Naisip ko lang.. Ang cellphone pala ay parang buhay ng tao.. Kabisado na natin ang pag-pindot at di na tayo tumitingin minsan pero di maiwasang magkamali pa rin kahit gaano tayo kagaling.. Minsan na wrowrong send tayo at kahit gusto mong bawiin di mo na mababawi pa at ang solusyon lang ay “sorry” o kaya ang pag-aming nagkamali ka ng send.. Mahirap gamitin ang buhay pag wala kang load (pera) wala kang baterya (may sakit).. Oo mahirap pero pwede mo pa ring gamitin kung titiyagain mo lang at pahahalagahan.. Wala ring gustong pinakikialaman ang cellphone nila kung hindi importante tulad ng pribadong buhay ng tao.. Dahil ang cellphone tulad din ng buhay, sa isang pagkakamali’t iglap, ay pwedeng mawala sa atin.. Pwedeng-pwede ka gumamit ng malinis na cellphone at pwede rin namang mamihasa sa madumi mong cellphone. Isipin mong may cellphone ka pero di mo magamit dahil iba ang kumocontrol at gumagamit nito tiyak mabubulong mo sa sariling “ano ako robot?”. Tandaan, hindi lang ikaw ang may cellphone.. Dahil walang silbi ang cellphone mo kung wala kang ka-text.. Ano pang silbi ng buhay mo kung ikaw lang ang mag-isa sa mundo?

 

-metaporista

(06-15-11)