You are currently browsing the monthly archive for Setyembre 2011.

Napagkalawak ng klase ng mga larong mapaglilibangan. Lalo na ngayon na hindi lang limitado sa larong pisikal dala na rin nang mabilis na pag-usbong ng teknolohiya. Sabi nga nang ilan, tila daw nalilimutan na ang mga tradisyunal nating laro at puros daw pabili ng pabili ang mga bata.

MAGASTOS. Yan ang katotohanan. Di tulad noon na trumpo, yoyo, lata, tansan, kaha ng sigarilyo, lamog na tennis ball, human figure na binalutan ng alambre, teks, pogs, baraha, lumang gulong, garter, chalk at kahoy lang ay solb-solb na ang mga kabataan. Ngayon kung hindi, i-touch, i-pad, laptop, desktop, psp, wii, x-box, nintendo ds, ps3, magic cards, RC cars, RC plane, RC helicopter, RC boat at pellet gun ang kanilang lalaruin ay tiyak na busangot ang mukha ng mga bata.

Gayunman, di rin naman natin sila masisisi. Nagbabago naman kasi talaga ang panahon at hindi lang iyon. Pati na rin kasi ang paligid ay tuluyan na ring nagbago.

>Wala nang masyadong punong mapagtataguan, maakyat at masisilungan

>Unti na lang ang mga malalaking bato o nakatumbang puno ng niyog na pwede mong maging langit sa nananayang kalaro na nag-aabang na tumapak ka sa lupang katumbas ay impyerno para ikaw ay mataya

>Istorbo ang mga sasakyan sa patintero, agawan base at tamaang tao lalo na sa basketball sa kalye

>Alas singko na ay nakakapaso pa rin ang init ng araw na maaaring magdulot ng skin cancer at pekas

>Nagkalat ang lamok, kidnapper at rapist

>Wala na gaanong nag titinda ng trumpo, yoyo at teks

>Di na makakalayo ang shatoooooooooooooooooo.. dahil kung hindi sa bubong ng kapit-bahay ay sa loob na ng bakuran nila ito mapupunta..

Pero sabi nga, kung gusto, may paraan. Nasa diskarte na yan ng mga bata at syempre nasa diskarte na rin ng magulang.

Parte na ng bata ang paglalaro at pagkakaroon ng laruan. Hindi man halata ay isa rin itong magandang daan ng kanilang maagang pagkatuto at pagtuklas ng mga bagay-bagay.

Sabi nga nila:

-Ang buhay ay parang gulong.  Tumitigil, nanlalambot, nabubutas at nauubos. May manipis, , may maliit, may malaki at may madaling mapudpod. Anong mang ganda ng klase ng gulong mo, hahalik ka rin sa lupa at madudumihan. Pero ayos lang naman ang mapudpod at madumihan. Isa lang naman ang ibig sabihin nun… Malayo na ang narating mo.

-Ang babae daw ay parang barbie. Puwede mo raw paglaruan, pagsawaan at pag ayaw mo na ay itapon na lang sa isang tabi. Pwede mong ilublob sa tubig, sabunutan at ihagis pag galit. Pwedeng di mo na pakainin at ikulong sa bahay. Pero tandaan mo daw..

ang tunay na lalaki, hindi naglalaro ng barbie.

by Seth Barnes

-Ang buhay ay parang habulan. Masarap ang magpahabol lalo na pag nakikita mong tinatiyaga ka niyang habulin kahit na sinabi mong mabilis kang tumakbo at imposible ka niyang mataya. Pero dahil sa tiyaga niya, titigil ka rin at bibigay. Kung ayaw mong mapagod kakaiwas, umayaw ka na lang o wag na siyang pasalihin sa laro mo. Wag mo na siyang pasalihin kung alam mong hindi ka rin niya mahahabol. Wag kang magpa-asa. Darating ang araw na ikaw na ang maghahabol sa kanila dahil wala nang naglalakas loob sumali sa laro mo.

By Eugene Datuin

-Ang pag-ibig ay parang tong-its. Yung gusto mong mabunot ay tinatapon lang ng iba. Yung pinaka-aantay mo, hindi dumadating dahil nabuo na sa iba. Nakabuo ka na, sasapawan ka naman. Minsan kelangan mong mamili kung ano ba ang dapat mong itapon sa natitira mong baraha. Pinakamasakit ay yung pa-tong-it ka na, naunahan ka lang ng iba.

Walang hanggan ang ating matutunan sa paglalaro. Hayaan nating maglaro at tiyaking may malalaro ang mga bata. Hayaan natin silang matuto. Hayaan natin silang makaramdam ng pagkatalo at pagkapanalo. Hayaan natin silang makipag-away para matutunan nilang maaga kung paano magpatawad at makipagbati. Hayaan natin silang maagawan, masiraan at mawalan nang laruan para di sila gaanong masasaktan pag dumating ang araw na sila ay maagawan ng kasintahan, masiraan ng reputasyon at mawalan nang minamahal. Paghandaan natin sila.. Paghandaan ang pagpapamilya. Wag nating hayaang pagtitinda nang sampaguita ang maging libangan nila.

-Metaporista

————————————————————————————————————

–LAHOK SA SARANGGOLA BLOG AWARDS 3 Kategoryang Blog

Angstorynyo.blogspot.com

Pic by Chris Herald De la Paz

Hampas

ni

Metaporista

-

Panindang nakasabit, laruang nakalawit

Nanukso sa ilang batang subukang mangupit

Nagpumilit na iwasan ang pagkaka-inggit

At sa murang edad ay natuto nang pumikit

“Laruang nakasabit, di ko na makakamit..”

Sambit ng paslit na may singhot at luhang bitbit

Kasabay nang pamimilipit ng tiyang masakit.

-

Ngunit bakit  ang iba’y  tamis at hindi pait?

Ngiti ang kanilang baon at di pagmamalupit?

Mag-asawang nagsumikap, nagplano’t nag-isip

Tiniyak na anak nila’y may makakai’t madadamit

Sa doktor ay madadala sa tuwing magkakasakit

Karapatang edukasyo’y kan’lang maisusukbit

Buhay nila’y di paglalarua’t isasabit

    -

Munting laruan nga’y kanilang pinagkakait,

Ang ngiti ng bata’y naging bigas at pang-hithit

Mang-aaway, maninisi at t’yak mananakit

Pag pinilit, kinulit at pag iyong ginalit

Latay sa balat ang tiyak na daling ikakabit!

Munting mga kamay na laruan sana’ng bitbit

Imbis na ang pasko, ang hampas mo ang sumapit.

______________________________________________________________________

Tulang lahok sa patimpalak ng Saranggola Blog Awards 3

Tula para magulang na tinuring na isang laro ang buhay pag-aasawa at tinuring na laruan ang kanilang mga anak.

Minsan nalilito tayo sa multiple choice.. Dahil minsan, para sa atin 2 ang tamang sagot.. Pero sa totoo, isa lang talaga ang tama.. Ayaw lang natin maniwala dahil mahirap para sa atin itong paniwalaan.. at ayaw nating  magkamali.

Don't kill!... The fly is asking you To save his life By rubbing his hands together» — Issa Kobayashi

Minsan may mga maliit na bagay na hindi natin napapansin.. malamang dahil maliit sila o baka dahil maliit lang ang tingin natin sa kanila. Minsan may gusto silang sabihin pero di nila masabi sayo dahil alam nila na hindi mo sila hahayaang magsabi sayo. Bubuka pa lang ang kanilang bibig ay tinatakpan mo na. Nagpaplano pa lang, pinipigilan mo na.

Noong unang panahon, makita lang ng mga taga-bayan na may paparating na mga dayuhan, automatikong ihahanda na ang lahat ng mga kawal at kanyon at automatikong kalaban na ang mga iyon kahit pagkikipagkaibigan ang layon.

Ang pagiging bukas ng isip ng tao sa ideya at kagustuhan ng iba ay ang minsan nagiging simula ng maayos na samahan sa pangkalahatan.

“Anak mag dodoktor ka.”

“Pero tay..”

“Magdodoktor ka o magdodoktor ka.. yan lang ang pagpipilian mo anak..”

“Tay..”

“May third choice ka pa pala.. at yun ay mawawalan ka ng Ama..”

Tulad na lang ng magulang na nagpapasya kung ano ba ang dapat na tahakin ng anak nila kahit na ang anak naman ang mag-aaral at hindi ang magulang. Magulang na nagpapasya kung sino ba ang dapat pakasalan ng anak. Magulang na kulang na lang ay lagyan ng tali sa leeg ang kanilang anak upang mapasunod. May dahilan ang anak mo.. may gusto ang anak mo.. pero di mo man lang sila hinayaang maipaliwanag sa iyo kung bakit ba ayaw o gusto nila ng ganito ganyan.

“O anak nakapag-isip ka na ba ng gusto mong kunin?”

“Meron na po tay.. pero pasensya na po dahil hindi po pagiging doktor ang kukunin ko gaya po ng inyo kasi hindi po ako kasing talentado ninyo..”

“Ah ganun ba, o sige kung ano man ang piliin mo, sabihin mo lang, andito lang kami para sayo.. “

Nakikita niyo ba na darating ang araw na ang magulang naman ang hihingi ng pabor sa kanilang mga anak?

“Anak, ayaw ko na dito sa Maynila.. Kasi nami–”

“Hindi pwede, dito lang kayo.”

Sana nga ay hindi dumating ang araw na ang mga anak niyo na pinagkaitan niyo ng kalayaan ay gayahin ang kinamulatan nilang pagpapalaki ninyo.

Hindi purki`t kinalabit ka ng pulubi ay manghihingi na siya ng barya.. Malay mo, magtatanong lang sayo kung anong oras na kahit meron siyang sariling relo..  di niya lang alam ang pagbilang  ng oras..

Kelangan nating matutong tumimbang ng sitwasyon.

Kelangan nating matutuhan kung kailan dapat bigyan ng pagkakataon ang isang bagay.

Kung kelan dapat lumaya at magpalaya.

Kung alam mong maraming masasaktan at ayaw mo silang masaktan, wag kang gagawa ng bagay na ikasasakit nila.

Kung kaya mo naman panindiganan ang magiging desisyon mo kahit na, ikasakit ng damdamin ng iba. Sige lang.

Pero sabi nga.. Piliin mo ang gustong-gusto mo.. at hindi ang gusto mo lang.. dahil pagsisisihan mo yan sa huli at panghihinayangan sigurado.

Dahil minsan, ang isang maliit na desisyon ay nagdudulot ng malaking epekto sa buhay ng tao.

Gaya ng maliit na langaw na dumapo sa tae, pag dumapo sa kanin mo tiyak na ikaw ay magta-tae.

-Metaporista

Yaman o Ligaya? EDSA o Buendia?

O  ipapaubaya  nanaman sa manlilikha?

Pero di siya sasagot..

Tiyak, mayayamot..

Binigyan ka niya ng isip para ikaw ang sumagot

Mamili ng di mo ikalulungkot

Desisyong ikaw

ang mananagot

Metaporista


Masuwerte tayo sa pagkakamit natin ng kalayaan. Malaya na tayo mag salita, kumilos at magdesisyon. Pero ang hindi natin alam, mayroon ding masasamang epekto ang lubusang pagtamo ng kalayaan.

Twitter

  • Madali lang magpayaman kung tutuusin. Ang nagpapahirap lang ay ang pag-abot nito sa malinis na paraan.-----4 months ago
  • Masubukan lang. Wala namang mawawala. Mabuti na ring simulan ngayon. Di ko kasi maintindihan ang @ at # na yan. Para mapaliwanag ko sa iba.-----4 months ago

SARANGGOLA BLOG AWARDS 2

CLICK MO ITO, KUNG AYAW MONG MAHOLDAP

Mga Blog noong nakalipas na buwan

Isa sa isang dosenang buwan

Setyembre 2011
L M M H B S L
« Ago   Okt »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 31 other followers

SocialVibe


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 31 other followers