You are currently browsing the monthly archive for Oktubre 2010.
Minsan mo na bang naitanong..
‘Bakit ang daming kailangang trabahador sa Dubai?’
‘Hindi pa ba sapat ang bilang ng mga trabahador doon at kailangan pa nilang maghanap ng taga-ibang bansa?’
‘O baka mas makakatipid sila pag pilipino ang kukuhain nilang trabahador?’
‘O baka mas magagaling lang talagang magtrabaho ang mga bayani nating pilipino kesa sa mga kalahi nila?’
———————————————-
Ang Dubai ay isa sa pitong emirates (states) ng United Arab Emirates. Ikumpara natin ito sa ating Metro Manila para mas makita niyo kung ano ang kalagayan niya.
Land Area:
Dubai: 4114 km2
Metro Manila: 638.55 km2 — (kulang-kulang 6.5 times na mas maliit sa Dubai)
Population:
Dubai: Approximately 2,262,000 as of 2008
Metro Manila: Approximately 11,553,427 as of 2007 – (Higit 5 times ng populasyon sa Dubai)
Gross Domestic Product:
Dubai: US$ 82.11 billion as of 2008
Metro Manila: US$53.13 billion as of 2009
Ayon sa numero, makikita na 6.5 times na mas malaki ang Land Area ng Dubai kesa sa Metro Manila pero 5 times na mas maliit ang populasyon nito(2008 ng Dubai at 2007 ng MM). Masyadong masikip ang Metro Manila kumpara sa Dubai kung ang pag-uusapan ay ang dami ng populasyon nito.Pero sa liit ng populasyon nila ay mas malaki pa rin ang kanilang GDP kumpara sa Metro Manila.
Bakit?
————————
Meron tayong 3 uri ng Resources:
1. Renewable– Mga hindi nauubos
- Araw (sun), Hangin
2. Potentially Renewable– Mga pwedeng maibalik sa mabilis o sa matagal na panahon
- Fresh air, Fresh Water, Fertile Soil, Halaman at Hayop
3. Non-Renewable– Nauubos at limitado lang ang dami
- Langis, Metallic at Non-Metalic Mineral
——–
Ang sagot sa tanong na ‘Bakit?’ ay dahil ubod ng yaman ng Dubai sa langis… Oo, alam kong alam niyo na yun.. Pero sabi ng mga eksperto, ang langis, bilang isang Non-Renewable resources ay mauubos na sa kanilang lupa sa loob ng 20 taon.
At pag nangyari iyon, mawawalan na sila ng source ng income..
KAYA.. para makabangon sa peligrong mangyayari sa kanilang bansa sa darating na mga taon, nag-isip sila ng paraan ng ibang pagkukuhanan ng kita.
At yun ay yung Sikretong pang-apat na Resources. Yun ang tinatawag natin na ABSTRACT RESOURCES. Ang halimbawa niyan ay ang magagandang mga tanawin.. na kahit titigan mo ng titigan ay hindi mauubos. Sa madaling sabi, TURISMO ang kanilang payayabungin para isalba ang kanilang malapit ng malunod na ekonomiya.
Paano ka dadayuhin ng mga turista kung laging fully booked ang mga hotel? —E di magtayo ng maraming magagandang hotel at building. (Para maging posible at mapadali, kailangan ng magagaling na trabahador, kaya maraming trabaho)
Paano ka dadayuhin kung meron naman sa mga bansa nila ng mga lugar na makikita nila sa inyo? — E di gagawa kami ng kakaiba! Gagawin namin ang pinaka-mataas na building sa buong mundo! Gagawa rin kami ng ubod ng gandang Man-Made na Isla! Gagawin din namin ang pinakamalaking Airport! Titiyakin naming sulit ang kanilang pagpunta sa Dubai! (Kaya mas maraming trabaho)
————————————————-
Kung tutuusin, ang Pilipinas ay ubod ng yaman sa ABSTRACT RESOURCES. Ang problema, hindi lang naaalagaan at pinapaganda ng maayos. Isipin niyo, ginawang solusyon ng Dubai ang pagpapaganda ng kanilang lugar at para magawa nila iyon ay kailangan nilang lustayin ang malaking halaga samantalang tayo, andyan na, ayan na sa harap mo ohhhhhh, pero anong ginagawa natin?! Isipin niyo kung gaano tayo kapalad, isipin niyo kung gaano na sana tayo kayaman ngayon.
3 Bagay na mahalaga:
1. Infrastructure – Artistic.. Safe.. Economic..
2. I-rehabilitate at mas pagandahin ang mga Tourist Spots natin — Ang problema pagkasakay pa lang nila ng Taxi sa NAIA paglabas ng airport sasalubungin na sila ng mga mga basura sa tabi-tabi. Mag-lalangoy sa beach, sasambulat sa kanila Diaper ng baby na nakarolyo pa.
3. Safety ng mga Turista — hindi sila pumunta dito para ma-hostage at mamatay.
Ang lihim ng Dubai? nagkakaisa silang tunay.
–Metaporista
-
-
-
-
http://en.wikipedia.org/wiki/Dubai
Kelan ka pa huling nakakain ng sardinas? Kahapon lang? Last year? 5 years ago nung panahong wala ka pang matinong trabaho?
-
-
Sino ang karaniwan mong nababalitaang namamatay sa sakit sa puso, ang mayayaman o ang mga mahihirap?
Ang pagkasobra sa matataba o malalangis na mga pagkain ay nakakasama sa ating katawan tulad ng paborito mong chicharon, taba ng baboy sa sinigang, taba ng baka sa bulalo at beef pares at iba pa at higit sa lahat, ang all-time favorite na Lechon Baboy.
Hindi lahat ng taba ay masama sa katawan tulad ng coconut oil, fish oil at iba pa. Karaniwang kilala ang mga mabubuting mga langis sa pagbibigay ng Omega-3 sa ating katawan. Ang Omega-3 ay isang fatty acids na esensyal sa ating katawan. Oo, ito yung naririnig natin sa patalastas ng Century Tuna.
Ngayon, kung ikaw ang tatanungin, anong mas gugustuhin mong kainin? Tuna o Sardinas?
(Pumili ng iyong totoong sagot..)
Bilang isang normal na tao, kung bibigyan ako ng chocolate at kailangang mamili ng isa lang sa Snickers at Cloud 9, natural na mas pipiliin mo ang Snickers. Aba’y syempre libre iyon at alam naman nating mas mahal ang snickers kaysa sa Cloud 9. Isa pa, mas nasasarapan ako sa Snickers.
Ganito rin ang kalagayan ng mga kababayan nating mahihirap. Kung papapiliin tayo kung Century Tuna na lapad vegetable oil o 555 Sardines na berde, aba’y malamang sa malamang ay Tuna ang pipiliin nating ulamin. PERO, may kamahalan ito kaya’t ang mga mahihirap na wala namang kakayahang makabili ng tig-trenta pesos na de latang tuna ay bibili na lang ng sardinas.
Pero bakit kahit sardinas lang ulam nila ay mas malakas ang resistensya nila at karaniwang mas mahaba ang buhay kesa sa mga mayayaman? Yun ay dahil mas mayaman sa Omega-3 ang sardinas kesa sa Tuna! Pinaka-mayaman sa lahat ang Salmon na isda sa Omega-3 pero ubod ito ng mahal.
Isa pa, ang Tuna ay malalaking isda na walang kaliskis. Samantalang ang Sardinas ay maliliit na isda na may kaliskis.
Dahil maliit na isda lamang ang sardinas, mayroon itong kaliskis, maliit ang tiyansa nito na makakuha ng mga toxins sa karagatan tulad na lang ng Mercury at Lead. Ang mercury ay isang karaniwang dahilan ng brain damage at karaniwan itong nakikita sa biological water. Ang malalaking isda gaya ng Tuna ay mas delikadong kainin kumpara sa sardinas dahil mas malaki tiyansa nilang makakain at ma-expose sa iba’t ibang klaseng toxic sa katubigan.
Ngayon, ibig ko bang sabihin ay mabuting kumain ng de latang sardinas lagi?
Hindi rin makakabuti ang pagkain ng mga de latang pagkain dahil meron na itong preservatives. Bagaman ang preservatives ay nakakatulong para mapanatiling sariwa, malasa, maayos at masustansiya ang ating pagkain, ang mga kemikal na hinahalo dito kung minsan ay nagdudulot ng masasamang epekto sa katawan. Kaya, mas inirerekomenda ang mga sardinas na nasa bote dahil mas sariwa iyon.

Swerte ang mahirap dahil kumakain sila ng sardinas kahit sawang-sawa na sila sa lasa nun dahil naaalagaan ang kanilang puso maige. Darating din ang araw na tatangkilikin na rin ng mayayaman ang pagkain ng sardinas. Alam kong darating iyon.
Oo alam kong mahal niyo ang aso niyo pero wag niyo na silang ipagmalasakit sa pagkain ng Omega 3 na galing sa sardinas.. dahil tiyak, gagalisin ang mga yun.
-
–Metaporista
An entry for Saranggola Blog Awards 2
Category: Kwentong Pambata
Ang Mang-aawit ng Ginaria
ni Metaporista
-
Sa bayan ng Ginaria, may isang batang labis na kilala. Ang pangalan nya ay Jiko. Lumaking walang Ama’t Ina. Gayunpaman, ang buong bayan sa kanya ay humahanga. Taglay niya ang talento sa musika at pagkanta. Siya ang laging nangunguna pag may paligsahan sa kanila. Ang sarili niyang mga awit ang kanyang kinakanta. Hindi siya kumakanta ng gawa ng iba kahit na alam niyang ang liriko niya ay pambata at walang maibubuga sa kakompitensiya niyang matatanda. Sa ganda ng kanyang boses, sa kanya ay walang makapag-patumba. Ang napapanalunan niyang premyong medalya ay kanyang kinokolekta. At ang kaunting naman niyang pera ay iniipon sa kanyang paboritong kulay pulang baboy na munting alikansiya.
-
Si Jiko ay nakatira mag-isa sa kanyang munting tahanan. Sa isang abandonadong jeepney sa loob ng kagubatan. Gubat na may masaganang mga puno at halaman. Lanzones, Saging, Mansanas at Dalandan. Ang mga pananim niya ay kanyang araw-araw na dinidiligan kapag walang ulan. Kahit tuloy di siya marunong magluto, ang tiyan niya ay hindi kumakalam dahil pag siya’y gutom siya’y aakyat sa puno at pipitas lang sa bunga ng mga puno at halaman. Dahil sa labis niyang pagmamahal sa kagubatan na kanyang tinitirahan, araw-araw niya rin itong kinakantahan. Sa ganda ng kanyang boses, ang lahat ng hayop, puno at halaman sa kagubatan sa kanya ay tunay na nalilibang.
-
Kapag magsisimula na ang pasukan sa paaralan, ang kanyang kulay pulang baboy na alikansiya ay kanya ng binubuksan. Ang naipon niyang mga pera ay pinambabayad sa eskwelahan. Pinambibili rin niya ito ng mga lapis at papel na kanyang susulatan na gagamitin sa pasukan. Akit na akit man siyang bumili ng mga bagong laruan sa tindahan, pinipigilan niya ang kanyang sarili dahil mayroon pa siyang mga dapat na tulungan. Pag may labis na pera sa kanyang mga napanalunan, agad siyang pumupunta sa kanyang matalik na kaibigan. Kakamustahin niya at pasurpresang bibigyan ng gamot para sa malubhang sakit ng pinakamamahal niyang kaibigan. Nagtatabi rin siya ng pera para sa mga mamamayan ng kanilang bayan na mayroong butas na bubungan. Hindi matiis ni Jiko na may tumutulo sa loob ng bahay ng kanyang mga kababayan tuwing umuulan. Pag may bakante siyang oras sa eskwelahan, tumutulong na rin siya sa pagkumpuni ng mga bubungan. Para pag may malakas na bagyo na sa bayan nila ay dadaan, lahat sila ay handa at walang pangangambahan.
-
Isang araw, habang nasa daan papasok sa kanyang paaralan, may isang malaking agila ang nagmamadaling lumapag sa kanyang harapan.
“Jiko! Jiko! Ang kabilang bayan ay mayroong malaking paligsahan ng kantahan! Agad nila akong pinapunta para ikaw ay imbitahan bilang representante ng Ginaria na iyong bayan! Ang premyo ay natatangi sa lahat ng paligsahan! Tatlong kahilingan ng mananalo ang agad nilang bibigyan ng katuparan! Mauuna na ako at ikakalat ko pa sa ibang kalahok sa ibang bayan.”
-
Tumungo si Jiko at sumenyas ng pagpapasalamat sa agilang mabilis na nag-ulat. Sa isip-isip niya’y sobrang gagaling ng kanyang mga makakalaban na magmumula sa iba’t ibang bayan. Pero ang premyo ang nagpapalakas sa kanyang dibdib at kalooban. Habang tinutuloy ang paglalakad papunta sa paaralan, wala siyang ibang iniisip kundi ang tatlong kahilingan na kung saka-sakali ay maaari niyang mapanalunan.
-
“Kung ako ang mananalo, una, hihilingin ko magkaroon ng sariling palasyo. Pangalawa, isang magandang kalesa na may malakas, maputi at mabilis na kabayo. At ang pangatlo, hihilingin ko ang lahat ng laruan sa tindahan!” Kinikilig at masayang sambit ni Jiko sa sarili na may kasabikan.
-
Nagsimula ng mag-ensayo si Jiko araw-araw pagkagaling niya sa eskwela. Alam ng buong bayan na siya ang representante ng Ginaria. Kaya naman ang buong bayan, sa kanya ay todo suporta. Lalo na nung kanilang malaman na kasali sa paligsahan si David Pomeran na kilala bilang eksperto sa larangan ng kantahan! Nagtipon ang magagaling na mananahi sa bayan para gawan ng damit si Jiko na gawa sa telang may kamahalan. Hinahandaan nila ng masasarap na lutong pagkain si Jiko gabi-gabi pagkatapos ng ensayo para siya ay lalo pang ganahan. Palihim na nagkasundo ang lahat na sila ay pupunta at manonood sa paligsahan para suportahan si Jiko na kanilang kababayan.
-
Lumipas ang linggo, araw, oras at dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat.
-
Puno ang plaza ng mga sabik na manonood sa paligsahan. Suot na ni Jiko ang damit na tinahi para sa kanya ng mga sastre ng kanilang bayan. Nagsisigawan na ang mga kababayan ni David Pomeran. Naghihiyawan. Nagtitilian. Malakas ang palakpakan. Si Jiko na ang sunod. Dahan-dahang napalunok nung tinawag na ang kanyang pangalan. Pumanhik na siya at nakita ang kanyang buong kababayan na sabay sabay na sinisigaw ang kanyang pangalan.
-
“Ji-Ko! Ji-Ko! Ji-Ko!”
-
Umuugong ang kanyang pangalan. Lumakas ang loob ni Jiko at lalo na siyang ginanahan at tuluyan ng nawala ang kaba sa dibdib niyang pinanghihinaan. Nagsimula ng tumahimik ang lahat bago siya magsimula kumanta. Lahat ng manonood ay nabigla nung marinig ang boses ng batang si Jiko na ubod ng ganda! Lahat ay nahalina! Di na napigilan magsigawan at magtilian ang mga tao sa ganda! Maging si David Pomeran ay halos sumuko na bago pa matapos ni Jiko ang kanyang kanta!
-
Dahil sa napakagandang boses ni Jiko na ngayon ay hinahangaan na ng mas nakararaming tao at ng mga hurado, si Jiko ng bayan ng Ginaria ang nanalo. Tuwang-tuwa ang kanyang kababayan. Naglundagan sila at muling naghiyawan. Hindi rin maipaliwanag ang tuwang nadarama ni Jiko na mababakas sa kanyang ngiti na para bang permanente at tinatakan na ng kasiyahan.
-
“Jiko, binabati ka naming lahat sa iyong pagtatagumpay sa paligsahan na ito. Bilang gantimpala sa pag-kapanalo mo, mayroon kang tatlong kahilingan na aming agad na tutuparin.” Sambit ng hosto sa paligsahan na kilalang panauhin.
-
Hawak na ni Jiko ang Mikropono. Inisip niya muli ang kanyang tatlong napagplanuhan na hilingin.
-
Palasyo, kalesa at laruan. Palasyo, kalesa at laruan. Palasyo, kalesa at laruan. Mga salitang patuloy na naglalaro sa kanyang musmos na kaisipan.
-
Sasambitin na sana niya ang nasa kanyang naiisip ng makita niya ang kanyang pinakamatalik na kaibigan na naka-upo sa wheel chair at hawak ang pinakamalaking placard na may nakasulat na..
“KAY JIKO WALANG MAKAKATALO, IPUPUSTA KO ANG BUHAY KO, SIYA SIGURADO ANG MANANALO”
-
Napansin nya rin na ang lahat ng taga-Ginaria ay nakasuot ng kulay pula na damit na paborito niyang kulay. Maging ang isang kababayan niyang walang kapera-pera ay napansin niyang suot ang pamilyar na kulay pulang T-shirt ng kanyang guro. Nanghiram para lang makapag-kaisa sa pagsusuot ng pula.
-
“Jiko, Pwede ka ng humiling.. Tatlo iyon iho..”
-
“Palasyo, kalesa at laruan po sana ang hihilingin ko.. Kaya lang.. Nagbago na po ang isip ko..”
-
Nanatiling tahimik ang lahat ng mga tao.
-
“”.. ang una ko pong hiling, paki-dala po sa hospital ang matalik kong kaibigan para po gumaling na siya sa sakit niya..”
-
Pumatak ang luha sa mata ng matalik niyang kaibigan. Nangingimi ang labi at pigil ang paghinga para di dumaloy ng lubusan ang kanyang luha.
-
“..pangalawa ko pong hiling ay mga bagong yero po na sasapat ang dami para sa lahat ng bahay sa aking mga kababayan..”
-
Nagtinginan ang mga tao sa hiling ng bata.
-
“..at ang huli ko pong hiling..”
-
Inaabangan ng lahat ang huling hiling ng bata.
-
“..mahalin po ng lahat ng anak ang kanilang mga magulang.. dahil kahit anong oras ay maaari silang mawala sa ating piling.. hindi na nila maririnig ang sigaw ng pagmamahal ng kanilang damdamin.. lalo na kung parehas na silang nailibing..”
—————–
WAKAS
Isang babaeng desperada ang humingi ng tulong sa Technical Support.
——
Dear Technical Support,
Nung nakaraang taon in-upgrade ko ang Boyfriend ver.5.0 pa Husband ver. 1.0 at napansin ko na ang bagong system ay nagsimulang magbago ng mga bagay na hindi ko inaasahan tulad na lang ng pagbibigay ng bulaklak at alahas na maayos at perpektong gumagana noon sa Boyfriend ver.5.0.
Dagdag pa doon, maraming mahalagang program ang natanggal tulad na lamang ng Romance ver. 9.9. Maraming bagong nadagdag tulad na lang ng NBA ver.5.0 at PBA ver.3.0. Hindi na rin gumagana ang Conversation ver.8.0 at ang House Cleaning ver.2.6 ang program na halos sumira na sa buong system dahil sobrang madalas magamit. Pinapagana ko yung Nagging ver.5.3 para maayos ang problema pero hindi ko mapagana.
From: Mrs. Desperada
—————————————————————————
Agad namang sinagot ng Technical Support ang sulat ni Ms. Desperada
Dear Mrs. Desperada,
Laging tandaan na ang Boyfriend ver.5.0 ay isang entertainment package, samantalang ang Husband ver.1.0 ay isang operating system. I-input mo ang command na “C:/I THOUGHT YOU LOVED ME” at mag-install ka ng Luha ver.6.2. Sigurado na ang Husband ver.1.0 ay otomatik na mag-bubukas ng program na Guilty ver.3.0 at Flowers ver.7.0. Pero tandaan mo na pag madalas mo itong gagawin, ang Husband ver.1.0 ay magpapatakbo ng ibang programa tulad ng Tahimik ver.2.5, Happy Hour ver.7.0 o kaya ay Beer ver.6.1. Ang Beer ver.6.1 ay isang masamang programa na magdudulot ng malakas na paghilik. Wag kang mag-iinstall ng Mother-In-Law ver.1.0 o kaya ay magre-install ng ibang Boyfriend Program dahil hindi suportado ang mga programang ito at posibleng makasira sa Husband ver.1.0.
Sa madaling sabi, ang Husband ver.1.0 ay isang napakagandang programa, pero limitado lang ang memory nito at hindi agad-agad natututo ng bagong mga applications. Ipinapayo ko sayo na bumili ka ng pandagdag na software para mapag-buti ang pag-gana nito. Personal ko sayo na inirerekomenda ang Hot Food ver.3.0 and Lingerie ver.5.3
Truly yours,
Technical Support
–Cramzy
May tatlong lalaki na sabay-sabay na namatay sa magkakaibang lugar. Pag-gising nila nasa harap na sila ng sabungan ni San Pedro sa langit.
‘Andito kayo ngayon sa harap ko para desisyunan ang inyong magiging kapalaran..’ Bungad ni San Pedro. ‘ Tatanungin ko kayo isa-isa at pag kasinungalingan ang isasagot niyo, ibubulid ko kayo sa impyerno!’
Tinanong na ni San Pedro ang unang lalaki
‘Ilang beses mo niloko ang asawa mo?’
Sumagot ang lalaki
‘Nalalaman po ninyo, kahit isang beses sa buhay ko ay hindi ko niloko ang asawa ko..’
‘Dahil totoo ang iyong sagot at naging tapat ka sa iyong asawa, bibigyan kita ng mansion dito at Limusin para sa iyong service.. ‘
Sumunod naman ay ang pangalawang lalaki
‘Ilang beses mo niloko ang asawa mo?’
nahihiyang sumagot na..
‘Apat na beses ko po niloko ang asawa ko sa buong buhay ko.’
‘Dahil inamin mo ang katotohanan pero hindi ka masyado naging matapat sa asawa mo, bibigyan kita ng 5-storey apartment at BMW pang transpo mo’
Tinawag na niya ang huling lalaki at tinanong
‘Ilang beses mo niloko ang asawa mo?’
Nanginginig na sumagot ang lalaki na..
‘Siyam na beses ko po niloko ang asawa ko.’
‘Dahil nagpakatotoo ka kahit hindi ka naging tapat sa iyong asawa, bibigyang kita ng isang unit sa condo at mazda 3 pang service’
5 oras pag katapos ng pagkakabigay sa kanila ng kanilang gantimpala ay nakita at narinig ng pangalawa at pangatlong lalaki na umiiyak ng malakas ang unang lalaki at dahil sa pagtataka ay nilapitan nila ito.
‘Pare! ba’t ka umiiyak?! Nagkaroon ka na nga ng mansion at limusin umiiyak ka pa?! Ikaw na nga ata ang pinaka-pinagpala sa atin e!’ pagtataka ng pangalawang lalaki.
‘Ano bang problema mo?’ Tanong ng pangatlong lalaki.
‘Masama ang loob ko e.. Ang sama-sama.. Ang sakit-sakit…’
‘Aba’y bakit nga????!!!!’ sabay na tanong ng dalawa.
‘Nakit.. nakit.. nakita ko kasi.. kasi yung.. yung asawa ko kanina.. naka-BIKE..’
-Cramzy
Anim na taon na pala mula nung nakapagtapos ako ng hayskul. Hindi ko masasabing mabilis ang oras dahil akala ko ay sampung taon ko na sila hindi nakakasama. Kung hindi ko pa kokomputin, hindi ko malalaman na anim na taon palang pala.
-
Tulad niyo at ng pangkaraniwang mga kwento, naghiwa-hiwalay din ang aming mga landas. Mayroon ng nagtratrabaho, mayroong nasa abroad, may nag-adik, may nag-aaral pa rin hanggang ngayon, may patuloy na nagmamahalan parin mula nung hayskul (isang pares lang ang nanatiling matibay), may nagtransform na dating akala mong ubod ng Maria Clara yun pala Maria Ozawa, may naging becky at mayroon pa ring hindi naglaladlad, may nagpa-bello, meron ng naging pagano, may sumikat at may mga pangarap na nawasak.
-
May propesiya ako dati na may mamatay ng maaga sa aming magkaklase pagkagraduate. Hanggang ngayon ay wala pa ring namamatay. Sa literal, wala pa. Wala pa pero meron ng hindi na nagpaparamdam. Kung sa anong kadahilanan, yun ay di ko alam. Mukhang nagkatotoo ang propesiya ko.
-
Nangarap kaming lahat noon. Nangarap na magkamal ng malaking salapi pag nakapag trabaho na. Nangarap kaming tumira kasama ang lahat ng kaklase sa isang malaking bahay na may basketball court, swimming pool, bilyaran, music studio, jacuzzi, sauna at malaking parking lot. Nangarap kami minsan na habang buhay na magkakasama, magkukulitan, magbabatuhan ng sunkist at magbabibold study. Sabi nila, lahat daw ng pangarap ay pwedeng abutin pero ito yatang pangarap namin ang isa sa isang libong walang mararating.
-
Marami akong natutunan noon. Gusto kong ipamahagi ito ngayon.
Lesson:
Wag magsusulat sa sofa sa library kung lagi ka doon nakatambay, walang ibang pagbibintangan kundi ikaw lalo na pag pangalan ng section niyo pa ang nakasulat dun.
Kung nasusuka ka, wag mong titiisin. Kung di lumubog ang echas mo sa bowl wag mo na lang pansinin. May janitor naman tayo na handa iyon linisin.
Pumasok ng late kung ayaw mong magflag ceremony.
Kung galit ka sa faculty, dun ka dumaan sa basketball court pag gabi. Akyatin mo ang rehas, lumingon lingon, at isambulat ang lahat ng gamit sa faculty room.
Wag kang mag-jojogging pants ng wala kang brief o shorts. Tandaan, hindi ka na tulad ng elementary na may armas na sing liit ng toothpick. Isa pa uso na rin ang hubaran sa highschool.
Dapat ay magkaroon ka ng bestfriend. Required yun. Para may taga abot ka ng tissue o taga-igib ka ng tubig pag na-eechas ka.
Pagbabae kang lalampa lampa, gawin mong palusot na Meron ka para di ka na mag-PE.
Matuto kang magpigil ng tawa pag nakakita ka ng matandang nagtitinda ng softdrinks na abot sa labi ang kanyang buhok sa ilong bilang pag respeto.
Wag kang tutuhog sa addict mobile ng sobra sa binayad mo. May karma tayong tinatawag at wala siyang karma na pwedeng ibalik sa iyo kundi hepa.
Wag kang magiiwan ng Porn sa locker. Lalo na kung nakikigamit ka sa illegal locker na walang lock.
Wag uutot sa sahig na gawa sa kahoy. Mararamdaman ng lahat ang pagvibrate nun at wala ka na lang ibang mapapalusot kundi “Its human nature”.
Wag kang magsusulat sa 2 mong palad ng “Fuck You” na pang backstab sa teacher. Di mo alam kung kelan ka magkakaroon ng tiyansa para makapag-recite.
Wag kang magdadala ng babae sa room na madilim. Kahit wala pa kayong ginagawa e kakalat na agad ang balitang nakapatong na siya sayo.
Maging loyal sa adviser. Sila ang attorney ng buhay niyo, architect ng classrom niyo, pulis ng paligid niyo at taga-kain niyo ng papel.
Wag kang mangaasar sa kaklase mong babae na may buhok siya sa kili-kili lalo na kung totoo. Masasampal ka sigurado.
Pag niyaya ka maging muse wag kang tatanggi. Maraming babae ang willing magsilbi ng isang taon sa pagtitimpla ng kape basta lang mapili silang representative.
Pag may choral singing competition, wag kang tututok sa mic. Ikaw lang ang maririnig ng buong school.
Mag-aral maige ang buong barkada. Corny pag may klase pa tuwing summer.
Pag ayaw mong maraming cheche bureche pag christmas party, magtaas agad ng kamay at magvolunteer ka na ikaw na bahala sa drinks.
Wag kang magpapakalbo dahil tatawin kang Oblak. Pumasok kang di naligo matatawag kang Ohab.
Oo ang baking soda at suka ay magandang panglinis ng tiles sa banyo pero hindi ito effective pag ginamit mo ito sa iyong kili-kili.
Wag kang magdadala ng kaluluwa sa school niyo galing sa inyong field trip. Kahit ikaw ang pinakabalasubas na estudyante, makakabisado mo ang dasal na araw na araw na ginagawa para sa ligaw na kaluluwa.
Wag kang ngunguya ng pintura chewing gum pag di ka nakapag toothbrush ng 3 araw. Oobvious tinga mo.
Wag kang magraraise ng flag ng wala kang brief at nakabahag ka lang. Pag may nakita kang sexy, aangat ang bahag mo.
Wag kang mananahimik kung masama ang pakiramdam mo. Mukha kang katawa-tawa pag nahimatay ka at lumusot ang ulo mo sa bangko.
Wag kang bibigay pag tinutukso tukso ka sa isang babae o sa lalake. Napilitan ka lang umibig nun dahil yun ang gusto nila. Magdesisyon ka sa sarili mo at hindi yung galing sa ibang tao ano man ang sabihin nila sayo.
Gamitin mong pangkampanya sa Student Council Election ang “remember M remember E put them together remember me..” at tiyak hindi ka makakalimutan ng lahat ng nakarinig sayo.
Ang pinaka-kinukulit mong teacher(tulad ng paghatak sa buhok) sa buong pag-aaral kahit di mo na siya adviser ang pinaka-di mo malilimutan sa kanilang lahat . Lihim mo sa iyong sarili na siya ang nag-alis ng takot at tumulak sa iyo para ilabas ang iyong tunay na sarili.
Wag kang maiinlove sa iyong teacher. Nasa batas ng lahat ng school na bawal silang maging magkarelasyon hangga’t estudyante ka sa paaralan nila.
Apat na taon ka lang magha-highschool. Diyan mo matututunan ang lahat ng importanteng bagay na sapat para harapin ang mundo. Ang kolehiyo lang ang magbibigay sa atin ng direksyon kung anong trabaho ang haharapin natin. Pero hindi ba ang karamihan ng nagtatapos sa kolehiyo ay ibang linya rin ang kanilang napupuntahan? Hindi ba’t pag nag-asawa na ang ibang babae ay nag-aalaga na lang sa bahay ng bata at hindi na niya na-papraktis pa ang kanyang pinag-aralan ng kolehiyo? Hindi ba’t may yumayaman rin sa atin kahit hindi nakapag tapos ng kolehiyo? Ang Kolehiyo ay para sa hanap-buhay ng tao. Ang Hayskul ay para sa pag harap ng tao sa mundo. Ang elementarya para sa pagdisiplina at paghulma. Ang NKP para sa pagbibilang, pagsusulat at pagbabasa. Lahat yan ay mapagdadaanan natin dahil sa suporta ng magulang, Guro na nagtitiyagang magsalin ng karunungan at kaklase na siyang saksing buhay kung ano at sino ang iyong pagkatao kung sakaling ikaw ay pumanaw. Sila ang magpapatuloy ng mga katatawanan at kagaguhang ginawa mo. Sila ang magkwekwento kung gaano ka kamapagbigay ng intermediate sheet sa mga kaklase mo. Kung gaano ka kagaling sa basketbol nung hindi ka pa ganyan kataba. Kung paano mo binuhat ang isang babae na sinasaniban ng demonyo. Kung gaano ka katiyaga na magturo sa kaklase mong parang laging bagong gising ang utak. Kung paano mo tinanggap ang pagkatao ng bawat isa at tinuring mo silang kaibigan. Ang kaklase na minsan mong naging sandalan nung panahong binaon ka sa putik ng problema at kalungkutan ng iyong panahunan, ngayon ay walang ibang hangad kundi makita ka at kung ano ang naging bunga ng minsang kayo ay nagkasama.
Ilan man sa atin ay parang patay na, wag na ninyong ikalungkot at ikaluksa pa. Taon-taon naman noon ay may larawan tayong magkakasama.. sa class picture na seryoso at may pahabol na wacky pa. Pasalamat na lang tayo at mayroon pang naging ebidensya, na tayong lahat minsan ay nagkaisa at nagkasama.. at yun ay ang panahong tumitig tayo sa isang lens ng Camera.




















SocialVibe