You are currently browsing the monthly archive for Agosto 2011.
Bobits at Talits Jokes - Part 1 <-- Si Talits, Bobits at ang Basurero sa Langit Si Talits na isang Guro, ang basurerong mabaho at ang isnatser na si Bobits ay sabay-sabay na namatay at napunta kay San Pedro. San Pedro: Ang makakasagot lang sa aking mga katanungan ang may karapatan na pumasok sa langit. Talits, ikaw ang una,Ano ang pangalan ng sikat na barko na lumubog dahil sa pagbangga sa iceberg? Talits: Tinuturo ko po iyan sa aming klase, Titanic po! San Pedro: Magaling! Maaari ka ng pumasok. Ikaw naman basurero, (Nabahuan si San Pedro at naisip niyang parang di siya nababagay sa langit kaya hinirapan niya ang kanyang tanong), Ilan ang namatay sa lumubog na Barkong Titanic? Basurero: Yan lang po ang pelikulang napanood ko sa buong buhay ko kaya hindi ko po iyan makakalimutan, 1228 po lahat ng namatay! San Pedro:Mahusay! Maaari ka ng pumasok sa langit. Ngayon, Bobits, Pangalanan mo silang lahat. ------------------------------------------------------- Nagsulatan Si Talits at Bobits Dear Bobits, Dito sa langit: Ang gasolinahan ay Total at Jetti Ang bilihan ng CD ay National Bookstore Ang taga-serve ng pagkain ay taga-LBC Ang palabas sa TV ay GMA at ABS-CBN Ang drainage system ay tulad sa Makati Ang inuming tubig ay mula sa Mt. Banahaw Ang mga driver ng Bus dito ay mga bumibiyahe ng East Wood Ang trapik ng kalsada dito ay parang NLEX, halos wala Sagot ni Bobits sa sulat ni Talits Dear Talits, Dito sa impyerno: Ang gasolinahan ay Caltex at Shell Ang bilihan ng CD ay CD-R King Ang taga-serve ng pagkain ay taga-NBI Ang palabas lang sa TV ay Home TV Shopping Ang drainage system ay tulad sa Manila Ang inuming tubig ay mula sa Manila Bay Walk Ang mga driver ng Bus dito ay mga bumibiyahe ng EDSA Ang trapik ng kalsada dito ay parang Las Pinas, imposibleng wala ------------------------------------------------------- Bobits sa Langit Nanalo si Bobits sa Lotto ng Jackpot na 700 million pesos na binili niya agad ng mga gold bars. Kaya lang kinabukasan ay namatay siya agad. Pagkamatay niya ay narinig ng isang anghel ang kanyang huling kahilingan na kung puwede ay makapagdala siya sa langit ng kahit isang maleta ng kanyang kayamanan para sa kanyang kasiyahan. Sinabi ito ng anghel sa Dakilang Manlalalang at pinayagan siya ngunit gaya ng napagkasunduan ay isang maleta lang. Kaya inihanda na ni Bobits ang kanyang maleta na punung-puno ng gold bars. Pagdating sa entrance ay kinausap siya ni San Pedro. San Pedro: Op op op ops, di mo madadala ang iyong kayamanan dito sa langit! Bobits: Nagkasundo na po kami ng Dakilang Manlalalang. Kung gusto niyo po ay tanungin niyo po siya. Inalam ni San Pedro Kung Totoo nga ang sinabi ni Bobits at laking gulat niya na totoo nga ito. San Pedro: OK OK, maaari ka ng pumasok.. Pero pwede bang makita ko ang laman ng maletang yan para sa seguridad ng langit? Bobits: Wala pong problema at bubuksan ko po sa inyong harapan. San Pedro: Ha??????!!!! Ba`t ka nagdala ng tiles? -------------------------------------------------------------- Pinapili si Bobits Isang araw, Ang may-ari ng kompanyang si Bobits ay nasagasaan ng bus at agad na namatay at napunta kay San Pedro: San Pedro: Bobits, nasa langit ka na ngayon. Pero hindi ibig sabihin nun ay makakapasok ka na. Para sa isang tulad mong masamang tao ngunit may malinis na puso tulad ni Robin hood, ay bibigyan ka namin ng karapatan mamili kung dito ba sa langit ang gusto mo o sa impyerno. Bobits: Dito na po sa langit ang gusto ko. Papasukin niyo na po ako. San Pedro: Bago ka magdesisyon ay ipapakita ko muna sa iyo ang impyerno. Bumaba na si Bobits sa impyerno mag-isa at laking gulat niya na pag-bukas ng pinto ay nakita niya ang kanyang mga kaibigang mga boss ng ibang kompanya na naglalaro ng Golf sa isang napakalawak at napakagandang golf course. Binati siya nito at niyaya siyang maglaro habang nagkwekwentuhan at binabalikan ang kanilang mga nakaraang masasayang araw. Pag katapos nilang maglaro ay kumain sila ng Hipon at Lechon Baka na ubod ng sarap. Nilapitan siya ng diablo na ubod ng sexy at ubod ng ganda at niyaya siya nitong sumayaw at hinayaan siyang akapin at halikan. Masayang-masaya na si Bobits ng nalaman niyang oras na palang bumalik kay San Pedro. Nagpaaalam na sa kanya ang kanyang mga kaibigan habang papaakyat na siya sa langit. San Pedro: Maligayang pagbabalik Bobits, Oras na para mamili ka kung saan mo gustong mamuhay magpakailanman. Tandaan mo na ang desisyon mo ngayon ay di na puwedeng bawiin kaya`t pag-isipan mo maige. Sandaling nag-isip si Bobits at sinabi na rin ang kanyang nasa sa isip. Bobits: Di ko akalain na magiging ganito ang desisyon ko. Hindi naman sa ayaw ko dito sa langit, sa totoo lang maganda at masaya dito sa langit.. Kaya lang sa tingin ko mas sasaya ako impyerno.. San Pedro: OK. Sinamahan na ni San Pedro si Bobits sa impyerno at laking gulat ni Bobits ng bumukas ang pinto. Mabaho, Maingay, Madumi at Madilim. Nakita niya ang kanyang mga kaibigan nakasuot ng basahan at nangongolekta ng basurang nilalagay sa sako. Habang pinapalo ng latigo ng mga alagad ng Diablo. Bobits: Hindi ko maintindihan! Nung pumunta ako dito ay sobrang ganda at nag-golf pa kami ng mga kaibigan ko`t kumain ng masasarap na pagkain. Ngayon, isa na itong mundo ng basura, galit, hirap at poot! Diablo: Hahahahahahahahahaha!! Kahapon nirerecruit ka namin. Ngayon kasi, you`re already part of the team! ------------------------------------------------------------------ ahajokes.com
Bobits – Ang bobo`t pilosopo
Talits – Ang matalino`t simpatiko
Bobits at Talits Jokes – Part 2
———————————————————————————–
Bobits at Talits sa Kalawakan
Si Bobits na isang astronaut ay pinadala sa kalawakan at napansin niya na mayroong konting problema, hindi sumusulat ang ordinaryong bolpen sa kalawakan. Nung makabalik siya sa lupa ay nag-imbento siya ng bolpen na may kakayahang makapagsulat sa kalawakan at pinondohan siya ng 300 million pesos para kanyang proyekto at tuwang-tuwa ang lahat dahil nagtagumpay siya at nagamit niya ang kaniyang imbensiyon sa mga sumunod niyang paglalakbay. Sunod na pinapunta ay si Talits, ayun, nagdala siya ng lapis.
———————————————————————————–
Bobits sa Klase
Teacher: Bobits, magbigay ka ng halimbawa ng hayup?
Bobits: Dog Mam!
Teacher: Very good! Give me another example.
Bobits: Another Dog mam!
Teacher: Abay pilosopo kang bata ka ah! Sige, subukan ko ang galing mo. Use “2 dogs” in a sentence.
Bobits: mmmmmmm.. Yesterday, I saw a dog..
Teacher: O, sabi ko dalawang dog ah!
Bobits: E mam teka muna di pa nga tapos e. Yesterday, I saw a dog.. connected to another dog.
———————————————————————————–
Bobits Pagkatapos ng Honeymoon
Bobits: Hoy, umamin ka nga sa akin. Kanina habang naliligo ka, kinalkal ko ang wallet mo at may nakita akong picture ng lalake. Sino yun? Tatay mo?
Asawa: Hindi ah..
Bobits: E sino yun kuya mo?
Asawa: Hindi rin..
Bobits: E baka naman Ex mo at ayaw mo lang umamin!
Asawa: Past is past! ba`t ko naman itatago pa yun!
Bobits: Sino kasi yun!!! Umamin ka!!!
Asawa: Ako yun hon, bago ang surgery.
———————————————————————————–
Bobits sa Sinehan
Bobits: Badtrip pre, naubos agad 1000pesos ko!
Talits: O, nagsine ka lang mag-isa diba?
Bobits: Oo nga.. Yung babae kasi sa entrance pinupunit yung ticket ko e! Adik ata pre!
———————————————————————————–
Diskarteng Talits
Talits: Mang Robert, makikihiram lang po ng martilyo.
Mang Robert: Ah o sige, hiramin mo kay Bebang may ginagawa pa ako e.
Talits: Salamat po.
Pumunta na si Talits kay Bebang
Talits: Bebang, pa kiss ako sa lips mo ng 5 minutes
Bebang: (Pasigaw) Tatay! Si Talits Ohhh!
Tatay: Sige na Bebang ibigay mo na, para yun lang e.
———————————————————————————–
Bobits at Talits sa Trabaho
Examiner: Lumabas na ang resulta ng exam niyo at isa lang sa inyo ang aming kukunin at yun ay walang iba kundi si Talits.
Bobits: Di naman po ata patas yun! Pareho namang 99 out of 100 ang tama naming sagot ah!
Examiner: Hindi kami nagbabase sa taas ng puntos na nakuha niyo. Binabase namin iyon sa mga sagot niyo sa exam. Naalala niyo ba ang sagot niyo sa no.36 question kung saan kayo nagkamali? Ang nilagay ni Talits ay “Sorry po, Di ko alam ang sagot sa tanong na ito.” at ang sagot ni Bobits sa no.36 ay “Ako rin po, di ko rin alam. Sorry din po.”
———————————————————————————–
Bobits at Talits naging Daga
Talits: Matagal ng nakapanggagambala ang pusa sa bahay na ito. Marami ng kauring nating daga ang kanyang nakain ng walang laban. Kailangan na nating gumawa ng hakbang.
Lahat ng Daga ay nag-isip buong gabi ng paraan at nagulat ang lahat ng binasag ng “Aha!” ni Bobits ang katahimikan
Bobits: Aha! Alam ko na! Lagyan natin ng taling may bell sa leeg ang pusa! Para malaman natin kung parating na siya at makaiwas ang lahat ng kauri nating daga!
Naghiyawan ang lahat at pinuri nila si Bobits sa kanyang idea, ngunit nagtataka sila dahil walang reaksyon si Talits.
Bobits: Bakit Talits? Hindi ka ba kumbinsido sa ideya ko?
Talits: At sino sa tingin mo ang dapat maglagay ng tali sa leeg ng pusa?
———————————————————————————–
Talits at ang Genie
Genie: Dahil pinalaya mo ako sa lamparang ito ay tutuparin ko ang iyong 3 kahilingan.
Talits: Talaga?! Kahit ano?
Genie: Sa isang kondisyon.. Lahat ng Pulitikong Mandarambong sa buong mundo ay magkakaroon ng Doble ng lahat ng iyong kahilingan!
Talits: Ok.. sige.. Kahit medyo masama sa loob ko.. Una, Bigyan mo ako ng Ferraring Red na kotse na matagal ko ng pangarap!
Genie:Masusunod ang iyong kahilingan. Nasa bahay mo na ngayon ang kotse at nasa bahay na ng lahat ng mga pulitikong mandarambong sa mundo ang 2 nilang bagong kotseng matagal mo ng pangarap. At ang iyong pangalawang kahilingan?
Talits: Sunod naman ay bigyan mo ako 500 million pesos.
Genie: Masusunod ang iyong kahilingan. Nasa banko mo na ngayon ang iyong pera at nasa banko na rin ng mga pulitikong mandarambong sa buong mundo ang 1 Bilyon Piso na doble ng kahilingan mo. At ang iyong huling kahilingan?
Talits: Matagal ko ng gustong mag-donate ng isang kidney sa mga nangangailangan. Yun na lang.
———————————————————————————–
References:
by Eric1969 @ @pinoyjokes.net
Jamx @ funnypinoy.com
Leila Corrine
Andrei Bowers
mystupidjokes.com
jokes2000.com
- Sila ang dahilan kung ba`t wala kang pasok ngayon.
- Sila ang dahilan kung bakit double pay ang bayad sa kapatid mo ngayon.
- Sila ang dahilan kung bakit nakauwi ka sa probinsya mo ngayon at nakasama mo ang mahal mo sa buhay.
- Sila ang dahilan kung ba`t nakarating ang Pilipinas sa ganitong kaligayan.
- Sila ang dahilan kung ba`t mo nakamit ang kalayaan.
- Sila ang atin noong pinag-aralan para balang araw ay tularan sa kanilang pagmamahal sa bayan.
- Baka lang makalimutan niyo na sila, kaya ko pina-paalala.
- Dahil tayo rin naman ay maaaring maging kagaya nila.
- Bayani sa munting Paraan. Bayaning palihim sa sariling bayan.
- - metaporista
Pero minsan, sa tren din nakikita ang kawalan ng pag-ibig.. mga lalaking mapagbuno at naturingang makisig..
Ang masasabi ko lang sa mga lalaking may kakayahan naman na tumayo at ayaw magpa-upo ng may kapansanan, matatanda, buntis at bata, isipin niyo na lang ang mga sumusunod na bagay..
Kasama mo ang lola mong uugod-ugod na at walang magpa-upo sa kanya sa tren.. anong mararamdaman mo?
Kasama mo ang asawa mong buntis sa tren at hinayaan lang siya ng mga lalaking kunwa`y tulog para di maistorbo sa pagkaka-upo.. anong mararamdaman mo?
Kasama mo ang kaibigan mong may polio o pilay sa tren at walang nagmalasakit na paupuin siya.. hindi ka ba mananapak?
Kasama mo ang pinakamamahal mong anak at ngalay na ngalay na sila sa biyahe at halos di na makahinga ng maayos dahil sa pagkakasiksik.. anong mararamdaman mo?
Sa ngayon, may kakayahan pa naman tayong tumayo e.. kaya ibigay na natin sa mga mas nangangailangan ang upuan.. Darating ang araw, pag-lolo ka na, may binatang magpapa-upo sayo dahil sinumulan mo na noon pa ang pagbabago.. natutunan ng iba, natutunan ng lahat.. Sabi nga, kung gusto mong igalang ka, simulan mo muna ang pag-galang sa iba..
Mga eksena sa tren na nasaksihan ko..
–
Sa loob ng tren habang bumibiyahe..
Operator: Sa mga mahal po naming pasahero, ugaliin po nating humawak sa mga safety handrail at iwasan po nating sandalan ang magkabilang pintuan ng tren. Maraming salamat po.
Bata: Salamat din po!
–
Bukas ang pinto ng tren at nagsasakay ng pasahero..
Operator: Sa mga mahal naming pasaherong malayo pa po ang bababaan, mangyaring dumiretso po tayo sa gitna.
Manong: Paano nga kami papasok sa gitna kung puno na?! (kunot ang mukha)
–
Rush hour at nagsasalubong ang pababa at pasakay ng tren.. Isasara na ang pinto..
Operator: Sa mga pasaherong hindi po makakasakay, next train na lang po tayo, next train na lang po. Maraming salamat po.
Manong: O, narinig niyo yun? next train na lang daw kayo! Sa mga pasaherong hindi makakababa, next station na lang din kayo!
–
Siksikan na sa tren at wala na talagang taong makakasiksik pa dahil ang nasa bungad ng pinto ay mga lalaking naglalakihan ang katawan..
Ang mga nag-aabang sa susunod na station ay puro lalaki..
Bumukas ang pinto..
Walang bumaba kaya walang nakasakay..
Next station, pag bukas ng pinto ay 2 babaeng artistahin..
Walang bumaba, pero nakasakay pa rin ang dalawang pinagpalang babae..
–
May babaeng nagpaparinig sa lalaki na wala na raw talagang gentleman sa panahon ngayon..
Lalaking nairita (bagong gising): Kaya nga may hiwalay kayong sakayan ng babae diba! Para dun kayo umupo! Sisiksik ka dito tapos aangal ka?
–
May babaeng naiirita dahil daw dinidikitan siya ng mga lalaki..
Lalaking dumidikit o di sadyang napapadikit dahil siksikan: E alam mo namang masikip dito tapos aangal ka? Kung ayaw mong madikitan mag-taxi ka! puro angal!
–
Binatang may kausap na girlfriend sa cellphone..
Binata: Hello sweet? kumus….
“tiiiiiiiiiit-tiiiiiiiiit-tiiiiiiiiiit” warning buzzer
GF: Mamaya ka na nga tumawag ang sakit sa tenga!
–
2 deboto sa quiapo ang nag-uusap sa tren..
Deboto 1: Alam mo brod, muntik na ako mamatay nung nakaraang panata ko e.. Muntik na ako maipit ng karosa habang lumiliko e.. Nasa dibdib ko na talaga, naitulak ko lang talaga ng buong lakas..
Deboto 2: Talaga pre?! Buti na lang pala buhay ka pa.. Delikado kasi talaga yan e.. Tingnan mo yung ibang artista, hanggang papiktyur lang.. Kunwari na sasama sila, pero pagkatapos ng kaunting exposure para mapag-usapan lang sila, aalis na agad o kaya naman biglang may susundo na escort na taga-hawi.. E hindi naman sila naghirap nun e.. parang bale wala din ang panata..
Deboto 1: Tama ka diyan, si Noli Boy nga ginamit niya lang talaga yung panata sa Quiapo para sumikat siya e.. Hindi naman tumatagal sa parada talaga yun..
(Naisip ko lang ulit si Noli Boy.. Ang kalagayan niya ngayon.. Dati siyang reporter na naging bise presidente at naging reporter ulit.. Kaya naman ang ibang istasyon ng TV ay bumibirada ngayon sa pagbabalita dahil may edge sila sa pagbabalita ng walang kinikilingan..
Hal.
Si Ex-Presidente ay halimbawang totoong korap.. at naging reporter siya sa isang istasyon pagkatapos ng termino niya..
Sa tingin niyo ba mababalita ni Ex-Pres. na “Magandang gabi po sa inyong lahat, para sa headline, Nangurap daw ako?”.
Siyempre hindi niya ibabalita ang may kabahuan na tungkol sa kanya.. sa malamang sa malamang.)
–
Binata, pasikat sa GF niya kunwari marunong ng ibang lengguwahe o kaya ay isang makata..
Kokopyahin ang spanish na Tula sa tren at isesend kay GF..
Magtatanong si GF “Huh? Anong ibig sabihin nun?”
Sasagot si BF “Ito ang ibig sabihin nun… (kokopyahin naman yung tagalog translation)
–
Ngalay na ngalay na ang bata sa pagkakatayo sa tren dahil sa haba ng biyahe..
Bata: Yes, lola! makakaupo na rin tayo!
Lola: Apo, bababa na tayo..
–metaporista
8-8-2011
`Knowledge is knowing how. Wisdom is knowing why.`
Sa buhay, hindi raw sapat na malaman lang natin kung paano ginagamit o ginagawa ang mga bagay-bagay.. mas maganda raw kung malalaman natin ang dahilan kung bakit natin iyon ginagamit o ginagawa..
Ba`t ba naglalagay ng suka sa adobo?
Para ibalanse ang alat ng toyo? para luminamnam at manoot? Para mawala ang baho ng sibuyas? Para hindi agad mapanis? Oo alam mo kung paano magluto ng adobo pero alam mo ba kung bakit ito ang mga sangkap nito? Kung malalaman mo ang dahilan kung bakit iyon ang ingredients ng adobo ay mas mapapasarap at mapapabuti mo ang pagluluto nito..
Alam mo ba kung bakit red, dilaw at green ang stoplight at hindi black, grey and white? Alam mo ba kung bakit qwertyuiop ang pagkaka-arrange ng keyboard ng computer at hindi abcdefghijklmnop? Alam mo rin ba kung bakit pinaka-safe magtago sa shear wall ng building pag may lindol? Alam mo ba kung bakit 5-6 ang tawag sa mga pautang ng bumbay? At kung alam mo kung bakit ganoon ang mga bagay-bagay mas magiging malalim ang pagiging pag-unawa mo.
Bakit? Ano bang silbi niyan? Para saan ba yan? <—– wisdom (Dunong)
Paano? Ganito ba? Tama ba tong ginagawa ko? <—– knowledge (Kamalayan)
Kung hindi mo alam kung bakit pinakamatibay ang shear wall (Usually sa mga fire exit daw ng building) sa lindol at tinanong ka kung bakit nga diyan ang pinaka-safe, ang isasagot mo malamang “Ito kasi shortcut palabas ng building pag nasira elevator at nag brownout.. E di para una tayong makalabas!”.. Pero kung alam mo, malumanay kang sasagot ng “Ito kasi ang bumubuhat ng sway at ito halos ang sumasalo ng seismic load. Ito ang huling guguho sa building kaya dito tayo magtatago tuwing may malakas na lindol..”.
Isa pa raw halimbawa: Pag nakipagbreak sayo ang syota mo at hindi niya sinabi sayo ang dahilan, mas mahirap raw tanggapin hindi ba? magtatanong ka maya`t maya sa sarili mo `bakit kaya?`.. `may putok ba ako? nadiskubre na ba niyang may asawa na ako? aha! baka may kinahuhumalingan na siyang iba?! o baka naman ayaw na niya sa kapwa babae?! o baka.. o baka.. o baka..` walang hanggang o baka hangga`t hindi nasasagot kung bakit. Pero kung nalaman mo raw agad ang dahilan, mas madali raw tanggapin ang lahat.
Pero masama rin naman daw kung puro sagot sa bakit ang alam mo pero hindi mo alam kung paano. Alam mo kung bakit kailangan putulin ang buntot ng tambakol at hugasan maige pero hindi mo naman alam kung paano ito lutuin. Alam mo nga kung ano ang mekanismo ng sasakyan pero hindi mo alam kung paano mag magmaneho.. Mahirap din hindi ba? Kaya dapat balanse.. pero dapat mas priority pa rin daw natin ang `bakit` kesa sa `paano`.
Imbis na ang tanong mo ay paano ba makakaiwas sa baha? tanungin mo, bakit nga ba may baha?
PAANO?: Bibili ako ng pump. Itataas ko ang bahay namin. Maghahanda ako ng bangka, salbabida at balsa. Maghahanda na rin ako ng Anti-Leptospirosis.. Ang dakilang proteksiyon, Safeguard..
BAKIT?: “ahhhhh kaya pala.. mababa pala kasi itong lugar namin at sinasalo ng bayan namin ang tubig ulan na galing sa karatig bayan kaya laging bumabaha dito.. Hindi nalang ako bibili ng bahay dito. Itataya ko pa ang kalusugan ng anak ko? Wag na uy! Pag may isang Ondoy lang na maligaw dito, mawawala lang agad sa isang iglap lahat ng pinaghirapan ko.”
Ayon kay wiki:
Knowledge is a familiarity with someone or something, that can include facts, information, description and/or skills acquired through experience or education
Wisdom is a deep understanding and realizing of people, things, events or situations, resulting in the ability to choose or act or inspire to consistently produce the optimum results with a minimum of time, energy or thought
Wisdom is to make the best use of knowledge.
-metaporista
reference: Engr. Lewdan Ferrer





























SocialVibe