Metaporista
Tanghali na, Bangon na
Napa-isip lang ako isang araw.. Sabi kasi sa isang pag-aaral masasama ang Pilipinas sa mga pinaka-mauunlad na bansa 15 hanggang 20 taon mula ngayon.. Sabi na nga ba may pag-asa pa.. Pero syempre ispekulasyon pa lang iyon. Nasa atin paring mga mamamayan ng Pilipinas nakasalalay kung ano ang kalalagyan natin.. Kung iisipin, paano nga ba magiging makatotohanan ang pag-aaral na iyon?
Para sa akin ito ang 3 bagay na malaki ang maitutulong sa pagbangon natin.. Ilabas niyo rin sana ang sa inyo para mag ka-idea ang iba.. Sigurado marami pang paraan..
1. TURISMO
Pansin niyo ba na mukhang sunod-sunod ang mga dayuhang pumupunta sa bansa natin para mag-concert o kaya ay mag-shoot ng pelikula o series?
Gaya nga ng sabi ko dati, isang magandang puhunan ng isang bansa ay ang Abstract Resources.  Ang Abstract resources ay magagandang tanawin o kaya naman ay lugar na puno ng kwento o pwede ring lugar na masarap pasyalan. Masasabi nating mayaman tayo sa Abstract Resources at masasabi rin nating kilala ang lahi natin bilang mga hospitable. May potensyal talaga tayo pagdating sa mga bagay na yun. Ang problema lang, para mas ma-engganyo ang mga turista na pumunta sa atin ay ang pakikitungo ng buong pilipinas sa kanila. Tandaan natin na lahat tayo ay dapat gumawa ng kontribusyon para ma-ipromote ang bansa natin. E kung sa tingin mo pag dumating sila dito ay wala kang gagawin kundi pagtawanan sila, pandirihan sila, layuan sila… Sa tingin ba natin ay babalik pa sila? Kung iiwasan natin ang pagkakalat sa kung saan-saan ng basura sa tingin niyo ba masasambit pa nila na “It`s dirty in Philippines!”. Sa madaling sabi, lahat tayo ay may kontribusyon para akitin silang magbalik dito at magdala ng pera. Isipin niyo na lang na may 2 Milyon na dayuhan na titikim ng tig-iisang fishball, automatic 1 Million piso agad ang papasok sa atin. Paano pa kung samahan nila ng gulaman e di 11 Million pesos agad.
Surigao Del Sur
2. The Return of OFW`s
Lipad agad. Yan ang pinakatarget ng karamihang pilipino para makaahon kuno sa kahirapan kahit na ang kapalit ay malayo sa mga minamahal. Tiis-tiis lang sabi ng iba. Ang problema lang ay nakakalimutan nilang nagtratrabaho tayo para mabuhay at hindi tayo nabubuhay para magtrabaho. Pero para sa ilan na kasama na nila at nadala na nila doon ang kanilang pamilya, almost perfect na raw ang kanilang buhay. Pero sa kasamaang palad, iilan lang naman ang nakakakuha ng ganoong klaseng prebilihiyo.
Dahil sa magandang oportunidad sa ibang bansa, iilan na lang ang natitira nating magagaling nating mga manggagawa. Mga magagaling na teacher, doctor, nurse, engineer, mekaniko, animator,  draftsman, karpintero, pintor at marami pang iba na sana`y napapakinabangan ng ating bansa pero maliit daw kasi ang bayad dito sa atin at pahirapan makahanap ng trabaho.  Wala na tayong magagawa doon. Ang isa lang sanang mahihiling natin sa mga OFW, masterin niyo ang trabaho niyo. Isulat niyo ang mga bagay na natutunan ninyo para hindi ninyo makalimutan. Kunin ninyo ang mga teknik at strategy na natutunan niyo at gamitin natin dito para sa pag-unlad. Alalahanin ninyo ang mga prinsipyo sa buhay na narinig ninyo at isinabuhay. At bumalik kayo dito balang araw bitbit ang inyong karanasan at mga natutunan para magsimula ng kahit isang munting negosyo. Kung ikaw ay isang mekanikong namaster na ang pagbubuting-ting, magtayo ka ng kahit maliit na shop at kumuha ng 3 trabahador na pwede mong turuan at salinan ng mga mataas na kalidad na trabahong natutuhan mo. Dahil kung may 10 milyon na OFW ang babalik sa pilipinas at magtatayo ng negosyo at kukuha ng tig-tatatlong taong pwedeng paswelduhan, 30 million na trabaho agad ang maaambag natin.
Pilitin mong hanggang sa iyo na lang tumigil ang henerasyon ng paglipad sa ibang bansa para mag-trabaho. Hangga`t maaari, pag-aralin mo ang anak mo sa gusto niyang kurso at hindi yung gusto mong kurso.. Parang awa mo na, isipin mo kung saan siya sasaya at wag yung kung saan siya madaling makakapag-abroad. Sayang ang potensiyal ng anak mo dahil nilimitahan mo ang kanyang kakayanan. Ok lang na turuan mo siyang maging praktikal pero turuan mo rin siya na sundin kung ano ang nasa puso niya at hindi yung pipilitin mo siya sa lahat ng bagay na gusto mong gawin. Hindi batayan ang magagandang ari-arian para masabing masaya kang namumuhay. Minsan sapat na yung tamang kita lang, may anak ka na hindi sakitin at mababait at may magulang ka na laging magpapaalala sayo ng mga bagay na nakakalimutan mong gawin. May potensiyal ang bayan natin. May potensiyal ang mga kababayan natin.
3. TAX
Masakit man sa loob ng iba, kelangan nating itong gawin. Sabi nga, ibigay mo kay Cesar ang kay Cesar. Hindi dahilan ang mga kurap na opisyal para hindi ka magbayad ng buwis. Hayaan mong ang otoridad na ang gumawa ng tamang aksyon. Sa hindi mo pagbabayad ng buwis, para karing mga kurap na politiko dahil kinikita mo ang hindi dapat para sayo. Pabigat ka sa gobyerno. Gawin mo lang kung ano ang dapat mong gawin. Para sayo rin naman yan. Para sa ating lahat. Dahil kung madaragdagan ng 1 milyong pilipino ang magbabayad ng TAX kada buwan na sabihin nating 100 pesos bawat isa. Boom. 100 milyong piso agad ang pwedeng idagdag sa budget ng edukasyon, infrastraktura at iba pa. Kung sa tingin mong walang napuntahan ang TAX mo, pag-isipan mo ng maige kung sino ang iboboto mo sa susunod na eleksyon.
Sa ngayon, kung sa tingin mong wala ka pang naiaambag sa pag-angat ng pilipinas, simulan mo na. Tanghali na, Bangon na.
-Metaporista
Foreigner na Pulubi sa EDSA-Taft
Malamang naholdap. O kaya naloko at ninakawan ng bebot habang siya’y tulog. Pero hangga’t hindi siya nakakausap, hindi natin malalaman kung ano ang totoo.
Isa lang ang masasabi kong totoo.. na halos umulan ng barya sa lalagyan ng pulubi. Yung iba bumabalik pa para mag-abot dahil na rin sa karatulang “I’m hungry I got no money Tank you” (Hindi ako sigurado sa saktong salita)
Minsan lang kasi mangyaring ang foreigner ang hihingi ng tulong kaya sigurado halos lahat ay gustong makatulong. Ang nakakalungkot lang, pag foreigner, visible na visible ata dahil sa tangos ng ilong at mamula-mulang kulay. Samantalang ang ibang pulubing kapwa filipino ay invisible para sa karamihan. Dinadaan-daanan.. Aabutan lang pag may kasamang girlfriend at boyfriend o manugang na gustong pagpasikatan. Aminin na nating ilan lang naman sa atin ang handang tumulong sa kapwa filipinong pulubi. E mukha kasing sindikato. E mukha kasing tamad at puro asa. E mukha kasing mabaho at kung ano-ano pa.
Malamang mababalita pa yang dayuhang pulubi. Sana nga matulungan din siya sa lalong madaling panahon.. Dahil yung limos na napupunta sana sa kapwa kababayang pulubi, napupunta sa kanya.
-Metaporista
Kung ako’y magiging pulubi
Baho mo Brad
Kung hindi mo pa nararanasan maligo sa dagat ng basura, siguradong naranasan mo nang manginig ang iyong panga at magpigil ng masamang hangin sa tiyan.. at kung hindi mo na nakaya, magpapatay malisya.. Aantayin na pumutak ang iba at biglang sasabihing.. “Hay nako, ang unang pumutak yun ang nangitlog!” sabay hawak sa tenga niya at sasambiting “Kita mo na anlamig ng tenga mo.. Ikaw nga!”. Yun ay kung marami kayo.. Pero kung dalawa lang kayo ng crush mo habang naka-indian seat sa kahoy na sahig at naramdaman niya ang vibration, wala ka nang magagawa kundi ngumiti at magsabing “Human nature.. you know..”
Normal sa tao ang magtago ng sariling baho. Takot mapagtawanan. Takot na malaman nang nakararami ang sariling kabahuan. At dahil sa pagtatago nating ito, mahirap kumilos. Takot kasi tayong tumanggap nang puna galing sa ibang tao. Takot tayong maamoy ng iba.
Tatay: Ba`t ang baba nanaman nang grade mo?
Anak: E tay, ayaw niyo po kasi ako pabaunan nang kendi.
Tatay: Bakit? Magiging Einstein ka ba pag may kendi ka?
Anak: …….
Tatay: Sagot!
Anak: Hindi po..
Tatay: E hindi naman pala e!
Anak: E tay, tuwing nagrerecite po ako nagtatakip po silang lahat nang ilong..
Tatay: HA????! Halika pumunta tayo sa dentista..
Gaya nang utot, hindi ito laging napipigilan. Mabigat para sa isang tao ang magdala nang isang lihim. Hindi ka mapapalagay.. Babangungutin ka.. Alam mong hangga`t hindi ka tumetestigo sa pagkamatay niya, patuloy ka niyang dadalawin. Hangga`t hindi ka umaamin sa magulang mo na buntis ka, mawawalan ka nang ganang kumain. Hangga`t hindi mo naipapaalam sa mahal mo na mahal mo siya simula noong una mo siyang makita, hindi ka titigil sa pagbabakasakaling mahal ka rin niya. At ang pangunahing taga-salo nang mga lihim nating iyan, walang iba kundi ang ating magulang. Kaya ang iba, ramdam ang bigat nang mundo pag wala na ang kanilang magulang.
Kahit amoy pusod ang hininga mo, kahit puno ka nang buni at alipunga, kahit maaga kang napanot at laging bagsak sa eskwela, andiyan sila para magsabing “Ok lang yan `nak! Yung iba nga eh mas malala pa ang pinagdadaanan kesa sayo at nakakaya nila.. Basta`t wala kang ginagawang masama wala kang dapat ikahiya. Alam mo ba kung bakit tinawag na PAG-ASA ang taga-pagbantay natin nang panahon? Dahil sila ang pag-asa nang nakararami para mailigtas ang sarili sa paparating na bagyo. At hindi lang yon.. Para tuwing may paparating na bagyo sa buhay natin, lagi mong iisipin na may PAG-ASA. Sabi nga ni Lolo mo.. There is no success denied.. Only Success delayed.. O siya, kumain ka na habang mainit ang kanin.”
Apo 1: Huuuuu! Sa wakas buti bumaba na yung mabahong yun..
Apo 2: Hayup nga e.. Antagal nakatambay sa ilong ko nang anghit niya.
Lolo: Hoy, magsitahimik nga kayo.. Wag kayong ganyan masama yan. Pinagpaguran niya iyon at pinag-pawisan.
Oo, nakakapagtaka kung bakit magkaamoy ang kuyukot at ang pusod samantalang ang layo naman nila sa isa`t isa.  Pero sabi nga nang iba, ang magnanakaw takot sa kapwa magnanakaw. Pareho silang mabaho. Pareho silang lumalayo sa isa`t isa. Naalala ko ang sabi ng tatay ko.. “Once you lie, you will lie forever”.. Napakahirap magsinungaling dahil ang kasinungalingan mo ay dapat mong panindigan hanggang sa huli dahil kung hindi, yari ka. Wag kang magpapanggap na meron kang sariling DSLR dahil magtataka ang mga tao dahil mukhang galing lang sa cellphone ang mga picture mong inupload. Wag kang magpapanggap na manager ka na sa kumpanyang pinagtratrabahuhan mo dahil maraming magtatampo sayo pag nagpalakad sila sayo at hindi mo sila naipasok. Higit sa lahat, wag kang magpapanggap na mahal mo talaga ang isang tao.. Dahil posibleng iwanan niya ang kasalukuyan niyang kasintahan para lang makamit ang mapagpanggap mong pagmamahal.
Pag mabaho ang bahay dapat pinapasingaw.. Pero pwede rin na isara mo na lang ang pinto`t bintana at singhutin mo ang buong kabahuan para hindi nakakahiya sa kapit-bahay niyo.
Pag mabaho ang iyong katawan, maligo, maghilod, sabunin ang pusod, magdeodorant at maglagay nang pulbos..  Pero pwede rin na bumili ka na lang nang Baby Cologne sabayan mo na lang nang dasal na sana matabunan nito ang umaalingasaw mong kili-kili.
Pag mabaho ang bibig, mag toothbrush, mag mouth wash at pumunta sa dentista.. Pero pwede rin na mag-aral ka nang sign language at mag-panggap na pipi para di nila malaman na meron kang killer breath.
Mahirap ang magpanggap. Wala nang mas dadali pa sa pagpapakatotoo sa sarili.
Mag-kamay ka kung gusto mo!
Magtagalog ka kung mahina ka sa english!
Magtanong ka kung hindi mo alam!
Mag-Carinderia ka kung kulang ang budget!
Wag kang magpakulong sa gusto mong maging tingin sayo ng iba..
Lumaya ka sa sarili mo.
Wag kang mahiyang anak ka nang nanay mo..
Dahil kung pwede lang nila isigaw sa buong mundo na anak ka nila, tiyak na gagawin nila iyon.
Wag kang mahiyang maging Pilipino..
Dahil kung buhay si Rizal, ituturo ka niya at sasabihing “Yan ang sinasabi ko noon na magiging pag-asa ng bayan..”
Wag kang mahiyang maging tao..
Dahil mapa-mayaman o mahirap, iisang hangin lang ang hinihinga natin at iisa lang ang patutunguhan nang buhay nating lahat.
At kahit kelan, higit na mas mabaho ang mga taong may masamang ugali kaysa sa mga batang lumaki sa basurahan.
-Metaporista
2012
Nabilisan ba kayo? Halata bang minadali ko ang 2011? Medyo excited na kasi akong mapahiya yung mga taong nagsasabi na sa 2012 daw magugunaw ang mundo. Sinabi ko na ngang walang ibang makakaalam ng petsa at oras ng pagdating ng panahon na yun na e. Parang Magnanakaw. Pero tinitiyak ko na malapit na. Pansin ko naman na pagod na kayong lahat.
Isang milyon ang halos dumating nung araw ng itim na Nazareno sa Quiapo. Maraming nasugatan. Maraming nasaktan. Puwede naman kasing pumila para makapunas ng tuwalya pero ang kukulit gusto pa sa mahirap na paraan.
Naalala ko noong ginawa ko sina Eba’t Adan noong pumunta si Jejomar sa China. Ang kukulit kasi ng mga drug mule na yun at madaling natukso sa pera. Anong tingin niyo sa airport nila? SM malls na pwedeng ipasok ang baril? Kung minsan gamitin ang utak sa mga “Paki padala” na yan para di na maulit. At para hindi na magmukhang nagmamakaawang aso ang Bise Presidente niyo na iligtas sa bitay ang mga kababayang inosenteng mangmang na nabulag sa pera.
Sinubok ko ang mga Building niyo sa Central Luzon, Ilocos Norte, Metro Manila kung talagang matitibay ang pagkakagawa. Pero syempre sapat na yung 5.1, 5.2 at 5.8 magnitude dahil baka di maubos ang kita ng mga Kontratistang walang kunsensyang gumagamit ng sub-standard na materyales. Heto nga’t walang lindol ay may namatay pa ring 10 trabahador sa project ng Eton dahil sa overloading sa gondola. Andali nilang patayin. Ginutom ko lang sila. Ayun nag-unahan at hindi nagbigayan. Kung hindi ko ginawa yun, mas maraming trabahador pa ang mamamatay dahil sa pagpapabaya nila tungkol sa construction safety. Haaaaaaay. Ayaw kasing mamuhunan sa BOSH o COSH para mas maging aware ang mga tao nila.
Inutusan ko ang isang alagad ni satanas na maglagay ng isang bomba sa Bus sa Makati. Wag niyo akong sisihin. Dahil kung hindi ko ginawa yun, guguho na ang mundo ay magbabanjing-banjing pa rin ang ilan sa inyong kapulisan na nagchichill-chill sa de aircong mga kwarto habang nagbabaraha kahit oras ng duty.
Hindi ko na rin pinaabot ng Valentines day ang buhay ng Gen. Angelo Reyes niyo. Kung nagtataka kayo kung sino yung kausap niya ilang oras bago siya nag-baril ng sarili, ako yun. Tinawagan ko siya kung talaga bang hindi siya aamin sa ginawa niyang kalokohan. Matatag ang kanyang loob at kanyang paninidigan. Hindi siya aamin kaya magbabaril na lang daw siya atleast hindi niyo alam kung nangurap ba talaga siya o malinis siya. Matatalino talaga ang mga General.
Mabalik tayo sa droga. Kung mag-aadik kayo diyan na lang kayo sa Pilipinas. Wag na kayong pupunta ng Hongkong at doon pa magpapahuli para di kayo magaya sa anak ni Chavit Singson. At kung makikipagbreak  sa inyo ang GF niyong mala-Lovi Poe, Iinom niyo na lang ng alak kesa ihithit niyo ng droga.
Pinalabas ko na rin sa lungga niya si Lacson para makita ang mukha niyang biglang bumata para makita niyo kung gaano nakakastress ang pulitikang yan. Pero kasunod ng paglabas niya sa publiko  ay ang pagkakatago ko sa bangkay ng 13 minero sa Compostella Valley. Pinalandslide ko. Buti ba kasi kung tinataniman niyo ng bagong puno ang mga punong pinagpuputol niyo.
Nag-isang taon na rin ngayon Si Pnoy niyo. Naramdaman niyo ba ang pagbabago? Sana naman. Nag-dalawang taon na rin ng pagkamatay ang nanay niya. At apat na taon namang naghintay si Koko Pimentel bago ko siya nailuklok. Sinubok ko lang siya kung talagang deserving ba siyang maging senador. At dahil sa tiyaga niya at hindi nawawalang pag-asa, nalaman kong oo ang sagot sa tanong na iyon.
Marami man kayong ginawang kalokohan nitong taong 2011, medyo napatawad ko na kayo kasi marami-rami ring akong bagyong pinadaan sa inyo though hindi ko na inulit yung Ondoy at nakontrol ko na kahit papaano ang galit ko. Pero naalala ko bigla yung laban ni Pacquiao kaya pinahabol ko si Sendong kahit patapos na ang taon. Di ko ulit nakontrol ang galit ko sa mga Pilipinong balimbing. “Nagiging patas lang naman kami.. ayon lang sa aming nakita at pananaw ang naging judgement namin sa laban niya kay Marquez..” sabi nila. Akala ko pa naman matatag kayong lahat at nagkakaisa ang buong Pilipinas para kay Pacman. Pero pag tagilid ng konti ay lipat na agad sa kalaban? Ayaw ko ng ganun. Manalo matalo dapat nagkakaisa pa rin kayong mga Pilipino. Tinawag niyong bayani noong nakaraang taon, tinawag niyong manluluto ngayong taon. Kung buhay pa si Paquito Diaz ay pinagulpi ko na kayo kaya lang pinagpahinga ko na siya ng mga Marso pa lang.
Tinupad ko na rin ang wish ng taumbayan. Arestado na si Gloria at pinamadali ko talaga yun dahil tatakas yun at nagpaschedule na ng face surgery sa Germany para di siya makilala. Tatanggalin na sana ang nunal niya. Pinarusahan ko na lang siya sa pamamagitan ng sakit katulad kay Erap. Ang kaibahan lang, kay Erap sa tuhod kasi mahilig mangandong ng babae. Si Gloria, sa lalamunan para di na masyado makapagbitaw ng kasinungalinan sa inyong mga Pilipino.
Napakapalad ng bansa ninyo dahil meron kayong DJ Mo at Genelyn Magsaysay  na magagaling na tagapagturo kung paano mang-black mail o manira ng tao. Ang pagkahumaling sa pag-ibig at sa pera ay nakakasama gaya ng pagkasobra sa usok ng katol. Kung wala silang dalawa ay hindi magiging masyadong makulay ang showbiz ngayon dahil hindi pa rin naman naglaladlad si Piolo.
Pero mas mapalad kayo dahil meron kayong Bob Ong at Eros Atalia na meron nanamang bagong libro. Silang dalawa plus  Andres Cristobal Cruz plus Duking ay kaya ng magbigay buhay sa literatura ninyo. Kaya dapat alagaan niyo ang mga Manunulat.
Wag kayong ma-excite mag 2012 dahil papahirapan ko pa ang buhay niyo. Patataasin ko pa ang bilihin. Papakalatin ko pa ang AIDS at HIV. Papasikatin ko pa lalo si Justin Bieber. Magpapalindol pa ako ng mas marami, manununog ng bahay, magpapadala ng bagyo at kung ano-ano pa. Pero wag kayong mawalan ng pag-asa ha? Gaya nga ng sabi ko, naglalakbay lang kayo at sinusubok ko lang kayo. Kung ano man ang gawin ko sa buhay niyo, maging matibay lang kayo at wag tatalon sa poste ng Meralco dahil mas mataas pa ang kanilang singil kesa sa poste nila. Walang pera? Wag na kayo umasa kay Willie, kay Bossing at kay Batman. Gawin niyo na ng kusa. Walang nararating ang taong pala-ASA tandaan niyo.
Magtrabaho ng maayos habang oras ng trabaho..
Umuwi ng tamang oras..
Ibigay ang oras sa minamahal hangga’t nandiyan pa sila..
Maging tapat sa minamahal..
Magdagdag pa ng pagtitiis..
Magbagong buhay..
Tandaan niyo, kita ko ang ginagawa ng itim na langgam na gumagapang sa itim na bato sa itim na sahig sa itim na bahay sa loob ng kuweba sa gabing maulap noong di pa nadidiskobre ang apoy.
Sa mga makakatawid sa 2012 na masaya at masigla, congrats in advance. Sa mga walang minamahal, wag niyo ng antayin ang mga kupidong mamana dahil ang populasyon niyo ay 7 Billion na.. Wag niyo ng iasa sa kanila.. Kayong mga babae buksan niyo na lang ang puso niyo para madaling matarget ng iba. Wag ng mamili ng stainless na arrow ang tumama sa inyo. Kasi mapa stainless man yan o kahoy, isa lang din naman ang tama niyan.. Depende lang yan kung gaano kabaon.. At sa mga lalake naman, kung mamamana kayo, isa-isa lang. Matukso man kayo, wag niyong itutuloy. O kung napana niyo na, hugutin niyo agad. Dibaleng isa lang ang masaktan kesa 2.
Sa mga may problema sa pera tandaan niyo, kahit anong trabaho basta marangal tanggapin niyo na. Wag na mag-inarte. Hindi kayo mabubusog sa pagiging maarte maliban kung artista ka.
Sabi ko nga, madali lang naman magkapera.. Ang nagpapahirap lang ay ang pagkuha nito sa malinis na paraan. Lalo na kung di ka nakapagtapos ng highschool.
O paano? Tumawag lang kayo sa akin anytime. Kahit 7 Billion kayong sabay-sabay ay kaya ko kayo. Kasi hindi naman lahat sa inyo ay worth pakinggan kaya nababawasan ng 94%. Kung hindi ka na papatay ng sampung tao kada araw baka pakinggan pa kita.  Tinigil mo na nga ang pagtitinda ng DVD sa Quiapo lumipat ka naman sa EDSA Taft at Alabang Metropolis.. haaaay.. Basta ako binibigyan ko kayo ng tsansa magbago.. Pag napuno na ako, pasensyahan na lang tayo..
O siya, bumili na kayo ng paputok na may kalahating takal ng buhangin kung sapat-sapat ang pera niyo.. Sa mga kapos, sige, sunugin niyo ang perang inipon niyo sa loob ng isang taon.. Mauulam niyo yan at makakain kinaumagahan.
- Metaporista
Balikan ang 2011
Osaru
ANG TATLONG UNGGOY
(Bulag, Pipi`t Bingi)
Kilala sa buong mundo ang laruang ito.
Bagaman display lang at pabigat sa aming papel,
patuloy pa rin siyang nagpapaalala ng mga mahahalagang bagay.
Na minsan kelangan nating….
takpan ang  mata para di ka maakit na gumawa ng kasamaan.
takpan ang tenga para di matukso sa tawag ng kasamaan.
takpan ang  bibig para di ka makagawa ng kasamaan.
Laruang makahulugan. Laruang dapat paka-ingatan.
-Metaporista
Lahok sa Photoblog sa Saranggola Blog Awards 3
Laruang Bilog
Laruang Bilog
ni Metaporista
Ngayon lang narating ni Benjo ang tunay niyang bayan at tila naninibago pa sa init ng panahon.
Isa ang tatay ni Benjo sa mga naghangad na makapangibang bansa para kumita ng malaki-laki. Dahil sa tulad niyang hindi nakatapos ng highschool, sarado ang pinto ng pagkakaroon ng sweldong aabot sa 5 numero. Kaya nang dumating ang pinakahihintay niyang pagkakataon, sinunggaban niya agad ito at hindi na pinakawalan. Bagaman hindi gaano kalakihan ang suweldo na maibibigay sa kanya, mapapantayan naman niya ang sweldo ng mga nakapag-tapos sa kolehiyo sa pinas.
Dumating ang araw na naayos na ang lahat ng papeles at ang kulang na lang ay ilang pirmahan ng kontrata. Dinalaw niya rin ang kanyang kumpareng may kamag-anak doon at humingi ng payo.
“Pag sa agency ka, maliit talaga ang sahod pare! Pero.. pag nakawala ka sa agency mo, magiging bigtime ka agad! Siguro, ayusin mo muna ang trabaho mo ng isang taon at magpundar ng kaunti para may magastos ka pag `tumalon` ka na.” Payo ng matalik na kumpare ng tatay ni Benjo.
“Hindi ba delikado yun pre? Baka malamig na rehas ang mahimas ko nun.” Usisa ng tatay ni Benjo.
“Sa pagkakaalam ko, basta mabilis kang tumakbo, madiskarte at maraming kaibigan na tapat, hindi ka mahuhuli.. Uulitin ko lang ha, TAPAT. Mag-iingat ka sa ilang kababayan natin doon na pinaglihi sa talangka na porque naging legal at permanente na doon, ginawa ng hanap-buhay ang pagtuturo ng lungga ng mga bilog. Aba`y malakas talaga makatukso sa ilang kababayan nating yun! 3 lapad  ba naman kada ulo ng mga bilog! Ginawa na ring sideline ng mga kababayan nating nalulong sa pachinko at nakalimutan na ang salitang tagalog na pakikisama.” Pahabol na payo ng kumpare niya.
Nakaramdam ng unting pangamba noon ang tatay ni Benjo pero dahil sabik na ang kanyang pitaka na makatikim ng lapad, itinuloy niya ang paglipad.
Nagtrabaho siya sa electronics na taga-hinang ng mga piyesa. Di naman siya nahirapang makisama dahil nakapag-aral na rin siya ng salitang hapon at higit sa lahat, maraming mga kababayan na kanyang kaibigan na umaalalay sa kanya. Maayos ang naging takbo ng kanyang buhay dahil libre naman ang bahay, kuryente, tubig at pagkain at buo naman at nasa oras nilang natatanggap ang suweldo. Maayos na ang kanyang estado noon ngunit isang araw, may isang pilipinong bilog ang bumati sa labas ng kanilang kumpanya at nakipagkwentuhan sa kanya. Nabanggit ng kababayan bilog na walong beses na higit daw ang kanyang sinusweldo sa kanilang kumpanya kumpara sa suweldo ng tatay ni Benjo  sa electronics.
Pag-uwi sa kanyang tinutuluyan, napag-isip siya sa sinabi ng kapwa pinoy. Nakaramdam ng gigil at pag-kainis. Naisip niyang kung walong beses na higit ang suweldo ng mga bilog, walong beses na mas mabagal ang kanyang pag-unlad kumpara sa kanila. Naisip niyang malaya rin namang nakakapag-liwaliw ang mga bilog at tila hindi nila pinoproblema ang pagiging illegal. Dahil sabi nga ng ilan, Tyempuhan lang ang pagkahuli. At pagkalipas ng ilang araw, napagdesisyunan na rin niyang tumalon pero inantay niya muna ang kanyang sweldo para may pamasahe papunta sa malayong probinsya na pinamumugaran ng mga kaibigan niyang bilog.
Sa manukan ang naging bagsak niya. Taga-linis, taga-katay at taga-buhat. Bagaman malansang maituturing ang kanyang trabaho, busog naman ang kanyang wallet. Doon na rin niya nakilala ang ina ni Benjo na kapwa kababayan at kapwa bilog din. Masasabing made in japan si Benjo pero tagalog pa rin ang kinalakhan niyang salita. Madaling nakaipon ang mag-asawa at napatikim kay Benjo ang mamahaling gatas, napagamit ng mamahaling diaper at higit sa lahat, naibili ng magaganda, hi-tech at mamahaling mga laruan. Ang kaso, limitado ang kanyang palaruan at mga kaibigan. Hindi siya pwedeng mag-aral dahil isa siyang bilog. Hindi siya pwedeng humingi ng tulong sa pulis dahil isa siyang bilog. Hindi siya pwedeng madala sa hospital dahil rin sa isa siyang bilog.
Nagbulag-bulagan ang tatay ni Benjo sa katotohanan sa loob ng pitong taon. Alam niyang kapalit ng kalayaan ng kanyang anak ay ang kanyang pagkakulong at pagkawala ng masarap na buhay. Nabili at naibigay man niya ang lahat ng laruang tinuro ni Benjo, hindi naman niya maibigay ang mga bagay na mas may kabuluhan.
Dumating ang hindi inaasahan at yun ay ang pagkakaroon ng sakit sa baga ni Benjo.  Noong una`y simpleng ubo lang pero dama niya na nahihirapan na ang kanyang anak sa paghinga na tila may sisiw sa loob ng dibdib. Hindi siya mapakali sa naririnig niyang walang tigil na ubo. Alam niyang delikado pag napabayaan ang sakit ni Benjo. Malalim siyang nag-isip buong gabi.
Kinausap niya ang kanyang asawa sa kwarto.
“Alam mo..” Tahimik niyang bungad.
“..wala akong pinag-sisihan sa lahat ng mga naging desisyon ko. Pinili ko ang buhay na ito. Kung hindi ako tumalon, malamang ay hindi kita nakilala na napagkaganda kong asawa at siyempre, kung hindi ako tumalon, hindi mabubuhay si Benjo. Hindi ko alam, pero talaga yatang likas na sa tao ang tumingin muna sa kaliwa, sa kanan, sa likod tuwing gagawa ng kasalanan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko naisipang tumingin sa taas. Nakalimutan kong may nakakakita pa rin sa akin.. Alam ko naman na masama ang mandaya at manloko dati pa. Sinugal ko na ang sarili ko noon para makawala sa kahirapan at hinanda ko na ang sarili ko sa parusang maibibigay sa akin. Ang hindi ko lang napaghandaan at naisip noon ay pwede palang hindi sa akin ipadaan ang parusa kundi sa anak natin.. At isandaang libong beses na masakit pala iyon. Pare-parehas lang naman tayong mga bilog na naging bilog dahil hindi tayo nakuntento sa kung anong meron tayo noon. Tinuring nating isang laro ang buhay.. Nanabik ang ilan sa atin na makasali sa liga ng mga maluwag at may masasarap na buhay. Nakasali nga tayo, pero tayo naman ang laging taya. Sa totoo lang, kaya kong laruin ang buhay ko.. Pero.. Hindi ko kayang paglaruan ang buhay ni Benjo. Sumuko na tayo. Hindi rin naman natin talaga mundo ito.” Ang paliwanag niya sa kanyang asawa.
Naunawaan siya ng kanyang asawa kaya sumuko na sila pagkalipas ng ilang araw.
Nakulong sila ng ilang buwan ngunit pinalaya rin sila`t pinauwi. Noong panahong naroon sila sa bilangguan ay naipagamot na din si Benjo. Itutuloy na lamang ang pag-inom ng gamot pag-uwi sa pinas.
Sabik ang mag-anak sa pag-uwi sa tunay nilang bayan. At habang nasa eroplano ay pinangaralan si Benjo ng kanyang tatay.
“Anak, ang kasiyahan ay naka depende na sa ating kakuntentuhan. Pero Benjo, hindi ko sinasabing makuntento ka na lang habambuhay sa kung anong meron ka dahil kahit kailan, hindi masama ang mangarap at umasenso basta ba sa mabuti at malinis na paraan mo ito aabutin. Kung tutuusin, madali ang magpayaman.. ang nagpapahirap lang ay ang paraan sa pagkuha nito sa malinis na paraan. “
Nilibot niya si Benjo sa mga kilalang pasyalan. Naghabulan sa Luneta, nagpalipad ng saranggola at nangabayo sa Tagaytay at ang pinaka-nagustuhan ni Benjo, ang pagpunta sa Yexel`s Toy Museum na nagdulot sa kanya ng pagka-aliw at pagkamangha sa mga malalaki at magagandang laruan. Pagod ngunit masaya naman ang tatay ni Benjo na makita ang kanyang anak na kumikinang ang mata sa tuwa.. na malamang ay hindi niya makikita kung patuloy niyang pinaglaruan ang kanyang buhay.
Lahok sa Saranggola Blog Awards 3 sa katergoryang maikling kwento.
Sampaguita o Laruan?
Napagkalawak ng klase ng mga larong mapaglilibangan. Lalo na ngayon na hindi lang limitado sa larong pisikal dala na rin nang mabilis na pag-usbong ng teknolohiya. Sabi nga nang ilan, tila daw nalilimutan na ang mga tradisyunal nating laro at puros daw pabili ng pabili ang mga bata.
MAGASTOS. Yan ang katotohanan. Di tulad noon na trumpo, yoyo, lata, tansan, kaha ng sigarilyo, lamog na tennis ball, human figure na binalutan ng alambre, teks, pogs, baraha, lumang gulong, garter, chalk at kahoy lang ay solb-solb na ang mga kabataan. Ngayon kung hindi, i-touch, i-pad, laptop, desktop, psp, wii, x-box, nintendo ds, ps3, magic cards, RC cars, RC plane, RC helicopter, RC boat at pellet gun ang kanilang lalaruin ay tiyak na busangot ang mukha ng mga bata.
Gayunman, di rin naman natin sila masisisi. Nagbabago naman kasi talaga ang panahon at hindi lang iyon. Pati na rin kasi ang paligid ay tuluyan na ring nagbago.
>Wala nang masyadong punong mapagtataguan, maakyat at masisilungan
>Unti na lang ang mga malalaking bato o nakatumbang puno ng niyog na pwede mong maging langit sa nananayang kalaro na nag-aabang na tumapak ka sa lupang katumbas ay impyerno para ikaw ay mataya
>Istorbo ang mga sasakyan sa patintero, agawan base at tamaang tao lalo na sa basketball sa kalye
>Alas singko na ay nakakapaso pa rin ang init ng araw na maaaring magdulot ng skin cancer at pekas
>Nagkalat ang lamok, kidnapper at rapist
>Wala na gaanong nag titinda ng trumpo, yoyo at teks
>Di na makakalayo ang shatoooooooooooooooooo.. dahil kung hindi sa bubong ng kapit-bahay ay sa loob na ng bakuran nila ito mapupunta..
Pero sabi nga, kung gusto, may paraan. Nasa diskarte na yan ng mga bata at syempre nasa diskarte na rin ng magulang.
Parte na ng bata ang paglalaro at pagkakaroon ng laruan. Hindi man halata ay isa rin itong magandang daan ng kanilang maagang pagkatuto at pagtuklas ng mga bagay-bagay.
Sabi nga nila:
-Ang buhay ay parang gulong.  Tumitigil, nanlalambot, nabubutas at nauubos. May manipis, , may maliit, may malaki at may madaling mapudpod. Anong mang ganda ng klase ng gulong mo, hahalik ka rin sa lupa at madudumihan. Pero ayos lang naman ang mapudpod at madumihan. Isa lang naman ang ibig sabihin nun… Malayo na ang narating mo.
-Ang babae daw ay parang barbie. Puwede mo raw paglaruan, pagsawaan at pag ayaw mo na ay itapon na lang sa isang tabi. Pwede mong ilublob sa tubig, sabunutan at ihagis pag galit. Pwedeng di mo na pakainin at ikulong sa bahay. Pero tandaan mo daw..
ang tunay na lalaki, hindi naglalaro ng barbie.
by Seth Barnes
-Ang buhay ay parang habulan. Masarap ang magpahabol lalo na pag nakikita mong tinatiyaga ka niyang habulin kahit na sinabi mong mabilis kang tumakbo at imposible ka niyang mataya. Pero dahil sa tiyaga niya, titigil ka rin at bibigay. Kung ayaw mong mapagod kakaiwas, umayaw ka na lang o wag na siyang pasalihin sa laro mo. Wag mo na siyang pasalihin kung alam mong hindi ka rin niya mahahabol. Wag kang magpa-asa. Darating ang araw na ikaw na ang maghahabol sa kanila dahil wala nang naglalakas loob sumali sa laro mo.
By Eugene Datuin
-Ang pag-ibig ay parang tong-its. Yung gusto mong mabunot ay tinatapon lang ng iba. Yung pinaka-aantay mo, hindi dumadating dahil nabuo na sa iba. Nakabuo ka na, sasapawan ka naman. Minsan kelangan mong mamili kung ano ba ang dapat mong itapon sa natitira mong baraha. Pinakamasakit ay yung pa-tong-it ka na, naunahan ka lang ng iba.
Walang hanggan ang ating matutunan sa paglalaro. Hayaan nating maglaro at tiyaking may malalaro ang mga bata. Hayaan natin silang matuto. Hayaan natin silang makaramdam ng pagkatalo at pagkapanalo. Hayaan natin silang makipag-away para matutunan nilang maaga kung paano magpatawad at makipagbati. Hayaan natin silang maagawan, masiraan at mawalan nang laruan para di sila gaanong masasaktan pag dumating ang araw na sila ay maagawan ng kasintahan, masiraan ng reputasyon at mawalan nang minamahal. Paghandaan natin sila.. Paghandaan ang pagpapamilya. Wag nating hayaang pagtitinda nang sampaguita ang maging libangan nila.
-Metaporista
–LAHOK SA SARANGGOLA BLOG AWARDS 3 Kategoryang Blog
HAMPAS
Pic by Chris Herald De la Paz
Hampas
ni
Metaporista
Panindang nakasabit, laruang nakalawit
Nanukso sa ilang batang subukang mangupit
Nagpumilit na iwasan ang pagkaka-inggit
At sa murang edad ay natuto nang pumikit
“Laruang nakasabit, di ko na makakamit..”
Sambit ng paslit na may singhot at luhang bitbit
Kasabay nang pamimilipit ng tiyang masakit.
Ngunit bakit  ang iba’y  tamis at hindi pait?
Ngiti ang kanilang baon at di pagmamalupit?
Mag-asawang nagsumikap, nagplano’t nag-isip
Tiniyak na anak nila’y may makakai’t madadamit
Sa doktor ay madadala sa tuwing magkakasakit
Karapatang edukasyo’y kan’lang maisusukbit
Buhay nila’y di paglalarua’t isasabit
Munting laruan nga’y kanilang pinagkakait,
Ang ngiti ng bata’y naging bigas at pang-hithit
Mang-aaway, maninisi at t’yak mananakit
Pag pinilit, kinulit at pag iyong ginalit
Latay sa balat ang tiyak na daling ikakabit!
Munting mga kamay na laruan sana’ng bitbit
Imbis na ang pasko, ang hampas mo ang sumapit.
Tulang lahok sa patimpalak ng Saranggola Blog Awards 3
Tula para magulang na tinuring na isang laro ang buhay pag-aasawa at tinuring na laruan ang kanilang mga anak.
Piliin mo ang gustong-gusto mo.. at hindi ang gusto mo lang..
Minsan nalilito tayo sa multiple choice.. Dahil minsan, para sa atin 2 ang tamang sagot.. Pero sa totoo, isa lang talaga ang tama.. Ayaw lang natin maniwala dahil mahirap para sa atin itong paniwalaan.. at ayaw nating  magkamali.
Don't kill!... The fly is asking you To save his life By rubbing his hands together» — Issa Kobayashi
Minsan may mga maliit na bagay na hindi natin napapansin.. malamang dahil maliit sila o baka dahil maliit lang ang tingin natin sa kanila. Minsan may gusto silang sabihin pero di nila masabi sayo dahil alam nila na hindi mo sila hahayaang magsabi sayo. Bubuka pa lang ang kanilang bibig ay tinatakpan mo na. Nagpaplano pa lang, pinipigilan mo na.
Noong unang panahon, makita lang ng mga taga-bayan na may paparating na mga dayuhan, automatikong ihahanda na ang lahat ng mga kawal at kanyon at automatikong kalaban na ang mga iyon kahit pagkikipagkaibigan ang layon.
Ang pagiging bukas ng isip ng tao sa ideya at kagustuhan ng iba ay ang minsan nagiging simula ng maayos na samahan sa pangkalahatan.
“Anak mag dodoktor ka.”
“Pero tay..”
“Magdodoktor ka o magdodoktor ka.. yan lang ang pagpipilian mo anak..”
“Tay..”
“May third choice ka pa pala.. at yun ay mawawalan ka ng Ama..”
Tulad na lang ng magulang na nagpapasya kung ano ba ang dapat na tahakin ng anak nila kahit na ang anak naman ang mag-aaral at hindi ang magulang. Magulang na nagpapasya kung sino ba ang dapat pakasalan ng anak. Magulang na kulang na lang ay lagyan ng tali sa leeg ang kanilang anak upang mapasunod. May dahilan ang anak mo.. may gusto ang anak mo.. pero di mo man lang sila hinayaang maipaliwanag sa iyo kung bakit ba ayaw o gusto nila ng ganito ganyan.
“O anak nakapag-isip ka na ba ng gusto mong kunin?”
“Meron na po tay.. pero pasensya na po dahil hindi po pagiging doktor ang kukunin ko gaya po ng inyo kasi hindi po ako kasing talentado ninyo..”
“Ah ganun ba, o sige kung ano man ang piliin mo, sabihin mo lang, andito lang kami para sayo.. “
Nakikita niyo ba na darating ang araw na ang magulang naman ang hihingi ng pabor sa kanilang mga anak?
“Anak, ayaw ko na dito sa Maynila.. Kasi nami–”
“Hindi pwede, dito lang kayo.”
Sana nga ay hindi dumating ang araw na ang mga anak niyo na pinagkaitan niyo ng kalayaan ay gayahin ang kinamulatan nilang pagpapalaki ninyo.
Hindi purki`t kinalabit ka ng pulubi ay manghihingi na siya ng barya.. Malay mo, magtatanong lang sayo kung anong oras na kahit meron siyang sariling relo..  di niya lang alam ang pagbilang  ng oras..
Kelangan nating matutong tumimbang ng sitwasyon.
Kelangan nating matutuhan kung kailan dapat bigyan ng pagkakataon ang isang bagay.
Kung kelan dapat lumaya at magpalaya.
Kung alam mong maraming masasaktan at ayaw mo silang masaktan, wag kang gagawa ng bagay na ikasasakit nila.
Kung kaya mo naman panindiganan ang magiging desisyon mo kahit na, ikasakit ng damdamin ng iba. Sige lang.
Pero sabi nga.. Piliin mo ang gustong-gusto mo.. at hindi ang gusto mo lang.. dahil pagsisisihan mo yan sa huli at panghihinayangan sigurado.
Dahil minsan, ang isang maliit na desisyon ay nagdudulot ng malaking epekto sa buhay ng tao.
Gaya ng maliit na langaw na dumapo sa tae, pag dumapo sa kanin mo tiyak na ikaw ay magta-tae.
-Metaporista
Yaman o Ligaya? EDSA o Buendia?
O  ipapaubaya  nanaman sa manlilikha?
Pero di siya sasagot..
Tiyak, mayayamot..
Binigyan ka niya ng isip para ikaw ang sumagot
Mamili ng di mo ikalulungkot
Desisyong ikaw
ang mananagot
Bobits at Talits Jokes – Part 2
Si Talits, Bobits at ang Basurero sa Langit
Si Talits na isang Guro, ang basurerong mabaho at ang isnatser na si Bobits ay
sabay-sabay na namatay at napunta kay San Pedro.
San Pedro: Ang makakasagot lang sa aking mga katanungan ang may karapatan na
pumasok sa langit. Talits, ikaw ang una,Ano ang pangalan ng sikat na barko
na lumubog dahil sa pagbangga sa iceberg?
Talits: Tinuturo ko po iyan sa aming klase, Titanic po!
San Pedro: Magaling! Maaari ka ng pumasok. Ikaw naman basurero,
(Nabahuan si San Pedro at naisip niyang parang di siya nababagay sa langit
kaya hinirapan niya ang kanyang tanong), Ilan ang namatay sa lumubog na
Barkong Titanic?
Basurero: Yan lang po ang pelikulang napanood ko sa buong buhay ko kaya hindi
ko po iyan makakalimutan, 1228 po lahat ng namatay!
San Pedro:Mahusay! Maaari ka ng pumasok sa langit. Ngayon, Bobits, Pangalanan
mo silang lahat.
Nagsulatan Si Talits at Bobits
Dear Bobits,
Dito sa langit:
Ang gasolinahan ay Total at Jetti
Ang bilihan ng CD ay National Bookstore
Ang taga-serve ng pagkain ay taga-LBC
Ang palabas sa TV ay GMA at ABS-CBN
Ang drainage system ay tulad sa Makati
Ang inuming tubig ay mula sa Mt. Banahaw
Ang mga driver ng Bus dito ay mga bumibiyahe ng East Wood
Ang trapik ng kalsada dito ay parang NLEX, halos wala
Sagot ni Bobits sa sulat ni Talits
Dear Talits,
Dito sa impyerno:
Ang gasolinahan ay Caltex at Shell
Ang bilihan ng CD ay CD-R King
Ang taga-serve ng pagkain ay taga-NBI
Ang palabas lang sa TV ay Home TV Shopping
Ang drainage system ay tulad sa Manila
Ang inuming tubig ay mula sa Manila Bay Walk
Ang mga driver ng Bus dito ay mga bumibiyahe ng EDSA
Ang trapik ng kalsada dito ay parang Las Pinas, imposibleng wala
Bobits sa Langit
Nanalo si Bobits sa Lotto ng Jackpot na 700 million pesos na binili niya agad
ng mga gold bars. Kaya lang kinabukasan ay namatay siya agad. Pagkamatay niya
ay narinig ng isang anghel ang kanyang huling kahilingan na kung puwede ay
makapagdala siya sa langit ng kahit isang maleta ng kanyang kayamanan para sa
kanyang kasiyahan. Sinabi ito ng anghel sa Dakilang Manlalalang at pinayagan siya
ngunit gaya ng napagkasunduan  ay isang maleta lang. Kaya inihanda na ni Bobits
ang kanyang maleta na punung-puno ng gold bars. Pagdating sa entrance ay kinausap
siya ni San Pedro.
San Pedro: Op op op ops, di mo madadala ang iyong kayamanan dito sa langit!
Bobits: Nagkasundo na po kami ng Dakilang Manlalalang. Kung gusto niyo po ay tanungin
niyo po siya.
Inalam ni San Pedro Kung Totoo nga ang sinabi ni Bobits at laking gulat
niya na totoo nga ito.
San Pedro: OK OK, maaari ka ng pumasok.. Pero pwede bang makita ko ang laman ng
maletang yan para sa seguridad ng langit?
Bobits: Wala pong problema at bubuksan ko po sa inyong harapan.
San Pedro: Ha??????!!!! Ba`t ka nagdala ng tiles?
Pinapili si Bobits
Isang araw, Ang may-ari ng kompanyang si Bobits ay nasagasaan ng bus at agad na
namatay at napunta kay San Pedro:
San Pedro: Bobits, nasa langit ka na ngayon. Pero hindi ibig sabihin nun ay
makakapasok ka na. Para sa isang tulad mong masamang tao ngunit may malinis na puso
tulad ni Robin hood, ay bibigyan ka namin ng karapatan mamili kung dito ba sa langit
ang gusto mo o sa impyerno.
Bobits: Dito na po sa langit ang gusto ko. Papasukin niyo na po ako.
San Pedro: Bago ka magdesisyon ay ipapakita ko muna sa iyo ang impyerno.
Bumaba na si Bobits sa impyerno mag-isa at laking gulat niya na pag-bukas ng pinto
ay nakita niya ang kanyang mga kaibigang mga boss ng ibang kompanya na naglalaro ng
Golf sa isang napakalawak at napakagandang golf course. Binati siya nito at niyaya
siyang maglaro habang nagkwekwentuhan at binabalikan ang kanilang mga nakaraang
masasayang araw. Pag katapos nilang maglaro ay kumain sila ng Hipon at Lechon
Baka na ubod ng sarap. Nilapitan siya ng diablo na ubod ng sexy at ubod ng ganda
at niyaya siya nitong sumayaw at hinayaan siyang akapin at halikan. Masayang-masaya
na si Bobits ng nalaman niyang oras na palang bumalik kay San Pedro. Nagpaaalam
na sa kanya ang kanyang mga kaibigan habang papaakyat na siya sa langit.
San Pedro: Maligayang pagbabalik Bobits, Oras na para mamili ka kung saan mo gustong
mamuhay magpakailanman. Tandaan mo na ang desisyon mo ngayon ay di na puwedeng bawiin
kaya`t pag-isipan mo maige.
Sandaling nag-isip si Bobits at sinabi na rin ang kanyang nasa sa isip.
Bobits: Di ko akalain na magiging ganito ang desisyon ko. Hindi naman sa ayaw ko dito
sa langit, sa totoo lang maganda at masaya dito sa langit.. Kaya lang sa tingin ko mas
sasaya ako impyerno..
San Pedro: OK.
Sinamahan na ni San Pedro si Bobits sa impyerno at laking gulat ni Bobits ng bumukas
ang pinto. Mabaho, Maingay, Madumi at Madilim. Nakita niya ang kanyang mga kaibigan
nakasuot ng basahan at nangongolekta ng basurang nilalagay sa sako. Habang pinapalo ng
latigo ng mga alagad ng Diablo.
Bobits: Hindi ko maintindihan! Nung pumunta ako dito ay sobrang ganda at nag-golf pa
kami ng mga kaibigan ko`t kumain ng masasarap na pagkain. Ngayon, isa na itong
mundo ng basura, galit, hirap at poot!
Diablo: Hahahahahahahahahaha!! Kahapon nirerecruit ka namin. Ngayon kasi, you`re
already part of the team!
ahajokes.com