You are currently browsing the monthly archive for Hulyo 2010.
Mga Bagong Batas sa mga Computer Shop sa Buong Pilipinas:
1. Hindi ipinagbabawal ang pagtatayo ng computer shop sa tabi o paligid ng mga eskwelahan. Pero mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng mga laro tulad ng DOTA, SF, CF, CS at ibang pang mga Online games na kinahuhumalingan ng mga kabataan.
Sa UP diliman, ang mga computer shops sa SC at sa ISKO ay magagamit lamang pang type at pang surf sa net. Kaya kung isa ka sa mga estudyante dito at nangangati na ang kamay mong maka-beyond godlike ay kailangan mo pang pumunta sa Philcoa para lamang makamot mo ang iyong kamay.
(+) —-> Tatamarin ka ng bumiyahe dahil gagastos ka rin pa ng extra para sa pamasahe. Mag aaral ka na lang ng mag aaral o mag jojogging ka na lang. Well, mas magiging produktibo naman ang buhay mo kesa sayangin mo ang allowance at oras mo sa paglalaro ng 4 na oras na straight.
(-) —- > Libong estudyante ang magwewelga. Kung hindi umepek ang pagwewelga nila, gagawa sila ng paraan tulad ng pagdadala ng Flash drive para makapaginstall ng laro. Pero hindi pa rin sila papayagan dahil sa pangalawang batas.
2. Ang computer shop na mahulihan na may naka-install na laro o mga estudyanteng nag-install ng laro na mga nabanggit ay magmumulta sa 1st offense ng P300,000, 2nd offense P500,000, 3rd Offense P1,000,000 at pagtanggal ng permit sa mga establisyimento.
Oo, alam namin na malulugi ang mga may ari ng computer shops. Pero mas maraming maluluging mga bata kapag hindi kayo umayos. Kayo pera lang ang mababawas sa inyo, sila pera, talino at oras ang makakain sa kanila.
3. Papayagan lamang ang mga computer shop na makapag-install ng games na mga nabanggit kung walang school na nakapaligid sa kanila within 400m radius.
Layunin ng batas na ito na malayo ang mga kabataan sa pagkaadik sa computer games dahil ang lubusang pag-kaadik dito ay magdudulot ng pagkababa sa kanilang mga grado. Kung ang kalidad ng mga estudyante sa pilipinas ay mababa, mababa rin ang magiging kalidad ng kanilang mga trabaho.
Kung 400m kalayo sa iyo ang laruan ng computer willing ka bang maglakad(para sa mga walang kaya) para lang makapag-ranggo sa SF? Gagastos ka ba ng 6 pesos (para sa may kaya)? (Para sa mga mayayaman, Oo wala kayong limitasyon. Makakapaglaro kayo hanggang sa gusto niyo dahil ano ba naman ang 6 pesos para sa inyo. At malamang sa malamang, ok lang din naman sayo na ikaw ang pinakamababa ang grade sa klase niyo)
4. Ang mga Computer shop ay magbibigay ng 20% na diskwento sa first hour ng kanilang pagrenta at 15% naman na diskwento pag lumagpas sa isang oras. May 10% discount naman sa iba pang serbisyo tulad ng printing at scanning. Ang printing ng black sa short bond ay di lalagpas ng 3 piso ang singil. Ang printing ng colored font o pic sa short bond ay hindi lalagpas ng 15 pesos ang singil. Ang maningil ng labis sa nasabing halaga ay agad na tatanggalan ng permit pag napatunayan.
May mga proyekto minsan ang mga bata na kailangan gumastos ng papel tulad ng essay writing at mga research. Kung ang singil sa iyo sa black print per page ay 5 pesos, gaganahan ka bang pahabain at gandahan ang papers mo? Kung siningil ka ng 40 pesos para sa pinaghirapan mong idesign na front page na colored, gaganahan ka pa bang ibuhos ang idea at galing mo? Kung 20 pesos lang ang binigay sayo ng nanay mo panggawa ng homework na computerized magkakasya ba ito? Malamang kung anong unang lumabas sa google yun na agad yun. Hindi magiging intensive ang magiging resulta ng research nila dahil sa singil na hindi naman talaga nila abot-kaya.
Para sa ilang computer shop, hindi kailangang nakabukas ang aircon ng computer shop niyo buong araw kahit 3/10 lang ang nakaupo dito. Sapat na na walang tumutulong pawis sa aming mga leeg habang kami’y dumudutdot ng key board. Ang kuryenteng inyo sanang babayaran ay ibawas niyo na lang sa aming rerentahan.
5. Lahat ng computer sa computer shop ay kailangang may tig-iisang headset. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-gamit ng speakers. Dapat rin na may naka-install na Microsoft or Open office, Adobe Photoshop, PDF at Auto Cad.
Isipin niyo naman na hindi lahat ng nasa computer shop ay naglalaro. Makakapagconcentrate ka ba sa pag-gawa ng iyong reflection tungkol sa nabasa mong libro kung ang katabi mo ay nagpapatugtog ng playlist ng KORN at iba pang heavy metal? o kaya ang malalakas na putok ng baril?
6. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng dirty promo sa mga computer shop na pinapayagang mag-install ng games tulad ng “99 pesos only if you play 10 straight hours” , “10 pesos per hour rate during midnight until 5am” , “Play 3 hours every day for 1 week and you’ll receive free umbrella” at iba pa.
Ito ang nagiging dahilan sa iba kung bakit sila naaadik. Akala nila ay nakatipid sila ng malaki kapag pinatos nila ang promo na ito. Kaya imbis na 2 hours ka lang sana maglalaro tuwing sabado ay papatusin mo na ang 99 pesos nila. Imbis na natutulog ka na ng mahimbing sa gabi ay gigising ka ng alas dose para makatipid. Yan tuloy laging late pag pumapasok sa school o laging inaantok.
7. Bawal ang mga naka suot ng school uniform sa mga computer shop na pwedeng mag lagay ng games
Atleast alam man lang ng magulang ng mga highschool student na galing na sila ng kani-kanilang bahay dahil nakapagbihis na sila ng kani-kanilang damit. Malamang sa malamang ay magbabaon na sila ng kani-kanilang damit sa school pa lang para diretso na. Pero magsasawa rin sila dahil malamang ay magpapalit din sila ulit ng kanilang school uniform bago sila umuwi. Kung hindi, mahuhuli sila ng kani-kanilang mga magulang.
8. Bawal na ang slow na taga-bantay ng comp shop
Merong kasing ibang taga-bantay na hindi man lang marunong gawing landscape ang portrait. 3 times 7 kina-calculator pa. Pag nagpa-in ka sa computer number 11, computer number 2 yung bubuksan. Tatanggap ng printing at isasalpak pa niya ang Flash drive mo sa USB tapos kokopyahin pa yung files mo sa desktop tsaka sasabihin “Ay wala na nga pala kaming colored..”. Sana man lang pag ka abot ng USB tinatanong na agad kung colored ba o hindi.
Ito ang mga bagong batas sa Pilipinas para sa mga Computer shops pag ako ang magiging driver ni P-noy.
– Metaporista
Trapik — Isang salita na binibigkas ng daang libong pilipinong bumibiyahe araw-araw sa ating lansangan tuwing peak hours. Isa rin itong palusot ng libong estudyante sa school kung bakit sila late kahit halatang hindi sila nakaligo dahil taas-taas pa ang buhok at may muta-muta pa.
Bakit nga ba binibigyan ng pokus ang mga batas natin na panlasangan ngayon?
1. Matagal ng nakakapanamantala ang iba dahil sa mga batas na hindi naman mahigpit na ipinapatupad na nagiging sanhi minsan para magka-trapik.
2. Mas nagiging produktibo ang oras at buhay ng mga tao pag walang trapik.
- Maaga makakauwi ang magulang at asawa galing trabaho at mas magkakaroon sila ng oras para magkasama-sama. Tandaan na ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan na dapat nating pangalagaan at pausbungin.
- Mas masarap magbiyahe papunta sa mga pasyalan at bakasyunan pag walang trapik. Nakakatulong ito sa turismo ng ating bansa.
- Hindi mo na kailangang gumising ng masyadong maaga papasok ng school at trabaho para makaiwas sa trapik. Mas mahaba ang tulog ng tao, mas lumalakas ang resistensiya sa sakit, nakakawala ng eye bugs at iwas hapontukin.
- Walang trapik = Tipid sa gas. Yung 1 litrong gas na masasayang mo dahil sa trapik ay pwede mo ng ipambili ng 1 kilong bigas. At yung 1 litrong gas na sanang ico-combust mo ay makakatulong para mabasawan ang pasan ng mga dahon ng puno at halaman na walang tigil sa pagbibigay ng sariwang hangin.
- Hindi ka na magpipigil ng ihi na karaniwang sanhi ng UTI. Kaalinsabay nun, hindi na rin papanghi ang gulong mo at pader nila.
3. Araw-araw halos natin ginagamit ang lansangan kaya dapat ligtas itong daanan.
4. Mas maraming biyahe ang magagawa ng mga jeepney, taxi at bus drivers. Mas marami na rin ang madedeliveran ng mga delivery truck kaya mas tataas ang kanilang kakayahan para makapag-paaral ng anak at mabigyan sila ng mas magaang na buhay. Makakatulong ito sa pag-angat ng ating ekonomiya.
Ngayon pa lang ay naoobserbahan ko na ang ilang mga pagbabago sa ating lansangan. Bagaman marami pang hakbang ang dapat gawin para tuluyan itong maayos, may isang pinakamabilis at pinakamalaking hakbang na hindi hawak ni Pnoy kundi nasa ating lahat. Yun ay ang sama-samang pag tanim ng disiplina sa ating mga sarili. Pag gagawin natin lahat iyon, makikita natin ang magiging magandang bunga ng ating itatanim sa napaka-ikling panahon.
–Metaporista
Nagtataka ba kayo kung bakit hindi maipaliwanag ng siyensya ang ilan sa mga kasabihan ng matatanda? Kung minsan ay hindi natin malaman ang paliwanag at pinagmulan ng kanilang mga kasabihan. Kung minsan naghahanap pa tayo ng paliwanag at batayan bago natin ito sundin o paniwalaan. Sawa ka na ba sa pagsaway ng lola mo sayo tuwing nagwawalis ka sa gabi? Nabwiset ka na ba nung hindi ka pinagbilhan sa sari-sari store ng karayom dahil gabi na? Ilang beses ka ng sinabihan ng lolo mo na hindi ka makakapag-asawa dahil sa pagliligpit mo ng maaga ng mga pinggan na kinainan niyo?
Ito na ang paliwanag sa likod ng mga iyon:
–Metaporista
Note:
Isusunod ko na lang yung iba pa pag naalala ko.
Nakalimutan ko na kasi yung ibang kasabihan.

Kahapon may nakasabay akong koreana paakyat sa isang LRT station na laging binabaha. Maliit siya ngunit makikita mo sa mukha niyang nasa 35 na ang kanyang edad. Sabay ang aming pagtapak sa hagdanan mula sa baba hanggang sa huling hakbang papunta sa guard kung saan pinauna ko siyang pacheckin ng bag. Bagaman pinauna ko siya ay nauna pa rin akong nakapasok sa sakayan dahil meron akong stored value ticket. Nakita kong paparating na ang tren 1.5 segundo pagkatapos kong maipasok ang aking ticket. Nakita ko sa aking peripheral vision na nagmamadali na siyang naglabas ng barya sa counter. Dumiretso na akong naglalakad ng kampante sa bandang gitna ng bigla na lang akong nasagi sa balikat ng nagmamadaling koreana na nagmamadaling tumakbo sa dulo kung saan eksklusibo ang sakayan para sa mga babae. Nagpigil ako ng tawa dahil alam kong skip train ang tren na dumaan sa amin. Dumirediretso pa rin siya hanggang sa maabot nya ang dulo. nagaantay na tumigil ang tren at magbukas ang pinto. Malamang napahiya siya sa sarili niya. Nakita ko siyang hinihingal at matamang naghihintay ng susunod na tren na titigil para sa amin.
Naisip ko lang, nangyayari iyon sa lahat ng tao. Minsan inaasahan natin ang mga bagay na gusto nating mangyari sa ating buhay. Mali. Kadalasan pala. Akala natin ay para sa atin na. Yun pala mawawala pa.
Akala mo swesweldo ka na sa kinsenas yun pala naholdap yung magpapasweldo sa sayo..
Akala mo pasado ka na yun pala mag reretake ka pa ng final exam..
Akala mo bakasyon ka na yun pala tambak pa ang trabahong gagawin mo..
Akala mo aabot ka pa sa pag punch ng time card yun pala sobra na ng 1 minuto..
Akala mo luto na yung loob ng relyenong bangus yun pala balat pa lang ang luto..
Akala mo milyonaryo ka na dahil tumama ang 6 digits na tinayaan mo sa lotto yun pala last week pa yung diyaryong pinagtinginan mo ng numerong nanalo..
Akala mo pasado sa board exam yung anak mo, yun pala, yun pala… yun pala… waaaaaaaaaaaaaaaaaaa…
Pero hindi lang lagi kasawian yun. Marami rin sa mga yun ay tagumpay. Yung tipong akala mo skip train o kaya puno ang tren ng pasahero, yun pala sa istasyon nyo muna unang kukuha ng pasahero ang driver.. makakaupo ka at maiibuka pa ang iyong mga paa.
Akala mo wala ka ng ipapakain sa pamilya mo mula bukas yun pala magpapadala ang mga kapatid mo na nasa abroad ng pera..
Akala mo babagsak ka sa board exam dahil lagi kang dina down ng magulang at buong pamilya mo dahil ilang taon ka ng nag cocollege yun pala, top notcher ka pa at naofferan ka agad ng magandang trabaho..
At ang pinaka malaking himala na pwedeng mangyari sa tao..
Akala mo hindi mo siya mapapasagot, yun pala nakaya mo.. Hindi dahil nilasing at nabuntis mo o pinatutukan mo ng shotgun kundi dahil nalaman niya na ikaw, ikaw lang pala ang nagiisang tao na ginawa ng diyos para sa kanya..
–Metaporista










SocialVibe