Napa-isip lang ako isang araw.. Sabi kasi sa isang pag-aaral masasama ang Pilipinas sa mga pinaka-mauunlad na bansa 15 hanggang 20 taon mula ngayon.. Sabi na nga ba may pag-asa pa.. Pero syempre ispekulasyon pa lang iyon. Nasa atin paring mga mamamayan ng Pilipinas nakasalalay kung ano ang kalalagyan natin.. Kung iisipin, paano nga ba magiging makatotohanan ang pag-aaral na iyon?

Para sa akin ito ang 3 bagay na malaki ang maitutulong sa pagbangon natin.. Ilabas niyo rin sana ang sa inyo para mag ka-idea ang iba.. Sigurado marami pang paraan..

1. TURISMO

Pansin niyo ba na mukhang sunod-sunod ang mga dayuhang pumupunta sa bansa natin para mag-concert o kaya ay mag-shoot ng pelikula o series?

Gaya nga ng sabi ko dati, isang magandang puhunan ng isang bansa ay ang Abstract Resources.  Ang Abstract resources ay magagandang tanawin o kaya naman ay lugar na puno ng kwento o pwede ring lugar na masarap pasyalan. Masasabi nating mayaman tayo sa Abstract Resources at masasabi rin nating kilala ang lahi natin bilang mga hospitable. May potensyal talaga tayo pagdating sa mga bagay na yun. Ang problema lang, para mas ma-engganyo ang mga turista na pumunta sa atin ay ang pakikitungo ng buong pilipinas sa kanila. Tandaan natin na lahat tayo ay dapat gumawa ng kontribusyon para ma-ipromote ang bansa natin. E kung sa tingin mo pag dumating sila dito ay wala kang gagawin kundi pagtawanan sila, pandirihan sila, layuan sila… Sa tingin ba natin ay babalik pa sila? Kung iiwasan natin ang pagkakalat sa kung saan-saan ng basura sa tingin niyo ba masasambit pa nila na “It`s dirty in Philippines!”. Sa madaling sabi, lahat tayo ay may kontribusyon para akitin silang magbalik dito at magdala ng pera. Isipin niyo na lang na may 2 Milyon na dayuhan na titikim ng tig-iisang fishball, automatic 1 Million piso agad ang papasok sa atin. Paano pa kung samahan nila ng gulaman e di 11 Million pesos agad.

Surigao Del Sur

-

2. The Return of OFW`s

Lipad agad. Yan ang pinakatarget ng karamihang pilipino para makaahon kuno sa kahirapan kahit na ang kapalit ay malayo sa mga minamahal. Tiis-tiis lang sabi ng iba. Ang problema lang ay nakakalimutan nilang nagtratrabaho tayo para mabuhay at hindi tayo nabubuhay para magtrabaho. Pero para sa ilan na kasama na nila at nadala na nila doon ang kanilang pamilya, almost perfect na raw ang kanilang buhay. Pero sa kasamaang palad, iilan lang naman ang nakakakuha ng ganoong klaseng prebilihiyo.

Dahil sa magandang oportunidad sa ibang bansa, iilan na lang ang natitira nating magagaling nating mga manggagawa. Mga magagaling na teacher, doctor, nurse, engineer, mekaniko, animator,  draftsman, karpintero, pintor at marami pang iba na sana`y napapakinabangan ng ating bansa pero maliit daw kasi ang bayad dito sa atin at pahirapan makahanap ng trabaho.  Wala na tayong magagawa doon. Ang isa lang sanang mahihiling natin sa mga OFW, masterin niyo ang trabaho niyo. Isulat niyo ang mga bagay na natutunan ninyo para hindi ninyo makalimutan. Kunin ninyo ang mga teknik at strategy na natutunan niyo at gamitin natin dito para sa pag-unlad. Alalahanin ninyo ang mga prinsipyo sa buhay na narinig ninyo at isinabuhay. At bumalik kayo dito balang araw bitbit ang inyong karanasan at mga natutunan para magsimula ng kahit isang munting negosyo. Kung ikaw ay isang mekanikong namaster na ang pagbubuting-ting, magtayo ka ng kahit maliit na shop at kumuha ng 3 trabahador na pwede mong turuan at salinan ng mga mataas na kalidad na trabahong natutuhan mo. Dahil kung may 10 milyon na OFW ang babalik sa pilipinas at magtatayo ng negosyo at kukuha ng tig-tatatlong taong pwedeng paswelduhan, 30 million na trabaho agad ang maaambag natin.

Pilitin mong hanggang sa iyo na lang tumigil ang henerasyon ng paglipad sa ibang bansa para mag-trabaho. Hangga`t maaari, pag-aralin mo ang anak mo sa gusto niyang kurso at hindi yung gusto mong kurso.. Parang awa mo na, isipin mo kung saan siya sasaya at wag yung kung saan siya madaling makakapag-abroad. Sayang ang potensiyal ng anak mo dahil nilimitahan mo ang kanyang kakayanan. Ok lang na turuan mo siyang maging praktikal pero turuan mo rin siya na sundin kung ano ang nasa puso niya at hindi yung pipilitin mo siya sa lahat ng bagay na gusto mong gawin. Hindi batayan ang magagandang ari-arian para masabing masaya kang namumuhay. Minsan sapat na yung tamang kita lang, may anak ka na hindi sakitin at mababait at may magulang ka na laging magpapaalala sayo ng mga bagay na nakakalimutan mong gawin. May potensiyal ang bayan natin. May potensiyal ang mga kababayan natin.

-

3. TAX

Masakit man sa loob ng iba, kelangan nating itong gawin. Sabi nga, ibigay mo kay Cesar ang kay Cesar. Hindi dahilan ang mga kurap na opisyal para hindi ka magbayad ng buwis. Hayaan mong ang otoridad na ang gumawa ng tamang aksyon. Sa hindi mo pagbabayad ng buwis, para karing mga kurap na politiko dahil kinikita mo ang hindi dapat para sayo. Pabigat ka sa gobyerno. Gawin mo lang kung ano ang dapat mong gawin. Para sayo rin naman yan. Para sa ating lahat. Dahil kung madaragdagan ng 1 milyong pilipino ang magbabayad ng TAX kada buwan na sabihin nating 100 pesos bawat isa. Boom. 100 milyong piso agad ang pwedeng idagdag sa budget ng edukasyon, infrastraktura at iba pa. Kung sa tingin mong walang napuntahan ang TAX mo, pag-isipan mo ng maige kung sino ang iboboto mo sa susunod na eleksyon.

Sa ngayon, kung sa tingin mong wala ka pang naiaambag sa pag-angat ng pilipinas, simulan mo na. Tanghali na, Bangon na.

-Metaporista

About these ads