You are currently browsing the monthly archive for Mayo 2011.

Tatlong taon ng naghihintay

Tatlong taon ng nabubuhay

Tatlong taon nabuhay sa paghihintay

Tatlong taon naghintay na ako ay magkabuhay

Tatlong taon ng nagtatago

Tatlong taon di kumikibo

Tatlong taon nagtatanggi

Tatlong taon nagsasarili

Tatlong taon ng masaya

Tatlong taon  malaya

Tatlong taon nagsugal

Tatlong taon nagmahal

Tatlong taong na at magbibilang pa

Napakababang uri pala ng mga taong tamad sa mundo. Akalain niyo nga naman na ang dapat pag-aralan ng taong tamad ay ang mga insekto at hayop. Pag-aralan daw nila ang langgam na gumagawa kahit walang nagdidiktang kumilos para mapaghandaan at may makain. Tingnan din daw natin ang butiki na napakasipag ding manipat ng makakain. Kahit na ang butiking nakatira sa palasyo ay ganoon din ang sipag dahil alam nila na kung hindi sila kikilos ay mamamatay sila sa gutom. Tingnan din natin daw ang kuneho na napakasipag gumawa ng bahay sa kagubatan. Walang iniisip kung paano poproteksiyunan ang sarili at mabuhay pa sa mga susunod na araw.

Ang sabi, ang taong tamad ay masipag matulog, humilata at humiga. Isa ring libangan daw ng mga taong tamad ay ang manggulo sa paligid at magsimula ng kaguluhan. Isa sa mga patunay ay ang libangan ng mga kilala nating chismosa na nangangapit-bahay pa para lang manggulo. Kung iisipin, kaya nga lang naman pala nagagawa yun ay dahil wala silang ginagawa. Ang mga taong tamad din ay yung mahilig sa away o gulo. Yung tipong pag may bubugbugin ay sila ang nangungunang sumugod dahil wala nga silang pinagkakaabalahan kaya may oras sila sa mga ganung bagay.

Napakahalaga ng pagiging masipag sa isang tao. Meron na raw ba tayong narinig na umunlad ang buhay dahil sa pagiging tamad? Ang karaniwan nating naririnig ay ang mga taong umuunlad dahil sa kasipagan. Ang ilan, kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay nagagawa pa ring matamo ang magandang buhay. Tingnan niyo yung iba kahit nakapag-aral ay wala ring napupuntahan dahil tamad. Ang ilan nabuhay at pinanganak ng marangya ang buhay at iniwanan na sila ng kanilang magulang ng pagkakakitaan pero gayunpaman kapag tamad pa rin ang pag-iiwanan mawawala rin ang lahat na parang nalaglag sa butas na bulsa.

Kung iisipin yung mga tamad na yan ay may mga pangarap din. Ang problema sa kanila ay sobra kung mangarp. Yung tipong “pag mananalo ako sa lotto bibili ako ng ganito ganyan” at wala na siyang ibang iniisip kundi ang pagpila at pag-abang gabi-gabi sa bolahan ng lotto. Minsan, sa kakaisip kung anong gagawin kung sakaling magkapera siya ang kanyang nagiging libangan balang araw. Tandaan, hindi masamang mangarap.. kelangan lang ay sabayan ng pagsisikap.

Isa sa kasabihan ng mga pilipinong hindi maganda ay ang “Pag gipit, kahit sa patalim ay kumakapit”. Hindi dapat ganito ang nasa isip natin. Masyado itong pagiging makasarili. Kahit na alam nating makaka-agrabyado tayo ng iba ay gagawin natin para lang makatakas sa kalagayang gipit. Pag nagnakaw ka, mawawalan ang iba. Pag nanutang ka, mawawalan ang iba. Kung maydangal ka pang natitira at konsensiya, iisipin mo dapat na ang ninakaw o inutang mo ay gagamitin sana ng ibang tao at isa pa, pinaghirapan nila iyon. Hindi mo pawis ang tumulo para makuha ang perang iyon. Ang iba, ay nagagawa pang pumatay. Kung inayos mo lang sana ang buhay mo dati at hindi ka naging tamad, naabot mo na sana ngayon ang pangarap mo.

Ang papatay sa taong tamad ay ang gutom.

Dapat sa murang edad pa lang ay maturuan na ang inyong anak o magiging anak kung papaano magsikap at hindi laging umaasa. Matutong tumayo sa sariling paa, bumangon ng maaga para maraming aktibidad ang magawa at maging matalino sa paghawak ng pera. Kailangan itong matutunan ng lahat ng bata. Hindi lang ng mahihirap kundi pati ng mayayaman. Kasalanan ang pagiging tamad. Walang karapatang kumain ang taong tamad. Walang kwenta at dapat lang na ikahiya ang taong tamad. Taong laging palaasa. Taong laging nag-aabang ng himala. Ang sabi nga, nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Sa mga taong laging pala-asa, kayo rin ang mahihirapan pagdating ng araw. Paano kung wala na ang inyong inaasahan? Paano ka gagapang? Walang tutulong sa atin kundi ang ating sarili. Ikatutuwa ng ating mga magulang kung makikita nilang ang lahat ng kanilang ginawang pagpapalaki sayo ay nagdulot para malagay ka sa mapayapa at maginhawang buhay.

Work hard, play later… Play hard, work later..

MGA KASABIHAN AT LARAWAN NG KATAMARAN

Sa ngayon, si Pacquiao na ang pinakamayamang Congressman na nakaluklok sa pilipinas na abot na sa bilyong piso ang halagang pagmamay-ari. Lalaban nanaman siya sa mga susunod na araw kay Mosley at tiyak na madadagdagan nanaman ang kanyang pera dahil sa premyo, pay-per-view, commercial at regalo. Pero sa likod ng yaman niya ay may ilang ispekulasyon na si Pacquiao daw ay miyembro ng Illuminati. Ang Illuminati ay samahan ng mga sumasamba sa demonyo at ang mga target daw nito ay ang mga mayayaman na gusto pang magpakayaman. Ang mga miyembro raw nito ay ang mga naging presidente ng US at ilan pang mabibigat na personalidad sa Hollywood at sa larangan ng sports. Ang sabi ng mga gumawa ng matatawag natin sa ngayon na conspiracy ay ginagamit daw na kasangkapan ang mga tao at personalidad para malayo daw tayo sa dapat nating paglingkuran at papurihan. Yung kunwari daw ay laban ni Pacquiao ay sa linggong darating. Imbis daw na pumunta sa kapilya ay magsasakit-sakitan para makapanood ng live na laban ni Pacquiao. Sa simpleng bagay ay nailayo ka ng demonyo yan ang sabi ng mga gumawa ng conspiracy. Ang ilan pa sa mga sikat na personalidad na sinasabing miyembro ng Illuminati ay sina Lebron James, Kobe Bryant, Oprah, Charice Pempengco at iba pa. Kapalit daw ng pagsamba nila sa demonyo ay ang walang hanggang magandang career at yaman. Pinaniniwalaan din ng ilan na kaya raw pinatay si John F. Kennedy ay dahil tumaliwas siya sa mga kagustuhan ng Illuminati sa kapangyarihan at ginawa niya ang lahat sa sarili niyang desisyon at hindi siya nagpacontrol sa mga ito dahil alam niyang walang maidudulot na maganda para sa kanilang bayan. Ang lahat ng tumataliwas o lumalayo sa pagiging miyembro ng kulto ay namamatay o pinapatay. Pag nabenta mo na raw ang kaluluwa mo sa demonyo ay wala ng balikan at wala ka ng kaluwang mababalikan. Hindi ko sinasabi na totoo ang lahat ng ito. Maaaring pwedeng paninira lang o naiinggit lang ang iba kaya nila ginawa ang conspiracy na ito. Hindi ko pinaniniwalaan na miyembro ng kultong Illuminati si Pacquiao. Alam nating lahat na kaya naman naabot ni Pacquaio ang lahat ng yan ay dahil tinulungan niya rin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsisikap at pagdisiplina sa sarili. Determinado si Pacquiao at nasa likod niya ang buong sambayanang Pilipinong umaaasa ng malaki sa kanya dahil meron siyang kapasidad at kakayahan na natatangi sa lahat. Ngayon, lumalabas na pinupuri ko na si Pacquiao, pero simpleng paghanga lang yun at pagkatuwa dahil kapwa natin siyang Pilipino pero di ko pa rin ipagpapalit ang pagsamba sa darating na linggo.

http://www.youtube.com/watch?v=VYBOJPNSWD8    <—(Wag Panoorin)

               TO                        

Ngayon, sa mga celebrity, athlete, singer, dancer etc. na madidiscover sa buong mundo at yayaman ng sobra-sobra dahil sa kanilang sariling talento, humanda na kayo dahil darating ang araw na pag-narating niyo na ang kalagayan ni Pacquiao ay pag-kakamalan din kayong miyembro ng kulto. Wag niyo lang pansinin ang mga yan bagkus ay patunayan niyo sa inyong mga gawa, pagpapakumbaba, pagrespeto at paglapit sa mga taong inyong pinanggalingan dahil sila ang mas nakakakilala sa inyo. Pag nanalo si Pacquaio sa linggo sasabihin ng iba dahil yun sa Illuminati o dahil yun sa steroid pero tayong mga Pilipino, isa lang ang pinaniniwalaan natin. Kaya siya nanalo dahil may dugo siyang Pilipino at masikap siya na tao. Mapagbiro talaga minsan ang tadhana. Kung sinong wala, nagkakaroon at kung sinong meron, yun pa ang nawawalan. On the other side, paano kung totoo ngang Illuminati si Pacquiao? E wala na tayong magagawa yun dahil yung ang pinili niya. Ba’t ka makikialam sa buhay ng may buhay? Magpasalamat ka na lang at hindi ikaw yung kaanib dun. Yun ay kung totoo lang. Wag agad maniwala sa mga video na kumakalat. Palawakin lang isip. Ganito na lang, pag namatay ako ngayong ilang araw pagkatapos ng post na ito, totoo na Illuminati si Pacquiao pero kung hindi, hindi Illuminati si Pacquiao. Ay hindi pala, baka patayin lang ako ng mga gumawa ng conspiracy para yung conspiracy nila e maging totoo. Ang pagkamatay ko ay hindi sapat na ebidensya para maging Illuminati si Pacquiao kaya non-sense. Abangan na lang natin sa mga susunod na mga taon. Wala namang baho na di sumisingaw e. Basta ako, di ako naniniwalang miyembro siya. Tapos.

Metaporista


Masuwerte tayo sa pagkakamit natin ng kalayaan. Malaya na tayo mag salita, kumilos at magdesisyon. Pero ang hindi natin alam, mayroon ding masasamang epekto ang lubusang pagtamo ng kalayaan.

Twitter

  • Madali lang magpayaman kung tutuusin. Ang nagpapahirap lang ay ang pag-abot nito sa malinis na paraan.-----4 months ago
  • Masubukan lang. Wala namang mawawala. Mabuti na ring simulan ngayon. Di ko kasi maintindihan ang @ at # na yan. Para mapaliwanag ko sa iba.-----4 months ago

SARANGGOLA BLOG AWARDS 2

CLICK MO ITO, KUNG AYAW MONG MAHOLDAP

Mga Blog noong nakalipas na buwan

Isa sa isang dosenang buwan

Mayo 2011
L M M H B S L
« Abr   Hun »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 31 other followers

SocialVibe


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 31 other followers