image

Image

Image

Image

 

===============================================

Edades, Victorio

(1895-1985)

www.geringerart.com

Image

“Lavandera 2″

Image

“The Gatherer”

Image

“The Sketch”

Image

“The Builders”

===============================================

Francisco, Botong

(1912-1969)

Image

Botong Franciso

Image

ImageImage

Image

“Pilgrimage to Antipolo”

Image

“The nose flute”

===============================================

Gorospe, Paco

(1939-2002)

www.lostateminor.com

Image

 

Image

Image

 

Image

Image

 

===============================================

Hidalgo, Felix Resurreccion

(1855-1913)

Image

“The Christian Virgins Being Exposed to the Populace”

===============================================

Luna, Juan

(1857-1899)

Image

Juan Luna

Image

“Spolarium”

Image

Nu Femeni

Image

“Tampuhan”

Image

“Ensuemos de Amor”

Image

“Parisian Life”

Image

“Las Damas Romanas”

——————————————————————————————————

Iba pang mga sikat na pintor:

Joya, Jose T. (1931-1995)

Kiukok, Ang (1931-2005)

Legaspi, Cesar (1917-1994)

Leynes, Nestor (born 1922)

Luz, Arturo R. (born 1926)

Malang (born 1928)

Manansala, Vicente (1910-1981)

Mapa, Jao (born 1976)

Miclat, Maningning (1972-2000)

Ocampo, Hernando R. (1911-1978)

Olmedo, Onib (1937-1996)

Ossorio, Alfonso A. (1916-1990)

Parial, Mario (born 1944)

Phoenix, Satine (born 1980)

Rizal, Jose (1861-1896)

Sillada, Danny (born 1963)

Tabuena, Romeo Villalva (born 1921)

Tapaya, Rodel (born 1980)

Zobel de Ayala y Montojo, Fernando (1924-1984)

————————————————————————————————-

18 years bago narecognize si Michael Angelo. 6 years lang si Juan Luna.

60 years bago naperfect ni Michael Angelo ang ganung style ng pagpipinta. 6 years lang, nakuha na ni Juan Luna.

Marami pang pinanganak at ipapanganak pang malulupit na pinoy sa pagpipinta. Pero ilan kaya sa kanila ang pipigilan ng magulang na tumuloy sa pagkuha ng fine arts sa paniniwalang bihira ang yumayaman doon? Ilang Juan Luna na ba ang naiba ang tinahak na landas? Ilang kasing galing ni Francisco Botong pa ang ipapanganak na mamatay at mababaon lang sa hukay ang talento? Mukhang kanya-kanyang sikmura na lang natin ang magiging prayoridad. Sana may manindigan pa at magtuloy sa paghawak ng brotsa.

-Metaporista

 

 

 

 

 ===============================================

2012

2011

2013

Oi! Isang taon na rin ah.. Hehe.. Una sa lahat binabati ko kayo dahil umabot pa kayo ng 2013.

O kumusta naman ang buong taon niyo? Alam kong hindi OK kahit malaki laki ang sinuweldo niyo ngayong Disyembre.

Exciting at makulay ang 2012 niyo hindi ba?

Sinong mag-aakalang ang chief justice ng isang bansa ay magiging guilty sa pagkakaroon ng mga tagong yaman? Napakabihira mangyari yun. Yung mga dating chief justice naman ay hindi ko kasi hinayang maamoy at pagkainteresan ng taumbayan.

Sino ulit ang mag-aakalang ang isang senador na isa rin sa dapat maging huwarang mamamayan ay mahuhuling nangongopya ng mga artikulo na hindi nagpapaalam sa isang blogger.

Sinong mag-aakalang kung sino pa ang mga pinuno na malilinis ang hangarin at pamumuhay ay yun pa ang unang mamatay tulad ng nangyari kay Sec. Jesse Robredo. Ang totoo niyan, nagdalawang isip ako kung hahayaan ko ba siyang mamatay. Kinuha ko na lang siya para maitaas ang kalidad ng mga piloto at ng mga eroplano niyo diyan.

Sino ring magaakalang mapapatumba ni Marquez si Pacman? Chamba? Hindi. Sinadya at prinogram ko na na mangyari yun mula pa nung una. Dalawa ang dahilan ko diyan. Una para maramdaman niyo kung ano ang nararamdaman ng mga Mexicano tuwing natatalo ang pinakapipitagan nila at iniidolong mga boksingero. Pangalawa, Gusto ko ring ipakita sa inyo na hindi sapat ang pagpanalangin niyo sa akin. Sa buhay niyo, magugutom kayo kung hindi kayo magsisikap at magtratrabaho maige. Sa boxing, kung sino ang mas masipag sa ensayo, siya ang nananalo.

Tutal napagusapan natin ang boxing, wag kayong mag-alala dahil hindi ko pa rin hahayaang mabura ang bandila ng pinas sa ring ng boxing dahil hinanda ko naman si Donaire, Tulfo at Raymart para sa inyo.

O e sino ring mag-aakalang kukunin ko na rin ang Comedy King ninyong si Pidol. Awang-awa na kasi ako sa kanya dahil matagal na siyang binabalitang patay ng media. Malaki ang pera sa Chismis. Itanong niyo pa kay Lolit Solis. Atleast ngayon, wala ng malolokong bibili ng diyaryo tuwing mafrofrontpage na namatay nanaman si Pidol. Alam kong hindi niyo malilimutan ang taon na ito na iniwan na kayo ni Marcova. Pero mukhang kailangan ko pang ipaalala sa inyo na namatay din si Iggy Arroyo. Oo, alam kong wala kayong paki at may mas paki kayo sa taga San Bedang namatay sa hazing.

Sino ring magaakalang hindi kayo kayang ipagtanggol ng mga pinuno at general sa mga tsinong nagaangkin ng Scarborough Shoal? Palakihan ng barko? Padamihan ng barko? Harangan ng saging at dual sim na iphone? Ngayong 2013 mas lalo kong paiinitin yang issue na yan. Makikita niyo kung sino talaga ang tunay na makapilipino. Oo, makapilipino.

Sinong magaakalang muntik na pagbawalan ang magbunyag ng katiwalian ng mga pulitiko at tao sa social media? Natakot ka sa Cyber Crime Law ano? Alam mo kasing siguradong makukulong ka kung kakalkalin ng NBI ang wall mo.

Sinong magaakalang dadaluhungin ng troso ang mga kababayan niyo ng bagyong Pablo. Ok din ba ang pagpapadala ko ng bagyong Gener sa inyo? Ang galing ano. Kailangan niyo pa pala ng isang bagyo para makita ang pagkakaisa niyo.

Marami pa akong celebrity na papatayin ngayong 2013. Marami pa akong problemang dadalhin sa bansa niyo. At marami pang mga bagay na hindi niyo inaaakalang mangyayari ang magaganap. Di ko mapigilan kasi naaaalala niyo lang naman ako pag may delubyo. At akala niyo ba tapos na ang mga taong magpipiling na manghuhula ng end of the world? Mag-antay lang kayo at meron nanamang lalabas diyan. Gagamitin ang siyensya at giyera para takutin kayo na magugunaw na ulit ang mundo. Wala kayong dapat katakutan kung wala kayong ginagawang masama.

Gawin niyong maayos ang 2013 niyo. Magsipag kayo lalo. Manood ng balita. Bawasan ang pagnanakaw ng oras sa trabaho. Iwasan ang pagsisinungaling at panloloko lalo na sa kamag-anak niyo. Kinasusuklaman ko yan ng lubos.

Wag rin kayong matakot dahil mas malala ang nararanasan ng ibang bansa sa middle east kesa sa inyo.

Parami na ng parami ang hindi naniniwala sa akin. Nakakalungkot pero ganun talaga. They think Amalayer.

-Metaporista

 

 

Babala. Wag sinungaling. Hindi totoong nakakatangos ng ilong.

 

 

Piliting wag magsinungaling. Pag nagsinungaling ka, habang buhay mo yun pagtatakpan. O hanggang sa kumapal na ang mukha mong aminin ang katotohanan.

Kung ayaw mong mag-abot ng bayad at sukli sa jeep, dalawa lang yan. Sumabit ka o mag-abang ka ng jeep na may bakante sa harap.

Hindi porke may isang pulis na magnanakaw ay magnanakaw na lahat ng pulis. Hindi porke napatakan ng isang patak na itim na tinta ang dagat ay mangingitim na ang buong karagatan.

 

Hindi kailangan sumigaw para sundin ka. Bulong lang at magalang na pakiusap, ok na.

 

Dati dasal muna bago kumain.. ngayon picture muna bago kumain..

 

 

Mukhang karamihan sa mga tao ngayon ay nakakalimutang gamitin ang “manner mode” nila. Mukhang kailangang paalalahanan ang iba. Sabi nga, wag na hayaan pang dumami ang masamang damo.

 

Paki-abangan na lang ha. At please, tulungan niyo akong wag na silang hayaan pang dumami.

 

- Metaporista

Metaporista


Masuwerte tayo sa pagkakamit natin ng kalayaan. Malaya na tayo mag salita, kumilos at magdesisyon. Pero ang hindi natin alam, mayroon ding masasamang epekto ang lubusang pagtamo ng kalayaan.

Search here

Twitter

  • Madali lang magpayaman kung tutuusin. Ang nagpapahirap lang ay ang pag-abot nito sa malinis na paraan.----- 1 year ago
  • Masubukan lang. Wala namang mawawala. Mabuti na ring simulan ngayon. Di ko kasi maintindihan ang @ at # na yan. Para mapaliwanag ko sa iba.----- 1 year ago

SARANGGOLA BLOG AWARDS 2

CLICK MO ITO, KUNG AYAW MONG MAHOLDAP

Isa sa isang dosenang buwan

Mayo 2013
L M M H B S L
« Peb    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 51 other followers

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 51 other followers