You are currently browsing the monthly archive for Pebrero 2011.
May kasabihan na first impression last..
Santambak ang mga bagay kong gagawin at tatapusin. Thesis, planning, design pero dahil sa isang palabas, inadjust ko ang mga schedule ko. Para lang panoorin ang isang palabas na magdadagdag at mananampal ng katotohanan. Walang iba kundi ang Baker king.
Napanood ko lang sa TV nung simula pero dahil nababagalan ako, bumili na ako ng DVD sa Quiapo. Awa ng diyos, malinaw ang kopya kaya lang minsan sablay ang subtitle kaya mas ok pa rin ang pag-abang nito sa TV gabi-gabi.
Kakaiba talaga ang istorya nito e. Hindi ako mahilig sa koreanovela. Pero aminin na nating minsan mas maganda at makabuluhan pa ang simpleng istorya ng koreanovela kesa sa pinagkagastusang pelikula sa hollywood na walang saysay. Ang pilipino kasi, kapag nakakarelate sila sa sitwasyon ng bida, agad nila itong tinatangkilik. Mas gusto ko yung movie lang tulad ng Forrest Gump at The Green Mile. Maiksi, pero may puso. Naiiba itong Baker king kasi.. kasi.. kasi…….
Dahil siguro marami kang matututunang bagay na hindi mo makukuha sa school o sa iyong magulang man. Kadalasan, ang mga makatotohanang bagay ay natutunan dahil sa kwentuhan. Pero kung wala kang kakwentuhan, san ka pa pupulot kundi sa libro o sa telebisyon na para bang binibigyan ka ng example. Yun ata talaga yung mahalaga.. Ang makita mo ang aplikasyon ng mga bagay na tinuro sa atin ng ating magulang, eskwelahan, kaibigan at mga kakwentuhan.
Kung papanoorin mo ang palabas na ito..
*Makikita mo ang isang natatanging pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak
*Malalaman mo kung gaano kalaking tapang ang kailangan nasa dibdib ng isang inang iniwan ng kanyang asawa
*Makikita mo ang pagkakaiba ng prinsipyo ng mga taong umunlad dahil sa hirap at ng taong maunlad na’t di nakadanas ng hirap.. Makikita mo rin na hindi sapat ang pagtamo ng mataas na edukasyon para maging maunlad.. Makikita mo rin na hindi sapat ang pera para maging maligaya sa buhay..
*Malalaman mo ang sikreto ng taong kahit anong problema ang maranasan ay nakukuha pa rin ngumiti
*Makikita mo ang pagkakaibang maidudulot ng pagsisinungaling at ng pagiging totoo
*Malalaman mo kung paano ka ba dapat makitungo sa iyong amo, kapatid, kaibigan, trabahador, magulang, kanang-kamay para hindi kita nila pagtaksilan kailanman
*Malalaman mo rin ang magiging bunga ng pagtataksil at pagpapa-asa sa taong nagmamahal sa iyo.. Bulag ang pag-ibig.. Hahamakin talaga ang lahat, makuha lang ang pusong nililiyag.
*Responsibilidad mong panagutan lahat ng sarili mong desisyon
*Maaalala mo rin na walang bahong, hindi sumisingaw. At sa lahat ng oras ng iyong pagkilos at paggalaw, may makatwiran, mahabagin at maawaing sa iyo’y tumatanaw. Mas madali mamuhay kung buhay mo sa likod ng tabing ay kapareha sa harap ng tabing. Mahirap ang magpanggap.. Ang pagiging totoo sa sarili, ang pagiging ikaw, diyan ka magiging komportable..
*Maaalala mo na sa buhay, minsan ay kailangan talagang maghintay.. ng tamang panahon.. tamang pagkakataon.. Minsan, para makapasok ka sa maliit na butas ng kuweba, kelangan mong gumapang at tiisin ang dumi, tusok at alikabok para ligtas kang makapunta sa dulo.. Pwede ka rin namang tumakbo sa kuweba, kaya lang baka di mo makita ng maayos ang iyong dadaanan at imbis na makarating ka sa dulo ay mabigo ka pa.
Kahit gaano man katagal
Ika’y aking iintayin.
Sampung taon man
Basta’t ika’y magiging akin.
Magkasamang lalaya
Sa mundo ng paninimdim.
Dudungaw sa bintana
Ng buwang tirik sa dilim.
–Metaporista
baka mamaya masali kayo sa isang game show at ang jackpot question ay ano ang meaning ng ISO.. Naku yari ka pag ang sagot mo ay International Standard Organization which is malapit na pero mali parin.
Sa english, ang ISO kasi ay International Organization for Standardization. Siguro sasabihin mo ‘E di dapat IOS yun at hindi ISO?’
Nasalin kasi iyan sa maraming wika. Sa French ang katumbas nun ay OIN o Organisation Internationale de Normalisation. Sa english, IOS. Kaya nagkasundo sila na gawin nalang pare-parehas kaya ginamit nila ang greek word na ‘isos’ na ang kahulugan ay ‘equal‘.
Hindi pwersahan ang ISO. Bahala ka kung gusto mo magpa-certify sa kanila. Sila kasi ay isang network na nangongolekta ng mga paraan para mapabuti ang kalidad ng serbisyo, proseso at produkto. Kung gusto mo, gamitin mo na lang yung standard nila sa pag-gawa mo ng produkto niyo ay ok na. Kumbaga ma-meet mo lang ay ok na. Pero iba talaga pag sinabing ISO certified ka e. Kumbaga e may tatak na buwayang Lacoste na nakaimprenta sa labas ng polo shirt mo. Samantalang yung hindi certified, yung imprenta ng buwaya ay nasa loob ng damit.
Ang ISO ay nangangalaga hindi lang ng kalidad kundi pati na rin ng kalikasan at kapaligiran.
Pag kabilang sa pamilya ng ISO 9000, ang concern nun ay “Quality Management”. Samantala, ang pamilya naman ng ISO 14000 ay concern sa “Environmental Management”.
Ang pinaka-susi lang daw sa pag-abot sa standard na galing sa ISO ay pagdodokumento ng mga proseso at continuous improvement.
Walang pinipiling laki ng kumpanya ang pagsunod sa standard ng ISO.
Ex.
Kung walang ISO..
*Iba-iba ang size ng ATM card depende sa pasya ng banko. Para mapadali, pare-parehas na lang ng size para kahit sang bansa ka magpunta at kahit anong banko pa man ang puntahan mo ay makakapagwithdraw ka.
*Magkakaiba ang pagbasa sa mga kiluhan depende sa maker. Kunwari sa timbangan ni maker A isang kilo ang bigas pero kay maker B 3 kilo na ang bigas. Gusto kasi ni maker B ay times three lagi. Ngayon, dahil inistandardize, mas madali na ang lahat.
*Magugulo ang mga symbols. Kunwari, para sa mga amerikano ang dollar sign ay ‘$’ pero dahil idol ng ilang pinoy ang mga amerikano ang peso ay gagawin din nilang ‘$’ kaparehas ng dollar sign. Syempre nakakalito na yun.
*Matagal ng wasak na wasak ang kapaligiran. Sila rin ang nagsasabi na dapat na ganitong dami lang ng pollutants ang pwede niyong itapon sa ilog kada araw. Kung wala sila, matagal na sana tayong walang ilog sa mundo na pwedeng languyan.
Malabo namang maging ISO accredited ang lahat ng kumpanya sa pilipinas dahil magastos nga naman.. Pero sana, pilitin ng lahat na mapataas ang kalidad ng produkto at serbisyo. Wag titigil sa kung ano ng meron. Laging maghanap ng bago. Laging mag-isip kung ano ba ang maitutulong mo sa kumpanya niyo. At para sa mga boss, wag rin kayong titigil sa pag-iisip kung ano ang maitutulong niyo para ganahan at mapanatili ang kalidad ng trabaho ng inyong trabahador. Give and take yan eh. Dapat Equal. Dapat ISO. Dapat lahat magtulungan.
–Metaporista
Maria Cafra ay muling nagbalik. Abangan ang kanta nilang mga kapana-panabik. Suportahan ang awiting pinoy higit sa ano pang musika. Ang pagiging makabayan ay simbolo ng pakikiisa.
Salamat kay Jay Taruc at sa I-witness sa pagbuhay sa isang grupong natabunan na. Salamat sa paghuhukay. Salamat sa pagbibigay sa amin ng impormasyon.
-Metaporista
Bakit nga ba ngayon lang sumisikat ang soccer o football sa pinas?
Isa sa dahilan niyan ay ang bulag na pagmamahal natin sa bansang amerika. Ang soccer kasi ay main na nilalaro sa Europa kaya di natin ito masyado nakilala. Nabuhay kasi tayong mas kilala sina Larry Bird, Michael Jordan at Kobe Bryant na mga basketbolista at si Mike Tyson at Floyd Mayweather na mga boksingero.
Kilala niyo ba si David Beckham, Ronaldinho at Steven Gerard? Kung hindi ay malamang na ngayon niyo lang talaga minahal ang Soccer.
Sasabihin ng iba, “Kung totoo yang sinasabi mo, bakit hindi natin naibuhay masyado ang ilang sports tulad ng Rugby at Baseball na sikat sa America?”. Ang sagot diyan, dahil magastos.
Unang dahilan ay ang espasyo ng palaruan. Pangalawa ay ang mga mamahaling kagamitan.
Ang Soccer field ay may minimum na 90meters na haba at 45 meters na minimum na lapad o minimum na 13279 sq.ft. na floor area at maximum na 35,433 sq.ft. na floor area.
Ang football field ay may haba na 360 ft at 160 ft na lapad o 57,600 sq. ft. na floor area.
Ang Baseball field ay nangangailangan naman ng 19,048 sq.ft. na floor area.
Samantalang ang basketball court ay 4700 sq. ft. lang ay makakapaglaro ka na ng full court. At kung gusto mo pang tipirin ay pwede kang mag half-court at kung gusto mo pang mas makatipid ay maglagay ka lang ng ring na may board sa kalye niyo ay solb-solb na.
Nanghihinayang siguro ang mga pilipino sa malaking espasyo na sa tingin nila ay masasayang. Dahil iniisip ng iba kesa gawing pang libangan ay tayuan ko na lang village o kaya naman ay mall at kikita pa sila ng malaking pera. Sayang, kung nalaman lang nila sana na marami pang pilipino ang may natatagong talento sa laro na ayaw nilang kupkupin at pagkagastusan. E di sana nabawasan ang mga kabataang nag-aadik at napapariwara dahil mas marami na silang pagpipilian na mapaglilibangan at mapagbubuhusan ng atensiyon.
Ngayon kasi sa atin, pag di ka katangkaran, kahit gaano ka kagaling mag-basketball at mag-volleyball ay di ka nila papansinin. Kung matangkad ka nga pero di kanaman magaling, hindi ka rin nila pagtutuunan ng pansin. Kung maliit ka at magaling kang mag-boxing may tiyansa ka ngang sumikat pero ilan lang ba sa mga boksingero ang naaabot ang rurok ng tagumpay na hindi naaaksidente at tinututukan ng gobyerno?
Obvious naman na sa mga sports na hindi magastos mahuhusay ang mga pinoy sa pilipinas hindi ba? Basketball.. Boxing.. Bowling (Exception dahil mga Pilipinong elitista ang sikat dito).. Billiards.. Badminton..
Makakapaglaro ka ng basketball basta may bola ka at ring na may board kahit sa kalye lang. Sa boxing kahit di ka na nga bumili ng gloves solb na e. Sa billiards tumambay ka lang sa bilyaran at magbayad ng 5 pesos kada laro solb na rin agad minsan may manlilibre pa sayo. Sa badminton bumili ka lang ng Raketa at shuttle cock ok ka na e. Yung bowling medyo mahal pero abot-kaya naman ng ibang pilipino.
E sa baseball, rugby at soccer? Sa baseball kelangan mo ng bat, gloves, protection kada player though pwede kayo manghiraman pero kailangan niyo pa rin ng malaking bakanteng lote kung hindi makakabasag kayo ng bintana ng kapit-bahay niyo. Sa rugby, nako mababalian ka ng buto kung walang sapat na proteksyon sa balikat, ulo at dibdib. Aba’y kuyugin ka naman ng sandamakmak na tao at syempre corny kung 10 metro lang ang haba ng laruan niyo.. Binato mo lang touchdown na. Yung soccer kung tutuusin pwede naman talaga yan sa bakanteng lote lang.. Nacocornyhan lang siguro yung iba dahil dun at dun lang sila nakakapaglaro sa bakanteng lote at di man lang nila maramdaman o ma-experience yung tunay na laro sa court.
Sayang talaga at ngayon lang niyakap ng mga pinoy ang larong soccer. Pero ok na yun kesa naman hindi nila ito yayakapain kahit kelan.
Salamat sa determinasyon ng Azkals dahil kung hindi sila nagpatuloy ay hindi nila mabibigyan ng hustiya ang laro at hindi nila mapapatunayan na iba ang espiritu na mararamdaman mo sa larong soccer.
Tuwing manonood ako ng soccer ay mararamdaman ko ang pangangatog lalo na pag malapit ng matapos at dikit ang laban. Siguro hindi ito nararamdaman ng iba. Iba kasi ang soccer kumpara sa basketball. Sa soccer kasi, pwede niyong matapos ang laro na wala kayong score pareho kahit labas na ang dila niyo sa pagod. At ang isang goal sa soccer ay isa na talagang malaking biyaya. At ang pagprotekta na hindi dapat pa-iskorin ang kalaban ay isang napakalaking obligasyon. Sa basketball kasi pag nakascore ang kalaban ay mas madali mong mahahabol agad ang points sa pamamagitan ng maraming paraan tulad ng 3 points, foul-counted, simpleng 2-points o penalty. Pero sa soccer, hindi ganun kadali maka-score dahil laging may bantay sa ilalim di gaya ng basketball ay pwede kang mag-fastbreak.
Ang Azkals ang nagbukas ng bagong linya ng sport sa ating bansa. Bagaman hindi nila pansin, unti-unti ng dumadami ang mga kabataang nahihilig sa soccer dahil sa kanilang pagpapakilala at pagpapatunay na hindi lang taga-europa ang magagaling sa larangang ito.. Kaya rin natin ‘tong mga pilipino..
Ang Azkals ay halimbawa ng invisible na bayani. Muli nilang pinatunayan na malaki ang magagawa ng pagkakaisa ng bawat miyembro para sa pagbabago.. Kung magtutulungan lang ang lahat.. Kung ibubuhos lang ng lahat ang kanilang makakaya.. Kung handa lang ang lahat na magsimula ng pagbabago kahit na ano pa man ang isakripisyo.. Matamo lang ang isang pangarap.. Pangarap na naabot dahil sa pagsisikap..
Azkals katumbas ay Asong Kalye. Aso na bagaman hindi kagandahan at kalakihan, sa amo nila ay mananatiling tapat pa rin. Aso na kahit tag-ulan at tag-araw ay bumabangon pa rin. Aso na walang kinatatakutan ano man ang harapin. Aso na kayang mabuhay kahit walang magpapakain. Mapamaraan, buo ang loob at kasalanan sa kanila ang tamarin. Asong hindi nahihiya at hindi nagkikimkim.. kahit na ang tingin sa kanila ng iba ay mababa pa rin. Handang patunayan at harapin, na sila ay di basta-bastang madaling durugin.
–Metaporista
Boom.
Parang Bombang sumabog ang balita.
Sabi nila lahat ng sundalo matapang. Pero napatunayan ngayon na hindi naman.
Sabi nila pag sinabing Heneral, katumbas noon ay matalino, tapat, matapang at makabayan na tao. Hindi rin naman pala.
Ba’t di mo harapin kung talagang wala kang nalalaman? Siguro ayaw mo lang mabulok sa kulungan.
Mas bilib pa ako sa sundalong nasa mindanao, sa visayas na nalalayo sa kanilang pamilya na tunay na nakikipaglaban at nagtatanggol para sa kapayapaan. Makabayan sila. Matapang sila. Tapat sila. At matalino sila kesa sa kanilang heneral. Bakit? Dahil mas alam ng mga sundalo na ang yaman na galing sa kasamaan ay magdudulot ng kapahamakan.
Matagal na pala sanang, nakaranas ng kaginhawaan sa buhay ang ating mga sundalo. Naipagamot na sana nila ang kanilang asawang may sakit.. Nabigyan ng magandang kabuhayan ang kanilang mga anak.. Lahat sana ng mga kagamitan nila ngayon ay bago na at matagal na sana nating naiayos ang kapayapaan..
Padami ng padami ang nadadamay.. Nakakahiya.. Yung perang pinangkakain sana ng pamilya ng libong sundalo natin ay ayun.. Naging magarang bahay.. Naging magarang kotse.. Naging allowance ng mga anak-anak nila..
“Natukso lang kami.. Sorry..”
Banal na aso. Santong kabayo. Kaya pala di makabangon ang mga pilipino. Dahil pinanganak ang taong katulad niyo. Nabulag ng perang libo-libo. Busog sa kapangyarihang inyong natamo. Gusto niyo gawan pa namin kayo ng rebulto? Ipasasamba namin kayo sa mga aso at kabayo. Tutal yun naman talaga ang mga ka-uri niyo.
Bakit di niyo kasi pinakinggan si Trillanes noon? E di sana matagal ng nagawan ng solusyon. Malamang nakikinabang sila noon kaya ganun na lang ang gusto nilang maipakulong.
“Katotohanan ang panata namin.. sa bayan..”
–Metaporista
May rayot noon. Ang mga Israelita at Filiseo.
-
Golayat: Oi, ba’t pa ba natin kelangan mag-away-away lahat. Ganito na lang, Humanap kayo ng ilalaban sakin tapos pag napatay ko siya aalilain namin kayong mga taga-israel pero pag napatay at natalo ako alilain niyo kami. (Matalino si Golayat.. Ok daw na alilain sila.. E syempre patay na siya nun kung sakali)
-
Nasindak si Haring Saul at natakot. Nakarating kay Dabid ang balita.
-
Dabid: Yabang naman nun Haring Saul. Papatayin ko yung Golayat na yun. Payagan niyo na ako please?
-
Haring Saul: Techies ka ba at gusto mong magpakamatay? May gatas ka pa sa labi e yung kalaban mo may kalyo na ang labi. Pinanganak si Golayat para maging isang mandirigma.. E ikaw?
-
Dabid: Anong tingin niyo sakin? Kaya ko patayin yung Golayat na yun! Pag sinusunggaban ng Ursa at Demon Witch yung mga tupa namin inaagaw ko ito sa kanila at inililigtas. Nakarami na rin akong napatay ng iba’t ibng klaseng mababangis na hayop.
-
Haring Saul: Ah ganun ba. Sige papayagan na kita. Pili ka sa mga Armor ko diyan. Ay hindi pala lahat, yung Shiva kasi kinakalawang na. Pili ka na lang sa Cuirass at sa Blade Mail. Ipapahiram ko na rin sayo ang mga armas ko. Gamitin mo yung Divine Rapier ko.
-
Dabid: Salamat mahal na hari. (Sinuot na ni Dabid kaya lang nabigatan siya at di siya komportable dahil di sanay ang katawan niya) Teka, nagbago na isip ko Haring Saul, masyadong mabigat e. Ako ng bahala kukuha na lang ako ng 5 makikinis na bato sa lawa.
————————————————————————-
Golayat the Giant Dabid the Vivid
Stat: 367-0-0 Stat: 11-0-0
Height: 9’0″ Height: 5’3”
Weight: 3 Inahing baboy Weight: 1 Biik
Weapon: Tansong Tabak Weapon: Tirador
SS: Walrus Punch SS: Headshot Assasination
———————————————————————————-
Simula na ng laban..
Bumunot ng isang bato si Dabid at nilagay sa tirador. Ayun SS kaagad tinamaan sa ulo si Golayat at namatay. Binunot ni Dabid ang Espada ni Golayat at pinugutan niya ito ng ulo.
-
Hindi porket, malaki ang problemang babanggain mo ay dapat ka ng matakot at umatras agad. Dapat kasi wag manangan sa sariling kakayahan. Isipin mo lagi na may tiyansa ka. Higit sa lahat, hindi ka nag-iisa. Wag kang susuko. Maubos man ang lahat ng nasa paligid mo, yung nasa taas kahit kelan hindi mauubos yun at mawawala.
-
Sabi nga ng lola ni Nobita
“Nobita.. Tingnan mo itong daruma.. Ilang beses mang matumba, kusang tumatayo.. Ikatutuwa ko kung magiging katulad ka nitong daruma.. Ilang beses ka mang matumba ay babangon ka ng babangon, di iiyak at magiging matapang na bata..”
Hindi ka na ba babangon mula diyan sa kabiguan na pinagdaanan mo?
Bangon na dali.. Wag kang mapapagod tumayo hangga’t kaya mo pa.. Darating ang araw na habambuhay ka ng hihiga.. Gusto mo mang bumangon, wala ka ng magagawa dahil wala ka ng buhay.. Gustuhin mo mang itama ang mali, abutin ang mga di mo pa naabot, sabihin ang salitang di mo masabi ay huli na.. huli na ang lahat..
-
Sabi nga ng Siakol
“..Oras na para ikaw ay lumigaya.. Nasa isip lang ang takot.. Wag panghinaan ng loob, e ano kung ika’y mahuhulog.. May sasalo sayo.. Asahan mo..”
–Metaporista













SocialVibe