You are currently browsing the tag archive for the ‘epekto ng bagyo’ tag.

——————————————————————————————————-

LATEST NEWS!

November 7 & 8, 2013: Bagyong Yolanda (Super Typhoon Yolanda – International Code name Haiyan)

Kasalukuyang nananalasa sa Pilipinas!

 

Bagyong Yolanda

Bagyong Yolanda

 

http://www.youtube.com/watch?v=8-p4VqYjEQQ

Bagyong Yolanda Video

———————————————————————————————

 

Bagyong Usagi: Pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ay tumama sa pinas na may bilis na 260km/hr

“Dear kuya, kumusta ka na dyan? Anong balita, malamig ba dyan? Dito mainit.. Pero kung bumagyo, para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito…”
– Sugar Free

Kadalasan naglalaro sa 20 hanggang 22 ang pumapasok na bagyo sa Philippine Area of Responsibility. Pero alam niyo ba na noong 1993 ay may 32 na bagyo ang pumasok sa atin at 11 na bagyo lang ang pumasok noong 1998? Karaniwang nakakaranas tayo ng bagyo pagpasok ng Mayo hanggang Oktubre at ang kadalasang dahilan ng bagyo sa atin ay ang monsoon.

Nandiyaan ang PAGASA para sa pagbibigay ng babala o mas kilala bilang PSWS (Public Storm Warning Signal).

PSW Signal No. 1

  • 30 to 60 kph ang hangin. Pwede rin itong makapagpatumba ng ilang puno ng saging. Suspended automatic ang pre-school at kinder.

PSW Signal No. 2

  • 60 to 100kph ang hangin. Pwedeng makapagpatagilid ng puno ng niyog. Delikado na rin ang paglalayag sa dagat ng mga maliliit na vessel. Suspended mula Pre-school hanggang highschool.

PSW Signal No.3

  • 100 to 185kph ang hangin. Maaaring makapagpatumba o bunot ng puno ng niyog. Delikado maglayag kahit ang mga malalaking vessel sa dagat pati na rin yung mga eroplano at helicopter. Suspended sa lahat ng level.

PSW Signal No. 4

  • Higit sa 185kph ang hangin. Maaring magdulot ng malawakang pagkasira ng mga pananim. Asahan na rin ang power interruption.

Tandaan na ang PSWS ay tumutukoy lamang sa hangin na dala ng bagyo. Ang local government na ang mag-aannounce ng suspension ng klase pag may PSWS. Maaaring kahit walang PSWS ay i-suspend ang klase kapag ang ulan ay nagdulot ng malawakang pag-baha at perwisyo.

Ayon sa PAGASA at NDCC at NSCB

Ang bagyong pinakamalaking pinsala

  1. Pepeng – 27.195 Billion Pesos Oct 2009
  2. Pedring – 12 Billion Pesos Sept 2011
  3. Ondoy – 11.121 Billion Pesos Sept 2009
  4. Ruping – 10.846 Billion Pesos Nov 1990
  5. Rosing – 10.829 Billion Pesos Oct 1995
  6. Kadiang – 8.756 Billion Pesos Sept 1993

Ang bagyong may pinakamaraming napatay ay ang bagyong Uring noong Nov 1991

  • 5080 tao ang namatay
  • 292 tao ang nasaktan
  • 1264 tao ang nawala

Ang pinakamalalakas na hangin ng bagyo ay ang mga sumusunod:

  1. Reming – 320 kph max Nov 2006
  2. Sening – 275 kph max Nov 1970
  3. Rosing – 260 kph max Nov 1995
  4. Anding – 260kph max Nov1981
  5. Loleng – 250 kph max Oct 1998

At ang bagyong may pinakamaraming binuhos na ulan sa loob ng 6 hours (8am to 2pm)

  • Bagyong Ondoy – 341.3 mm sa Quezon City within 6 hours

Mula 1948 hanggang 2009 may 1202 na Tropical Cyclones na ang dumaan sa atin.

Pinakamaraming TC ang pumapasok tuwing July.

From 1948 to 2009 ang bilang ng Tropical Cyclone na pumasok sa atin ay:

Jan – 27 Tropical Cyclones

Feb – 19 Tropical Cyclones

Mar – 17 Tropical Cyclones

Apr – 28 Tropical Cyclones

May – 65 Tropical Cyclones

June – 94 Tropical Cyclones

July – 204 Tropical Cyclones

Aug – 193 Tropical Cyclones

Sep – 185 Tropical Cyclones

Oct -157 Tropical Cyclones

Nov -131 Tropical Cyclones

Dec – 82 Tropical Cyclones

Alam niyo ba na ang nasirang bahay nina Ondoy at Pepeng ay umabot sa 212,918 at 2,835 na mga paaralan?

Hindi lang ang mga pag-baha ang pwedeng idulot ng malakas na buhos ng ulan kundi pati ang mga landslide, mga aksidente sa mga naglalayag sa dagat, mga batang lumulusot sa man-hole, mga sirang kotse, magmamahal ang gulay, maraming magkakasakit lalo na ng leptospirosis, trapik, naglulutangang mga tae at diaper sa baha, sirang billboard ni Anne Curtis, sirang puno, sirang tulay, sirang pananim, sirang pag-aaral at marami pang iba. Sana`y na nga ang ilan sa atin at wala silang ibang choice kundi paghandaan na lang. Kung titingnan natin ang statistics, bumababa na ang bilang ng namamatay tuwing may bagyo. Dahil na rin sa tulong ng media, PAGASA at mga ahensyang pandagat na mahigpit na nagpapatupad ng pagbabawal sa paglalayag pag may malakas na bagyo. Kung meron akong 5 sisihin sa malaking epekto ng bagyo sa mga pinoy:

  • una ay ang mga pinoy na may malaki at malawak na invisible na basurahan
  • pangalawa ay ang mga negosyanteng nagpapatira at gumagawa ng bahay sa flood at landslide prone area at
  • pangatlo mga contractor na substandard ang quality ng ginagawang infrastructure
  • pang-apat ay yung mga tumatanggap ng lagay sa gobyerno na pinapalampas yung substandard quality ng materials at finish product na ginagawa ng contractor at para makapag-illegal logging
  • pang-lima, mga principal ng school at may-ari ng kompanya na walang paki-alam kahit mag-swimming ang mga estudyante at trabahador. Mga walang ibang inisip kundi maibenta ang niluto nilang lugaw at ulam sa canteen.

Pictures:

Ondoy 2009

Ondoy 2009

Ondoy 2009

Ondoy 2009

Ondoy 2009

Ondoy 2009

Sa nakalipas na dalawang dekada, si bagyong Pablo raw ang pinakamalakas na tumama sa Mindanao. Ang hangin ay 185 kph at umabot pa  sa 210 kph.

Walang pakialam ang bagyo kung mayaman ka man o mahirap, doktor ka man o kondoktor, pari o excon.. nagkakatalo lang yan sa lugar kung san ka magtatayo ng bahay at kung gaano katibay ang itatayo mo at kung gaano ka kahanda sa pagdating ng bagyo.

 

 

Mga dumaang bagyo sa Pilipinas noong 2008:

Ambo, Botchoy, Cosme, Dindo, Enteng, Frank, Gener, Helen, Igme, Julian, Karen, Lawin, Marce, Nina, Ofel, Pablo, Quinta, Rolly, Siony, Tonyo at Ulysses

 

Mga dumaang bagyo sa Pilipinas noong 2009:

Auring, Bising, Crising, Dante, Emong, Feria, Gorio, Huaning, Isang, Jolina, Kiko, Labuyo, Maring, Nando, Ondoy, Pepeng, Quedan, Ramil, Santi, Tino, Urduja at Vinta

 

Mga dumaang bagyo sa Pilipinas noong 2010:

Agaton, Basyang, Caloy, Domeng, Ester, Florita, Glenda, Henry, Inday, Juan at Katring

 

Mga dumaang bagyo sa Pilipinas noong 2011:

Amang, Bebeng, Chedeng, Dodong, Egay, Falcon, Goring, Hanna, Ineng, Juaning, Kabayan, Lando, Mina, Nonoy, Onyok, Pedring, Quiel, Ramon at Sendong

 

Mga dumaang bagyo sa Pilipinas noong 2012:

Ambo, Bochoy, Cosme, Dindo, Enteng. Ferdie, Gener, Helen, Igme, Julian, Karen, Lawin, Marce, Nina, Ofel, Pablo at Quinta

 

Mga dumaang bagyo sa Pilipinas noong 2013:

Auring, Bising, Crising, Dante, Emong, Fabian, Gorio, Juaning, Isang, Jolina, Kiko, Labuyo, Maring, Nando, Odette, Paolo, Quedan, Ramil, Santi, Tino, Urduja, Vinta, Wilma, Yolanda at Zoraida.

-metaporista

Metaporista


Masuwerte tayo sa pagkakamit natin ng kalayaan. Malaya na tayo mag salita, kumilos at magdesisyon. Pero ang hindi natin alam, mayroon ding masasamang epekto ang lubusang pagtamo ng kalayaan.

Follow Metaporista on WordPress.com

Tumblr Account: Metaporista

SARANGGOLA BLOG AWARDS 2

CLICK MO ITO, KUNG AYAW MONG MAHOLDAP

Isa sa isang dosenang buwan

Agosto 2014
L M M H B S L
« May    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 225 other followers

Blog Stats

  • 571,227 hits
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 225 other followers