You are currently browsing the monthly archive for Abril 2011.
Tag-ulan — Panahon kung kailan bumubuhos ang ulan. Karaniwang nagsisimula ang tag-ulan ng hunyo at nagtatapos ng disyembre.
Masama raw ang epekto sa kalusugan ng pagligo sa unang ulan ng tag-ulan. Pero yung sa pangalawa at sa mga kasunod nito ay hindi na raw ito masama.
Sa tingin ko, may parteng totoo at parteng hindi totoo sa paniniwalang ito.
Ang ulan ay importanteng parte ng ating buhay. Ito ang nagsisilbing taga-linis ng ating kapaligiran.
Kapag naglilinis ka ba ng paligid ng iyong bahay ay nililinis niyo rin ang inyong bubungan?
Ang trabaho lang ng mga metro-aid ay tanggalin ang mga kalat pero hindi ang mga alikabok. Sa tulong ng ulan at tamang disenyo ng kalsada, ang mga alikabok at dumi ng hayop na naipon sa inyong bubungan at kalsada ay malilinis kapag dumating na ang tag-ulan. Pero para maayos na maalis ang mga dumi ay kelangan ng maayos na drainage system, kung hindi, magbabaha at maiipon ang dumi.
Kaya nasasabi natin na masama ang maligo sa unang ulan dahil ang iba kakasimula pa lang ulan ay pupwesto na sa ilalim ng alulod o gilid ng bubong at mag-shoshower na. Ok lang siguro kung mag-aantay muna ng ilang oras bago maligo para malinis muna ang bubungan. Ang isa rin sa dahilan ng masamang epekto ng pag-ligo sa unang ulan ay ang baha, maruming tubig baha. Nakapunta na ba kayo sa divisoria? Isipin niyong bumaha doon at ang nahalo sa tubig ay ang katas ng basura tuwing umaga, jebs ng daan-daang aso, dura ng mga taong may TB, ihi ng libo-libong daga at daan-libong ipis na labas ang laman-loob dahil sa palo ng tsinelas. Lumusong kayo sa baha dahil wala na kayong ibang choice at habang lumulusong kayo ay nakanganga ang iyong bibig at natalamsikan ang bibig mo ng tubig dahil sa rumaragasang tricycle. Ano kayang sakit ang makukuha mo?
Nagiging masama ang epekto sa katawan ng pagligo sa ulan kapag:
- Nabasa ng maduming tubig baha ang sugat mo
- Nakainom ka ng tubig baha
- Nakainom ka ng tubig na galing sa bubong na punong-puno ng tae ng pusa at kalapati na hindi mo alam dahil di ka naman umaakyat ng bubong niyo at di mo alam na sa bubong niyo binabato ang diaper ng anak ng kapitbahay niyo at di mo alam na puro kalawang na pala ang bubong niyo
Malinis ang ulan basta yung diretsang galing ulap ha. Kahit umulan ngayong April pwede niyong enjoyin ang ulan dahil alam niyo na ngayon ang tanging dahilan kung bakit ito nakakasama sa kalusugan. Abnormal na ngayon ang panahon kaya kahit bukas ay pwedeng umulan kaya dapat maging handa tayo. Baka nalilibang tayo sa init ng araw at makalimutan natin na ang ulan ay nandyan lang at handang manggunaw. Takpan na ang butas niyong bubong at tanggalin na ang bara ng mga kanal. Ayusin na ang dapat ayusin.
Tandaan na ang magnanakaw, sumasalakay kapag hindi ka handa. Tandaan abnormal na ngayon ang panahon. Uulitin ko, abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Kaya mag-ingat at maging handa. Maging langgam na sinasamantala ang tag-init para mag-handa sa tag-ulan.
-
-
-
-
Ulan
Karamihan ay nag-aabang sa pagdating ng ulan
Uhaw at pananabik ang dama ng palayan
Ludlurang putik ng kalabaw, natuyo ng tuluyan
Sayawan mo man si Pati na diyos ng ulan
Alayan mo man ng buhay ay di ka niya pakikinggan
Dahil ang ulan ngayo’y mapangwasak na nilalang
Nag-iipon ng sakit na kanyang ipapanamnam
Motorcycle – kilala rin sa tawag na motor bike, brumbrum at motor
Sa mga di nakakaalam, ang motorsiklo ay isa sa pinakamurang motor-powered na behikulo na pwedeng maging pag-aari ng sinuman. At dahil dama ng mga pilipino ang pagtaas ng presyo ng gasolina at dumaraming kakumpitensyang mga pasahero sa taxi, mrt at lrt at ang trapik sa lansangan ay namumuhunan ang ilan para magkaroon ng sariling sasakyan. Sabi nga ng iba, hawak mo ang oras kapag may sarili kang sasakyan. Paano nga naman pag nasarahan ka ng LRT? O lahat ng dumadaang taxing pinapara mo ay laging may sakay?
Sa halagang 27,000 pesos ay pwede ka ng magliwaliw sa sarili at bago mong sasakyang motor. Di gaya ng mga kotse na kailangan mo ng halos 400,000 pesos para makabili ng bago. Makakatipid ka na sa gas, makakasingit ka pa sa trapik. Alam niyo bang ang Matzu Matsuzawa Honda XL125 ay umaabot ng 100km gamit lamang ang kalahating litro ng gasolina?
Bagaman makakatipid ang tao sa pagbili ng motor, kinakailangan ding ikunsidera ang mga disadvantages nito at hindi lang laging advantage.
- Hindi accesible pag tag-ulan lalo na kung malakas talaga ang ulan
- Kailangang naka helmet palagi
- Mahirap kung may bitbit kang 7 grocery bags na puno
- Vulnerable sa fatal na aksidente di gaya ng kotse na kahit papaano ay may sapat na proteksyon
Sa ibang bansa tulad ng Vietnam, ito na ang kanilang pinaka-popular na mean ng transportasyon.
Posible ring dumating ang araw na ito sa atin. Pero dahil may jeep tayo, marami pa rin ang pinipiling mabuhay na lang sa commute. Ang dahilan ng iba, mas komportable daw, at wala ng maintenance na kailangang isipin. 8 pesos lang nasa iskul o trabaho ka na. Pwede pa mag 123. Ang iba naman, dibale ng mag-commute basta wag lang magmotor dahil delikado nga raw ito.
Noong 2009, umabot sa 525,000 na motor ang nakarehistro sa Metro Manila at malamang patuloy pa yung tumataas. Kaalinsabay ng pagtaas ng bilang ng motorsiklo ay ang bilang ng mga naaaksidente sa motor. Halos araw-araw sa balita ay mayroon tayong mapapanood.
Noong 2002, 285 lang ang naitalang aksidente ng mga motor sa Metro Manila pero noong 2005, 8381 ang bilang ng naging aksidente.
Ang pinakamataas na lugar kung saan nagkakaroon ng aksidente sa motor sa Metro Manila ay ang Quezon City partikular sa Real St., EDSA at Commonwealth. Ang pinakamataas na dahilan ng aksidente ay over-speeding. Malaking porsyento ng aksidente ay nagaganap sa major roads and highways at hindi sa minor roads. Malaking porsyento rin ng aksidente ay nangyayari tuwing gabi. (Source: Engr. Uy, Et al)
Di mapipigilan ang pagtaas ng bilang ng magmomotor at the same time di rin mapipigilan ang pagtaas ng aksidente sa mga nagmomotor. Ito ang ilang solusyon:
- Hiwalay na kalsada sa mga nagmomotor sa major roads and highways
- Mahigpit na iimplement ang paggamit ng PPE o personal protective equipment gaya ng helmet, jacket, maong at sapatos
- Disiplina sa driver: Wag magdrive ng lasing, tamang bilis lang, wag magdrive ng inaantok at pagod, gumamit ng side mirror at mag-ingat sa mga pagsingit, mag-ingat pag basa ang kalsada, proper maintenance ng motor
- Responsibilidad ng Gobyerno na gawing maayos ang kalsada sa pamamagitan ng pagtanggal ng lubak, pagtanggal ng lumot sa kalye, pag-alis ng mga nakahambalang sa kalye at mga tamang warning signs and signals
Alam mo bang ang english ng kuliti ay “Stye”?
Kali-kaliwa ang mga taong nagkakaroon ng sore-eyes. Taon-taon na lang.
Asahan na natin na tuwing summer ay ordinaryo na ang sakit na ito kaya dapat prevention na ang ginagawa at hindi ang aantayin mong tamaan ka pa. Except lang kung talagang gusto ka niyang hawaan dahil sa pang-aasar mo at pinahiran ka niya ng muta sa mata mo o kaya ay sa kamay mo dahil alam niyang tuwing gumigising ka ay nagkukusot ka ng mata at di ka agad naghihilamos.
Ang sore eyes ay inflammation ng cover ng eyeball at inner eyelid dahil sa virus o viral infection.
Nakakahawa ang sore eyes alam natin yun. Pero di lang yun nakukuha sa pagpunas ng muta sa mata ng kagalit mo. Pwede rin kasi makuha yun sa droplets tulad ng pagbahing at pag-ubo. Kaya mas mabilis kumalat ang virus ng sore eyes pag meron kang ubo.
Kaya dapat maghugas lagi ng kamay bago humipo sa mata pag meron kayong kasama sa bahay na may sore eyes. Tingnan niyo yung mga doctor kahit 100 pasyenteng may sore eyes ang pumunta sa kanila ay hindi sila nahahawa dahil maya’t maya ay hugas sila ng hugas ng kamay.
Ang sign na may sore eyes ka ay:
- Pag-gising mo, isang mata lang ang kaya mong idilat. Ang isa mong mata ay nanlilimahid na sa mutang parang sipong natuyo.
- Red eyes parang bangus na na red tide
Kung maagapan aabot lang ng 3 days pag hindi aabutin ng 14 days bago gumaling. Ang mahirap niyan ay pag di nalinis maige at na-impeksyon ay maaring magka-sugat ang mata at makaapekto sa paningin ng tao.
Maraming gamot sa sore eyes andyan ang tobrex, erythromycin, cellufresh, tobradex, chlorampenicol at maxitrol. Pero alam mo ba kung ano ang nararapat na gamot sayo? Hindi. Punta na kay doc at ihanda na ang 500 pesos para sa kanyang talent fee. Pero kung gusto mong sumugal, bahala ka.
Totoo bang nakakatanggal ng sore eyes ang gatas ng ina? Ewan. Pero medyo logical naman. Sabi kasi sa research, mas hindi raw nagkakasakit ang mga batang laki sa gatas ng ina kesa sa gatas ni yaya este sa powder na gatas. Ibig sabihin kontra bacteria pala ang gatas ng ina. Try niyo na rin. Wala namang masama at walang mawawala kung susubukan e. Basta patak lang ha.
Andyan na tayo, may sore eyes na. Ano na lang ang pwede nating gawin? Edi wag na hayaan pang kumalat.
- Wag mag share ng tuwalya kung may Sore Eyes ka
- Gumamit ng tissue sa pagtanggal ng muta o kung gagamit ng panyo, wag ng gamitin ulit
- Umiwas din sa swimming pool na nilanguyan ng may sore eyes asahan mo na na mahahawa ka lalo na kung mas mataas na yung concentration ng urine kesa sa chlorine
- Wag munang makipaglaro ng nanay tatay o sawsaw suka sa baby niyo
- Mag hugas ng kamay maya’t maya bago humawak sa mata
- Wag muna magsuot ng contact lens
- Wag munang magmascara at maglagay ng eye shadow hangga’t di ka gumagalin
- Wag ka munang pumasok sa trabaho dahil makakahawa ka lang
Sumasakit ba ang mata mo pag tumitingin ka sa mata ng taong may sore eyes? Akala mo kasi lumilipad na ang virus papunta sa mata mo.
Ito ang mabisang gamot sa sore eyes: Tumitig sa incandescent bulb ng nakahiga for 30 mins o 1 hour straight. Hilamos. Titig. hilamos. Titig.
















SocialVibe