You are currently browsing the daily archive for Agosto 29, 2011.

Bobits – Ang bobo`t pilosopo

Talits – Ang matalino`t simpatiko

Bobits at Talits Jokes – Part 2

———————————————————————————–

Bobits at Talits sa Kalawakan

Si Bobits na isang astronaut ay pinadala  sa kalawakan at napansin niya na mayroong konting problema, hindi sumusulat ang ordinaryong bolpen sa kalawakan. Nung makabalik siya sa lupa ay nag-imbento siya ng  bolpen na may kakayahang makapagsulat sa kalawakan at pinondohan siya ng 300 million pesos para kanyang proyekto at tuwang-tuwa ang lahat dahil nagtagumpay siya at nagamit niya ang kaniyang imbensiyon sa mga sumunod niyang paglalakbay. Sunod na pinapunta ay si Talits, ayun, nagdala siya ng lapis.
———————————————————————————–

Bobits sa Klase

Teacher: Bobits, magbigay ka ng halimbawa ng hayup?
Bobits: Dog Mam!
Teacher: Very good! Give me another example.
Bobits: Another Dog mam!
Teacher: Abay pilosopo kang bata ka ah! Sige, subukan ko ang galing mo. Use “2 dogs” in a sentence.
Bobits: mmmmmmm.. Yesterday, I saw a dog..
Teacher: O, sabi ko dalawang dog ah!
Bobits: E mam teka muna di pa nga tapos e. Yesterday, I saw a dog.. connected to another dog.
———————————————————————————–

Bobits Pagkatapos ng Honeymoon

Bobits: Hoy, umamin ka nga sa akin. Kanina habang naliligo ka, kinalkal ko ang wallet mo at may nakita akong picture ng lalake. Sino yun? Tatay mo?
Asawa: Hindi ah..
Bobits: E sino yun kuya mo?
Asawa: Hindi rin..
Bobits: E baka naman Ex mo at ayaw mo lang umamin!
Asawa: Past is past! ba`t ko naman itatago pa yun!
Bobits: Sino kasi yun!!! Umamin ka!!!
Asawa: Ako yun hon, bago ang surgery.
———————————————————————————–
Bobits sa Sinehan

Bobits: Badtrip pre, naubos agad 1000pesos ko!
Talits: O, nagsine ka lang mag-isa diba?
Bobits: Oo nga.. Yung babae kasi sa entrance pinupunit yung ticket ko e! Adik ata pre!
———————————————————————————–

Diskarteng Talits

Talits: Mang Robert, makikihiram lang po ng martilyo.
Mang Robert: Ah o sige, hiramin mo kay Bebang may ginagawa pa ako e.
Talits: Salamat po.

Pumunta na si Talits kay Bebang

Talits: Bebang, pa kiss ako sa lips mo ng 5 minutes
Bebang: (Pasigaw) Tatay! Si Talits Ohhh!
Tatay: Sige na Bebang ibigay mo na, para yun lang e.

———————————————————————————–

Bobits at Talits sa Trabaho

Examiner: Lumabas na ang resulta ng exam niyo at isa lang sa inyo ang aming kukunin at yun ay walang iba kundi si Talits.
Bobits: Di naman po ata patas yun! Pareho namang 99 out of 100 ang tama naming sagot ah!
Examiner: Hindi kami nagbabase sa taas ng puntos na nakuha niyo. Binabase namin iyon sa mga sagot niyo sa exam. Naalala niyo ba ang sagot niyo sa no.36 question kung saan kayo nagkamali? Ang nilagay ni Talits ay “Sorry po, Di ko alam ang sagot sa tanong na ito.” at ang sagot ni Bobits sa no.36 ay “Ako rin po, di ko rin alam. Sorry din po.”
———————————————————————————–

Bobits at Talits naging Daga

Talits: Matagal ng nakapanggagambala ang pusa sa bahay na ito. Marami ng kauring nating daga ang kanyang nakain ng walang laban. Kailangan na nating gumawa ng hakbang.

Lahat ng Daga ay nag-isip buong gabi ng paraan at nagulat ang lahat ng binasag ng “Aha!” ni Bobits ang katahimikan

Bobits: Aha! Alam ko na! Lagyan natin ng taling may bell sa leeg ang pusa! Para malaman natin kung parating na siya at makaiwas ang lahat ng kauri nating daga!

Naghiyawan ang lahat at pinuri nila si Bobits sa kanyang idea, ngunit nagtataka sila dahil walang reaksyon si Talits.

Bobits: Bakit Talits? Hindi ka ba kumbinsido sa ideya ko?
Talits: At sino sa tingin mo ang dapat maglagay ng tali sa leeg ng pusa?
———————————————————————————–

Talits at ang Genie

Genie: Dahil pinalaya mo ako sa lamparang ito ay tutuparin ko ang iyong 3 kahilingan.
Talits: Talaga?! Kahit ano?
Genie: Sa isang kondisyon.. Lahat ng Pulitikong Mandarambong sa buong mundo ay magkakaroon ng Doble ng lahat ng iyong kahilingan!
Talits: Ok.. sige.. Kahit medyo masama sa loob ko..  Una, Bigyan mo ako ng Ferraring Red na kotse na matagal ko ng pangarap!
Genie:Masusunod ang iyong kahilingan. Nasa bahay mo na ngayon ang kotse at nasa bahay na ng lahat ng mga pulitikong mandarambong sa mundo ang 2 nilang bagong kotseng matagal mo ng pangarap. At ang iyong pangalawang kahilingan?
Talits: Sunod naman ay bigyan mo ako 500 million pesos.
Genie: Masusunod ang iyong kahilingan. Nasa banko mo na ngayon ang iyong pera at nasa banko na rin ng mga pulitikong mandarambong sa buong mundo ang 1 Bilyon Piso na doble ng kahilingan mo. At ang iyong huling kahilingan?
Talits: Matagal ko ng gustong mag-donate ng isang kidney sa mga nangangailangan. Yun na lang.

———————————————————————————–

References:
by Eric1969 @ @pinoyjokes.net
Jamx @ funnypinoy.com
Leila Corrine
Andrei Bowers
mystupidjokes.com
jokes2000.com

Jose Rizal – Ang Pambansang bayani ng Pilipinas
Andres Bonifacio- Ama ng Kataastaasang, Kagalanggalangang, Katipunan ng mga anak ng Bayan
Gregorio Del Pilar – Bayani sa laban sa Tirad Pass
Emilio Aguinaldo – Unang pangulo ng republika ng Pilipinas
Apolinario Mabini – Utak ng Rebolusyon
GomBurZa – Ang tatlong paring Martir
Trece Martirez – Ang labing tatlong Martir ng Cavite
Emilio Jacinto – Utak ng Katipunan
Gen. Antonio Luna – Isa sa nagtatag ng La Independencia
Melchora Aquino – Ina ng Balintawak
Graciano Lopez-Jaena – Ang Pinakamahusay na Pilipinong Mananalumpati
Panday Pira – Ang Unang Pilipinong Lumikha ng Kanyon
Mariano Ponce – Propagandista, Diplomatiko, Historyador Editor ng La Solidaridad
Fernando Maria Guerrero – Manunula ng Revolution
Gregoria De Jesus – Lakambini ng Katipunan, Asawa ni Andres Bonifaci
Felipe Agoncillo – Kilalang Diplomatiko ng Unang Republika
Epifanio Delos Santos – Lawyer, journalist, historian, philosopher, bibliographer, biographer, painter, poet, musician, literary critic, antique collector, and librarian – Mas Kilala bilang EDSA
Julian Felipe – Ang Kompositor ng Pambansang Awit
Diego Silang – Lider ng Revolution ng mga Ilokano
Juan Luna – Ang Dakilang Pintor ng Pilipinas
Heneral Artemio Ricarte – Heneral ng Rebolusyon – Mas kilala bilang Viborra

Lapu-Lapu - Ang Pinaka-unang Bayaning Pilipino

Sila ang dahilan kung ba`t wala kang pasok ngayon.
Sila ang dahilan kung bakit double pay ang bayad sa kapatid mo ngayon.
Sila ang dahilan kung bakit nakauwi ka sa probinsya mo ngayon at nakasama mo ang mahal mo sa buhay.
Sila ang dahilan kung ba`t nakarating ang Pilipinas sa ganitong kaligayan.
Sila ang dahilan kung ba`t mo nakamit ang kalayaan.
Sila ang atin noong pinag-aralan para balang araw ay tularan sa kanilang pagmamahal sa bayan.
Baka lang makalimutan niyo na sila, kaya ko pina-paalala.
Dahil tayo rin naman ay maaaring maging kagaya nila.
Bayani sa munting Paraan. Bayaning palihim sa sariling bayan.
- metaporista

Metaporista


Masuwerte tayo sa pagkakamit natin ng kalayaan. Malaya na tayo mag salita, kumilos at magdesisyon. Pero ang hindi natin alam, mayroon ding masasamang epekto ang lubusang pagtamo ng kalayaan.

Twitter

  • Madali lang magpayaman kung tutuusin. Ang nagpapahirap lang ay ang pag-abot nito sa malinis na paraan.-----4 months ago
  • Masubukan lang. Wala namang mawawala. Mabuti na ring simulan ngayon. Di ko kasi maintindihan ang @ at # na yan. Para mapaliwanag ko sa iba.-----4 months ago

SARANGGOLA BLOG AWARDS 2

CLICK MO ITO, KUNG AYAW MONG MAHOLDAP

Mga Blog noong nakalipas na buwan

Isa sa isang dosenang buwan

Agosto 2011
L M M H B S L
« Hul   Set »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 31 other followers

SocialVibe


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 31 other followers