Alam mo bang ang english ng kuliti ay “Stye”?
Kali-kaliwa ang mga taong nagkakaroon ng sore-eyes. Taon-taon na lang.
Asahan na natin na tuwing summer ay ordinaryo na ang sakit na ito kaya dapat prevention na ang ginagawa at hindi ang aantayin mong tamaan ka pa. Except lang kung talagang gusto ka niyang hawaan dahil sa pang-aasar mo at pinahiran ka niya ng muta sa mata mo o kaya ay sa kamay mo dahil alam niyang tuwing gumigising ka ay nagkukusot ka ng mata at di ka agad naghihilamos.
Ang sore eyes ay inflammation ng cover ng eyeball at inner eyelid dahil sa virus o viral infection.
Nakakahawa ang sore eyes alam natin yun. Pero di lang yun nakukuha sa pagpunas ng muta sa mata ng kagalit mo. Pwede rin kasi makuha yun sa droplets tulad ng pagbahing at pag-ubo. Kaya mas mabilis kumalat ang virus ng sore eyes pag meron kang ubo.
Kaya dapat maghugas lagi ng kamay bago humipo sa mata pag meron kayong kasama sa bahay na may sore eyes. Tingnan niyo yung mga doctor kahit 100 pasyenteng may sore eyes ang pumunta sa kanila ay hindi sila nahahawa dahil maya’t maya ay hugas sila ng hugas ng kamay.
Ang sign na may sore eyes ka ay:
- Pag-gising mo, isang mata lang ang kaya mong idilat. Ang isa mong mata ay nanlilimahid na sa mutang parang sipong natuyo.
- Red eyes parang bangus na na red tide
Kung maagapan aabot lang ng 3 days pag hindi aabutin ng 14 days bago gumaling. Ang mahirap niyan ay pag di nalinis maige at na-impeksyon ay maaring magka-sugat ang mata at makaapekto sa paningin ng tao.
Maraming gamot sa sore eyes andyan ang tobrex, erythromycin, cellufresh, tobradex, chlorampenicol at maxitrol. Pero alam mo ba kung ano ang nararapat na gamot sayo? Hindi. Punta na kay doc at ihanda na ang 500 pesos para sa kanyang talent fee. Pero kung gusto mong sumugal, bahala ka.
Totoo bang nakakatanggal ng sore eyes ang gatas ng ina? Ewan. Pero medyo logical naman. Sabi kasi sa research, mas hindi raw nagkakasakit ang mga batang laki sa gatas ng ina kesa sa gatas ni yaya este sa powder na gatas. Ibig sabihin kontra bacteria pala ang gatas ng ina. Try niyo na rin. Wala namang masama at walang mawawala kung susubukan e. Basta patak lang ha.
Andyan na tayo, may sore eyes na. Ano na lang ang pwede nating gawin? Edi wag na hayaan pang kumalat.
- Wag mag share ng tuwalya kung may Sore Eyes ka
- Gumamit ng tissue sa pagtanggal ng muta o kung gagamit ng panyo, wag ng gamitin ulit
- Umiwas din sa swimming pool na nilanguyan ng may sore eyes asahan mo na na mahahawa ka lalo na kung mas mataas na yung concentration ng urine kesa sa chlorine
- Wag munang makipaglaro ng nanay tatay o sawsaw suka sa baby niyo
- Mag hugas ng kamay maya’t maya bago humawak sa mata
- Wag muna magsuot ng contact lens
- Wag munang magmascara at maglagay ng eye shadow hangga’t di ka gumagalin
- Wag ka munang pumasok sa trabaho dahil makakahawa ka lang
Sumasakit ba ang mata mo pag tumitingin ka sa mata ng taong may sore eyes? Akala mo kasi lumilipad na ang virus papunta sa mata mo.
Ito ang mabisang gamot sa sore eyes: Tumitig sa incandescent bulb ng nakahiga for 30 mins o 1 hour straight. Hilamos. Titig. hilamos. Titig.





23 mga puna
Mga punang ulat sa akdang ito.
Abril 14, 2011 Sa 8:22 umaga
doon po sa amin
hello, metaporista! kamusta?
gusto ko’to – “Hilamos. Titig. hilamos. Titig.” haha.
Mayo 8, 2011 Sa 5:29 umaga
Christine lara
Ganyan din ang nangyari xkin .. Prehong preho
Mga 1 week na itoh . Pnu po vah ggling nang maaga ?
Hulyo 12, 2011 Sa 2:06 umaga
Di-Nagpakilala
ahahaah hirap nun patakan ko na lang
Hulyo 12, 2011 Sa 10:55 umaga
bhing
hay nagkahawaan n kmeng mag pa2milya.
Setyembre 16, 2011 Sa 1:34 hapon
lorna gutierrez
d nman ganito kmaga eh mapula lang at konting maga kaso bnigyan m ng doc ng gamot n nkakaalergy
1
Setyembre 29, 2011 Sa 5:59 umaga
jerson onofre
ganyan din po ang akin mahapdi at masakit pag bgong gising
eyemo po gamot para mawala……
Oktubre 26, 2011 Sa 10:44 hapon
sonny magadia
10 days na sore eyes ko d pa magaling ano ba mabisang gamot dito?
Oktubre 27, 2011 Sa 7:08 umaga
metaporista
aabot po talaga yan ng ganyan katagal.. hanggang mga 14 to 16 days pa po iyan.. pag lumampas po dun ay bumalik po ulit kayo sa doc niyo.. pero syempre dapat katabi niyo pa rin sa mga susunod na araw ang alcohol niyo para di mahawa ang iba niyong kasama. mag hugas din kayo ng kamay palagi at hangga`t maari po ay tissue ang gamitin niyong pantanggal ng muta. kasi pag towel, ang tendency ay mapahid niyo ulit sa mata niyo yung virus.
Disyembre 23, 2011 Sa 10:42 umaga
Di-Nagpakilala
hrapmag ka soreyes
Pebrero 11, 2012 Sa 10:05 hapon
nej
effective ba tlga ung titig hilamos? hirap n q tlga sa sore eyes!!!
Pebrero 27, 2012 Sa 3:37 umaga
mauro bicera
mag 4 days na po ang sore eyes ko tanong ko lang po ilang days po ang normal na pag galing ng sore eyes at nakaka apekto poh buh ang pag punas sa loob ng mata kapag may sore eyes ang tao?
Pebrero 27, 2012 Sa 4:05 umaga
metaporista
Inaabot yan ng 1 week to 10 days.. pero pag di maayos ang pag-linis mo, inaabot yan ng 2 weeks.. mas tatagal kasi pag nalipat pa sa kabilang mata yung sore eyes.. kaya kapag 1 mata pa lang ingatan at linisan mo lang palagi.. mag bitbit ka rin ng alcohol lagi para di mo mapasa sa iba.. Wag mong punasan ang mata sa loob.. hilamusan mo lang ng tubig at ipahinga at wag ng iexpose pa sa mga bata na pwedeng mas magpalala nito..
Pebrero 27, 2012 Sa 4:55 umaga
mauro bicera
anu po ba ang magandang panghugas sa mata?at paano po ba ang proper na paghugas nito? at okey lang po ba ang visine para sa pang lunas nito?
Marso 2, 2012 Sa 10:47 hapon
vincent
tanong ko lang po paano po ba kung dudugoang sore eyes?
Marso 13, 2012 Sa 5:53 umaga
Di-Nagpakilala
POSTOP pinaka mabiksang gamot pra dyan.. 2 to 3days lng wla na sore eyes mo.
Marso 21, 2012 Sa 11:46 umaga
Di-Nagpakilala
diba poh mei tatlong klase ng sore eyes,,, bacterial yung mei nana, viral yung makati/ mahapdi… anu po yung isa???????????.. tnx
Marso 21, 2012 Sa 11:50 umaga
che
diba poh mei tatlong klase ng sore eyes bacterial yung mei nana, viral yung makati/mahapdi, anu po yung isa???????????? tnx
Abril 3, 2012 Sa 5:33 umaga
Di-Nagpakilala
pano po mwala ang sore eyes? may sore eyes kasi baby ko eh…na aaawa na ako sa baby ko…
Abril 3, 2012 Sa 5:47 umaga
metaporista
Ang akin po ay ito, kung kaya niyo pong gumastos ng 500 pesos para magpunta sa doctor ay gawin na ninyo.. kung hindi naman po talaga ay linisan nyo lang lagi ang mata ng baby nyo at wag nyo hayaan siyang kamutin ang mata niya.. mahirap magpatak ng gamot sa baby kung hindi nirekomenda ng doctor kasi hindi naman magsasalita si baby mo kung makati ba, masakit ba o kung ano. Linis lang lagi. 2 weeks o 15 days natural din namang yan mawawala..
Abril 20, 2012 Sa 7:46 umaga
Elena
Hayyy…my sore eyes was starting since tues.when i woke up,i noticed to the mirror that my right eye was not in a normal size and slightly itchy then i went to my work,im a secretary at carsale,our location is beside the road so,many vehicles is there…then when i saw my eyes on my compact mirror,my right eye was starting to be pink…then wed.i decided to absent coz my eyes was getting itchy,swollen and teary til now…the only medicine that i used is visine only…i dont know when will be my eyes are getting ok…
Abril 20, 2012 Sa 7:50 umaga
Elena
My ask is this:is it ok if i try the other says,try to put a warm compress to my eyes for relieving the pain and itchyness???
Abril 20, 2012 Sa 11:26 hapon
metaporista
Mas ok po ang cold compress para mabawasan yung sakit at pangangati.. Bili kayo ng ice cube o tube tapos ilagay nyo sa maliit na plastic ng yelo na babalutan nyo ng face towel tapos ibabad nyo na sa mata niyo. Mas nakakarelax ito at medyo madidilat niyo na ang mata niyo ng maayos for several hours. Pwede pa rin naman kayo mag work kung kailangan talaga. Mag-shades na lang kayo at magbitbit lang ng alcohol para di makahawa ng iba.
Mayo 6, 2012 Sa 2:42 hapon
Milen
Etong sore eyes ko pang 6th day na ngayon. Sa right eye lang nung una ngayon meron na sa kaliwa. Pag natutulog kc ako at naka tagilid sa kaliwa biglang tutulo yung luha from my right eye papunta sa left eye, ayun nahawa na. Tobrex ung nireseta sakin nung doktor sa Makati Med. Di xa mahapdi ipatak. Then nagpatingin ako kahapon sa ibang doktor, ang sabi Visine Red ang gamitin ko. Sobrang hapdi naman nya ipatak. As in, luluha ka sa sobrang hapdi. Okay lang ba yun? I mean, sign ba yun na nalilinis nya o mas Okay ung Tobrex na di masakit pag pinatak?